[Tagalog Fic] Bumper - Jin x Yuuto - 1/?

Aug 18, 2009 06:12

Title: Bumper
Chapters: 1/?
Author: paranoiascreams
Genre: humor, Au
Warning: Un-Beta'd, cursing too much
Rating: PG - 13, r-18 for the cursing
Pairings/Characters: Jin x Yuuto (main), Kazuki x Manabu
Synopsis: Naglakad sya palapit sa mga empleyado ng opisina, binabati nya sila isa isa, kulang na lang tumakbo na ko palayo habang papalapit sya sakin, ilang dasal at iba ibang orasyon na ata nabanggit ko para mawala ako sa kinatatayuan ko para hindi nya ko makita, o kaya naman magpalit anyo ako para di nya ko makilala.
Disclaimer: I do not own Screw, story is mine. ALL MINE.
Comments: This is written in my native language, which is Filipino. I got inspired to write in my language because of my dear friend, mxtrxofsomer. This is for my little kid,
yuki_pon.
[1] [2] [3] [4]

Shit. Ang init. Bakit ngayon pa nasira aircon ng kotseng to? Anu ba?! Anak ng tinapa. Late na ko.

Napatingin ako sa labas, magkakadikit na naman ang sasakyan, andami. Pero mas marami yung mga tao sa paligid nito, naglalakad, tumatakbo, may namamalimos, mayroong may hawak ng kape. Kung pwede ko lang iwan tong kotseng to sa gitna ng highway, di ako magdadalawang isip at makipagkarera na ko sa mga tumatakbo papasok ng opisina.

PUTANGINA!

Bumaba ako ng sasakyan ko pagtingin ko sa likod, nilamon na ng isa pang kotse ang bumper ng sasakyan ko.

"BOBO KA BA?! TRAPIK NA NGA NAGAWA MO PA KO BANGGAIN!?! SHIT!" Nagdilim na ata paningin ko at hindi ko na inalam kung matanda, bata, babae, lalake, o tao ba yung nasa kabilang sasakyan, basta ang alam ko lang, dumagdag lang sya sa sakit ng ulo na hindi pa ata nakukuntentong sirain ang araw ko.

Bumaba ang isang lalaki, ni hindi sha pinagpapawisan, ang kalma kalma nya pa, mas lalong nakakapikon. Oo na, maaayos na gumagana aircon mo.

"I'm sorry, I was on the phone, and i thought the lane moved. I'm really sorry."

Napatanga ko. Tinignan ko ang lalakeng humarap sakin mula ulo hanggang paa, magkalahi naman kami.

"SORRY LANG?! Tignan mo nga yung bumper ng kotse ko! Tangina, sorry lang?!"

"Ok, I'll pay for the damage, how much is it?"

"Damage-in mo mukha mo! Tangina. Late na ko, shit na araw to."

"Look, I know you're pissed off. Here's my card, meet me later, i'm really sorry and i want to compensate the damages."

Kinuha ko ang card, tinitigan ko ito.

Yuuto?

Oo. Tatawagan kitang hayup ka, pag nawalan ako ng trabaho dahil late ako, wala na kong pambabayad sa pagpapaayos nito.

"Sige sige." Pumasok ako ng kotse kong galit na galit. Nakakainis pa lalo na marinig mo ang bumper ng kotse mong kinakaladkad sa daan matapos banggain ng lalakeng kala mo kung sino kung maka-english sa kin.

-----

"Init ng ulo mo Jin ah?" Bati ni Kazuki sakin, sabay abot ng isang papel.

"Ano to?"

"Notice. Dadating daw yung anak ng boss natin."

"Eh ano naman?"

"Magbigay pugay at magbigay galang." Singit ni Manabu habang inaayos ang mga papeles na nakatambak na sa lamesa nya.

"Putsa. Corporate slavery!" Umupo na ko sa lamesa ko at binuksan ang computer.

"Lakas ng badtrip mo ah, ano nangyari?" Tanong ni Kazuki, sabay abot ng kape kay Manabu.

"Kazuki, di ka na nasanay. Laging mainit ulo nyan." Sabat ni Byou habang nagsisimula na syang gawin ang trabaho nya.

"Gago. Iba ngayon Byou, putsa. Parang nagising ako na isang malaking kabadtripan lang iaalay sakin. Una, natrapik ako, pangalawa, sira aircon ko. At pangatlo... may bobong inglisero na walang kaabog-abog na binangga ang bumper ng sasakyan ko. At ang hayup na yun, akala mo kung sino kung inglesin ako, pinagsisigawan ko na, ang kalma kalma pa. Mas nakakaloko e, mas nakakagago. " paliwanag ko, habang isa isa kong binabasa ang mga email sakin ng mga kaopisina ko, parepareho lang halos, tungkol sa anak ng boss naming balikbayan.

"Ayan na ata." Tatayo si Manabu, susundan sya ni Kazuki.

Etong dalawang to, halatang halata na relasyon, lagi pang tinatago samin.

"Ayan na nga. Tara." Lalabas si Byou, kasunod yung dalawa. Sumunod na rin ako.

Maliit lang kami sa department namin. Siguro 30 lang kaming empleyado, pero malakas ang kumpanya, mayaman ang mga boss, hindi rin naman problema ang sweldo.

Nakaumpok na halos lahat ng mga kaopisina namin sa lobby, naghihintay ng lalabas sa elevator, kulang na lang ng mga photographer at mga reporter, aakalain mong may sikat na artistang parating. Nakuntento na ko sa halos pinakalikod ng umpukan, nakasandal sa isang pader, gusto ko na matapos agad to, para masimulan ko na trabaho ko.

"PUTA!"

"Ano na naman Jin?!" Sambit ni Byou sabay siko sa tagiliran ko, masyado atang malakas pagkakamura ko.

Matatanggal na talaga ko sa trabaho ko, pagbalik ko sa lamesa ko, sisimulan ko na talaga magtanggal ng gamit.

"Siya yung bumangga sakin kanina. Tangina. Byou, Kazuki, Manabu... Salamat sa 4 na taong pagsasama sa opisina."

"Hindi nga? Pasensya na Jin, di ko lam kung pano ka makakalusot dyan." Sabay tapik sa balikat ko ni Manabu, para bang sigurado na rin sila na mapapatalsik ako.

Ipinakilala ang bisita, si Yuuto. Galing sa America, dun nag-aral at nagpractice bilang CEO/COO sa isang branch ng kumpanya dun, ngayon naman, inilipat sya dito dahil malapit na raw magretire ang tatay nya, in short, pinagmumura ko at pinagsisigawan ang bagong boss namin.

Naglakad sya palapit sa mga empleyado ng opisina, binabati nya sila isa isa, kulang na lang tumakbo na ko palayo habang papalapit sya sakin, ilang dasal at iba ibang orasyon na ata nabanggit ko para mawala ako sa kinatatayuan ko para hindi nya ko makita, o kaya naman magpalit anyo ako para di nya ko makilala.

Malamig sa kinatatayuan ko pero pinagpapawisan ako. Sa mga segundong palapit sya sakin, nananalangin pa rin ako na sana biglang mabutas ang sahig na tinatayuan ko, at mahulog na ko, wala akong pakialam kahit nasa ika-13 palapag ako, mawala lang ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Hi, please take care of me."

Sa sobrang kaba ko, nawalan na ata ako ng malay habang nakatayo na hindi ko napansin na kaharap ko na sya, nakangiti, ang amo pala ng mukha nya.

Ngiti lang ang naisagot ko, narinig ko syang humagikgik mahinang mahina, hindi ko tuloy alam kung ngumiti talaga ko, o nagmuka akong batang natatae sa harap nya.

Matapos nun ay lumayo na sya sa kin, at ako naman ay nagmamadaling bumalik sa lamesa ko. Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan, pero hangga't di tapos ang araw na to, hindi ako mapapanatag.

-----

Nakabalik na kami lahat sa pwesto namin, nagsisimula na rin akong gawin ang trabaho ko, nagsimula na rin gumalaw ang mundo namin sa maliit na kwartong kinabibilangan naming apat nina Byou.

Creatives team kami, at nag-aaway si Byou at Manabu sa ad concept na ipepresinta nila sa meeting mamaya kasama ang kliyente, habang si Kazuki naman, nagdadownload na naman ng porno, hindi sya napapagalitan kasi sya rin ang source ng iba pa naming manyak na kaopisina.

Bumukas ang pinto, natahimik si Byou at Manabu. Napamura si Kazuki, nacancel nya download nya. Muntik na ko magtago sa ilalim ng lamesa ko.

Nasa kwarto namin si Yuuto.

"Please, dont mind me. I just wanna be familiar with the office and the employees."

Tumayo si Byou, nagpakilala sila isa-isa. Napilitan na rin ako magpakilala.

"I'm Jin, welcome to your company." Puta, napapainglish ako, wala naman atang sense sinabi ko.

"Hahaha, you're funny Jin. Ok, i'm going now, nice meeting everyone." naglakad na sha palayo, nakatingin lang ako, kinakabahan sa mga susunod na mangyayari, pag hindi pa sya lumabas agad, aatakihin ako sa puso.

"Oh, and Jin."

Puta.

"Meet me for lunch, I need to talk to you, bye." Nginitian nya ko, sabay labas ng pinto.

"JIIIIIIINNNN!!!" Bulyaw ni Kazuki sabay takbo at akap sakin, sumunod na rin sina Byou at Manabu.

"Mamimiss ka namin!!"

"Wag mo kaming kakalimutan!"

"Dumalaw ka pare!"

"Hayup kayo. Bitawan nyo ko!" Tinulak ko ang tatlo, nakangiti silang lahat sakin na parang nang-aasar lang, bumalik ako sa trabaho, bumalik yung tatlo sa lamesa nila, nagsimula silang magusap-usap.

"Pare naalala mo nung unang pasok mo dito? Si Jin unang bumati sayo nun, diba?" Tanong ni Kazuki kay Byou, habang sinisimulan nya uling idownload ang porno nya.

"Oo naman pare. Eh naalala mo nung birthday nya nung isang taon? Hayop. Akala ko di na tayo matatapos sa inuman. Ang dami!"

"Oo. Tapos nung pasko, diba ang tindi magreklamo sa regalong natanggap, akala mo may patagong regalo kung makalait sa nakuha nya e." sabi ni Manabu habang nagsisimula syang ayusin ang lay-out ng poster nya para sa meeting mamaya.

"Buhay pa ko, mga gago. Andito ko, at naririnig ko kayo."

Humalakhak yung tatlo, nangiinis lang yata.

-----

Bumilis ata ang oras, pagtingin ko sa relo sa dingding ng kwarto namin, 11:30 na ng tanghali, sinimulan na naman akong pagpawisan.

"Pare, text ka lang pag kailangan ko na iclear out table mo mamaya." Nang-aasar si Kazuki, binato ko sya ng eraser, na agad naman nyang nasalo.

"Tado. Ako mismo maglilinis ng lamesa ko."
Bumukas na naman ang pinto, si Yuuto.

Kung di ko lang alam na boss ko sya, mumurahin ko to uli e. Papatayin ata ako sa sakit sa puso.

"Shall we go, Jin?"

Tumango ako, sabay tayo sa kinauupuan ko, nakatingin sa kin yung tatlo, pigil na pigil ang tawa, mukang mauutot lang sila sa ginagawa nila.

Naglakad ako palapit kay SIR Yuuto, naglakad kami palabas ng kwarto, pero narinig ko pa rin ang tumataginting na halakhak ng tatlo, nananadya talaga.

-------

Thanks for reading~

comments are love.

length: chaptered, !fanfiction, pairing: jin x yuuto, band: screw, title: bumper

Previous post Next post
Up