Title: Bumper
Chapters: 4/?
Author:
paranoiascreamsGenre: humor, Au, Crack, Romance, Fluff
Warning: Un-Beta'd, cursing too much
Rating: PG - 13, r-18 for the cursing
Pairings/Characters: Jin x Yuuto (main), Kazuki x Manabu
Synopsis: Pinihit ko ang radyo. Mas okay na sigurong makinig ng music kesa naman mapuno ang isip ko ng mga imahe nya. Yuuto naman kasi, umalis ka muna sa utak ko ng makapagmaneho ko ng maayos. Isang araw pa lang kita nakikilala, feeling ko kaya mo na guluhin buong buhay ko.
Disclaimer: I do not own Screw, story is mine. ALL MINE.
Comments: This is written in my native language, which is Filipino. It's been awhile (a year and so) since the last update. hahaha.
[1] [2] [3] [4] Di ko alam san papunta iniisip ko, basta para na lang syang pelikula sa utak ko. Yung mga ngiti nya, pagpikit nya, yung mahahaba nyang pilikmata na akala mo didikit hanggang pisngi nya, yun lang ang mga nakikita ko imbes na yung daan.
Delikado to ah.
Pinihit ko ang radyo. Mas okay na sigurong makinig ng music kesa naman mapuno ang isip ko ng mga imahe nya. Yuuto naman kasi, umalis ka muna sa utak ko ng makapagmaneho ko ng maayos. Isang araw pa lang kita nakikilala, feeling ko kaya mo na guluhin buong buhay ko.
"Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako'y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
na walang patid..."
"Naknamputangina... Anong kakornihan ba to!?" Pinihit ko ang radyo, naghahanap ng kahit anong kanta na hindi ako makakarelate. Pinatay ko na lang din to nang wala akong ibang istasyon na makita, yung istasyon na hindi ko binalak pasabugin dahil sa kakornihang pinapatugtog nila.
Hininto ko ang sasakyan ko sa repair shop ni Pareng Yasuno. Bumaba ako, at nakita ko rin si Yuuto na bumababa ng sasakyan nya.
"Oh, pre. Ano nangyari?" bati ni Yasuno habang pinupunasan yung grasa ng kamay nya sa basahan.
"Yung bumper ko..."
Sinilip ng kausap ko ang likod ng kotse ko, natawa sya ng malakas. "Pre, palitan mo na kasi sasakyan mo."
"Uhmn, I'm Yuuto. I caused the damage on his bumper. Can you hurry up and tell me how much it will all cost?" Mukhang iritado si bossing. Nagpunas sya ng pawis mula sa noo nya, halatang hindi sya sanay sa maiinit na lugar.
"Pano to, inglisero?!" Tanong sakin ni Yasuno, habang nagkakamot ng ulo.
"Nakakaintindi ng tagalog." Sabi ko naman.
"Eh, teka po..." Nagkakamot pa rin ng ulo si Yasuno habang iniinspeksyon ang kotse ko. Lumapit ako kay Yuuto, inabot ang panyo ko, "Oh. Mukhang di ka sanay sa maiinit na lugar."
"I'm really not. Thank you, Jin." Ngumiti sya matapos kunin ang panyo ko, pakiramdam ko nanginig ang mga tuhod ko pagkatapos.
"Yasuno, ihiwalay mo yung para sa aircon, sira rin yun." Yun na lang sinabi ko para hindi ko titigan ng matagal ang boss ko. Kung pareho kami ng height, hindi sana halata na nakatingin ako sa kanya kaso sa kamalas-malasan nga naman ng buhay ko, anlaki ng tangkad nya sa kin.
"Sige pre. Sandali lang." Umiikot na sa kotse ko si Yasuno at binuksan ang hood ng kotse. Umismid si Yuuto sa gilid ko, ayaw nya talaga dito.
"Uhmn, Yuuto, gusto mo sa labas muna tayo?" Tanong ko, tumango sya at naglakad sa garahe kung saan medyo malamig ang simoy ng hangin. Naglabas ako ng sigarilyo, inalok ko sya, "Naninigarilyo ka ba?"
"From time to time." Ngumiti na naman sya, at kumuha ng isang stick. Inobserbahan ko, hindi naman nagdudunung-dunungan, mukhang naninigarilyo talaga sya.
"Just dont tell it to anyone."
"Ok." Yun lang sagot ko, kasi naman, kahit na anong gawin nya, ang ganda nya sa paningin ko. Nakakairita na, kasi feeling ko hindi ako kumain, kasi parang walang laman tiyan ko kung hindi hangin, hangin na binubulong pangalan nya.
Tahimik lang kaming nanigarilyo sa labas. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya, hindi rin naman sya mukang makikipag-usap na lang ng tungkol sa kahit na ano.
"JIN!" Sumigaw si Yasuno, lumingon ako, pati rin si Yuuto. Lumakad na kami pabalik sa negro kong mekaniko.
"Oh, magkano?"
"Mga nasa 17,000 to pre. 10 sa bumper, 7 sa aircon."
"I'll pay for everything." singit ni Yuuto.
"Naku, hindi. Kahit yung bumper lang, wag mo na bayaran yung aircon."
"I insist. I'll pay it now." Nakangiti na naman sya, at nilabas nya ang wallet nya, nagbayad agad kay Yasuno. Cash. Napakamot ako ng ulo, Putangina, magkakautang na loob pa ko dito...
"Uhm, sige po. Salamat. Jin, kunin mo pagtapos ng 3 araw."
"O sige."
"Ok thanks, bye!" Hinila ako ni Yuuto sa braso pabalik sa sasakyan nya, buti na lang medyo malamig sa labas, at hindi siguro nya napansin na nanginig ako ng hawakan nya ko. Puta, yung mga kilabot ko sa katawan naglabasan.
"So, where to?" Tanong nya matapos nya makapwesto sa driver's seat, ako naman sa tabi nya.
"Eh turo ko na lang, baka mawala pa tayo kung di mo rin naman kabisado yung daan..."
"Okay!"
-----
"Ahahaha. Ayun naman pala may date eh!!!" Sigaw ni Kazuki. Salamat, tanginamonghayopka. Sana kung wala sya sa tabi ko at hindi nakakaintindi ng tagalog diba?
"Date?! No! This isn't...!" Di nya na natapos yung sinasabi nya kasi tinakpan na nya bibig nya ng kamay nya na hawak yung panyo ko. Patay, regalo ni Manabu sakin yung panyo. At alam nya na akin yun.
"Aba'y nagshe-share na ng gamit eh..." Singit ni Manabu.
Panginoon, sabi ko na nga ba...
"Puta. Pano naman ako, wala akong kasama?!" Sambit ni Byou sabay lagok sa beer nya. Mainit ulo.
"Aba'y walang problema!" Sagot ni Kazuki, sabay labas ng cellphone, "Date lang pala hanap mo e."
Inaya ko na syang umupo sa tabi ni Byou, ako sa kabilang gilid nya. Si Manabu at Kazuki sa harap namin. Mukang namula pisngi nya ng halikan ni Kazuki si Manabu sa pisngi habang hinihintay nung manyak na sagutin ng kahit na sinong kaibigan nya ang telepono para ireto sa isa pang manyak naming kaibigan. Ano ba nakita ni Manabu dito kay Kazuki?
"Are they... together?" Bulong bigla sakin ni Yuuto, tumaas ata lahat ng balahibo ko sa likod ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg at tenga ko.
"O... Oo." Sagot ko, medyo nilayo ko sarili ko sa kanya.
Panginoon, wag lang akong magbablush. WAG HABANG KASAMA KO SINA KAZUKI.
"Siguraduhin mong tao yang kausap mo, Kazuki." Sambit ni Byou, nakakatitig ng masama sa boypren ni Manabu.
"Tao to. Titigas titi mo dito."
"WHAAA...?!" Halatang halata kay Yuuto ang pagkahiya. Tangina netong mga to eh, walang pakundangan. Okay, payn. Bastusan naman talaga kami mag-usap pero naman. Sana hindi ngayong gabi na to. Wag naman.
"Wag mong pansinin si Kazuki, sir. Mapagbiro lang po talaga to." Sagot ni Manabu sabay kurot ng madiin sa pisngi ni Kazuki. "DIBA ZUKI!? Umayos ka." Masama tingin ni Manabu, tumango na lang ang boypren nya.
"Sino ba yan?" Tanong ni Byou.
"Ex mo."
"PUTANGINA!!!!" Sigaw ni Byou, sabay tahimik, "Teka, sino sa kanila?"
"Sino paaaaa?"
"KAZUKI TANGINA IBABA MO YAN."
"Subukan mo ko." Kindat si Kazuki, humagikgik na lang si Yuuto sa tabi ko.
"Ok ka lang? Sorry. Bastos talaga bibig ng mga to e."
"Linis mo Jin." Nakataas kilay ni Manabu habang iniinom ang beer nya.
"Ahahaha, I'm fine. Don't worry. I find the conversations amusing." Nakangiti na naman sya, tumawag sya ng waiter at umorder ng maiinom. Umorder na rin ako.
Halos mapatalon si Yuuto mula sa upuan nya sa gulat ng halos lundagin ni Byou si Kazuki mula sa kinauupuan nya. "Tangina naman Kazuki eh, alam mo naman na hindi pa kami nag-uusap uli ni Hikaru mula ng magbreak kami." Medyo napipikon na si Byou, nang-aasar pa rin ngiti ni Kazuki. Si Manabu ang sumagot, "Eh di naman kayo nagbreak dahil ayaw nyo na sa isa't isa. Tanga ka kasi. Porke pinadala sa Singapore si Hikaru ng ilang buwan, binreak mo naman."
"Malay ko bang babalik din naman sya agad...?" Inom uli ng beer si Byou, umiinit ulo sa bawat lagok nya.
"Eh ikaw kaya dahilan ng pag-uwi nya." Sagot ni Manabu, nailuwa ni Byou iniinom nya, "DI NGA?!"
"Oo nga. Kaso gago ka. Nakauwi na at lahat lahat si Hikaru ayaw mo pa pansinin." Sabat ni Kazuki, sabay dial uli ng cellphone, mukhang di nasagot unang tawag nya.
"You broke up because you feared the distance between you will be a problem?" Nagtanong na rin si Yuuto, nako. Sana lang wag masapak ni Byou.
"Uhh... parang ganon. Kasi, ano... Clingy ako e. Tsaka, insecure. Ang cute cute ni Hikaru, baka pagtapak pa lang sa Singapore nun, may mga pumila na agad dun. Ayoko naman maparanoid kakaisip ng kung ano-ano... tapos baka magselos ako ng magselos eh mastress lang sya."
"Abaaaa... sumasagot ng maayos pag kay sir." Singit ko, mukang makakai-isa ko sa pang-aasar dito kay gago.
"Tarantado." Sagot ni Byou sabay takip ng mukha, "Pero pramis, mahal na mahal ko yung taong yun eh. Sa damirami ng nagkandarapa sa kanya, ako pinili nya. Ako rin yung tangang iniwan sya dahil sa takot." Mukhang iiyak na si Byou, hinimas ni Yuuto likod nya.
"Then you should talk to him, call him before inviting him here."
"Sir, nainlab ka na ba?" Biglang tanong ni Byou, lasing na ang kaibigan ko. Lasing sa alak at pag-ibig.
"Ah. Yes. I have a boyfriend in the US. I know what you're going through, dont worry."
Tangina, gumuho mundo ko.
Pumapatol nga siya sa lalake. Ako rin naman.
Kaso puta naman. May boypren.
MAY BOYPREN.
Ininom ko ang beer ko agad nung dumating ito. Isang lagok, ubos. Umorder ako agad ng isa pa.
TANGINA.
Nakakagago namang buhay to eh. Magkakagusto ka sa isang tao, puta wala pang isang araw, warak-warak na agad puso ko.
------------------------------
Author's Notes: Fairly short again. But hey, Jin and Yuuto aren't really OTP and i'm having a hard time in writing them but I love this story to drop it. BTW, if anyone can guess the song, I'll give you cookies. XD
Comments are love!