[ ON-AIR 01.09.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 09, 2009 23:21

Alalalalam mo na yan! Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life, at ako pa rin po ang inyong nag-iisang Love Guru, na maghahatid sa inyo ng magagandang awitin at love advice ngayong gabi ( Read more... )

loveline, on-air, love advice

Leave a comment

Comments 19

Mula kay "Space Girl" dijayforlife January 9 2009, 15:44:30 UTC
Hello po. Itago nyo na lang ako sa pangalang Space Girl.

May isang guy na kailan ko lang nakilala. Mabit naman sya, at medyo nakakatawa rin naman. Minsan pakiramdam ko interesado naman sya sakin, pero di ko siya maintindihan. Nung isang araw narealize kong gusto ko rin naman sya. Pero ayoko namang ako yung maunang magsabi. Lalo na't mukhang nagkakamabutihan ulit sila nung ex nya.

Ano pong dapat kong gawin? Parang ang awkward kasi eh. >_<

Reply

Re: Mula kay "Space Girl" dijayforlife January 9 2009, 15:45:55 UTC
Magandang gabi sa iyo, Space Girl...

By saying na mukhang nagkakamabutihan sila ng ex niya, what do you mean? Ano ang nakita mo sa kanila na sa tingin mo ay nagpapahiwatig na nagkakamabutihan silang uli?

Reply

Re: Mula kay "Space Girl" dijayforlife January 9 2009, 16:09:10 UTC
Well, pinupuntahan pa rin sya ng ex nya. At mukhang caring naman sya dun sa ex nya nung makita ko sila. Basta ang napansin ko, they still have ...something.

Reply

Re: Mula kay "Space Girl" dijayforlife January 9 2009, 16:13:35 UTC
Nakausap mo na ba yung lalaking gusto mo tungkol sa kanyang ex? Not naman a confrontation... basta usap lang. Baka may nakuha kang impormasyon tungkol sa status nila ng ex niya, or sa relationship nilang dalawa... dahil baka naman friends lang talaga sila... meron namang ganun eh.

Reply


Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 15:56:59 UTC
dear love guru,

ito ulet si french boy, 'yung tumawag kagabi. nag-try akong mag-fishing kanina kay french girl, tulad ng ipinayo mo. naitanong ko sa kanya, pa'no, halimbawa kung may gusto siya sa akin. pa'no siya magtatapat. pagkatpaos ng ilang segundo ay sinagot ako na hindi daw niya ma-imagine. ibig sabihin ba nito ay wala siyang gusto sa akin at 'di na ako dapat umasa?

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 15:59:22 UTC
Hello uli sa iyo, French Boy.

Naku, talaga namang napakabilis mong kumilos pala ano? :D

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 16:06:57 UTC
baka kasi mas lalong walang mangyari kapag naghintay pa ako e. pero ayan, may nangyari na nga.

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 16:11:41 UTC
Well, medyo vague yung sagot niya sa iyo na hindi niya "ma-imagine." Hindi niya ba ma-imagine na magtapat sa iyo, o hindi niya ma-imagine na magkagusto sa iyo? Magkaiba rin ang implications nun... ang medyo positive dun eh yung hindi niya ma-imagine na magtapat dahil... baka nahihiya siya o talagang wala yun sa balak niya. BUT it doesn't mean na hindi ka niya gusto o hindi ka na dapat umasa, di ba?

Reply


[ Intermission pagkatapos ng dalawang tawag ] dijayforlife January 9 2009, 16:06:37 UTC
Binabati ko ng magandang araw ang lahat ng nakikinig ngayon sa atin, lalo na sa kaibigan kong si Lala na nasa bus raw ngayon pabalik ng Maynila. :D Para sa iyo 'to La... favorite natin nung mga bata pa tayo... Crazy for You, cover version ng MYMP.

Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life! :D




... )

Reply


[ TXT Request ] dijayforlife January 9 2009, 16:35:19 UTC
Narito ang isang song requested through our text hotline. Para sa inyong mga song request, maaari pa kayong mag-text sa amin! Just key in LOVEGURU(space)SONGTITLE(space)MESSAGE and send to 2366 for Globe, TM and Addict Mobile Subscribers, and 231 for Smart and Sun Cellular subscribers.

This is Makita Kang Muli by Sugarfree. Theme song ito noon ng drama ni Papa Echo, Ang Panday! :D




... )

Reply


Leave a comment

Up