[ ON-AIR 01.09.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 09, 2009 23:21

Alalalalam mo na yan! Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life, at ako pa rin po ang inyong nag-iisang Love Guru, na maghahatid sa inyo ng magagandang awitin at love advice ngayong gabi ( Read more... )

loveline, on-air, love advice

Leave a comment

Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 15:56:59 UTC
dear love guru,

ito ulet si french boy, 'yung tumawag kagabi. nag-try akong mag-fishing kanina kay french girl, tulad ng ipinayo mo. naitanong ko sa kanya, pa'no, halimbawa kung may gusto siya sa akin. pa'no siya magtatapat. pagkatpaos ng ilang segundo ay sinagot ako na hindi daw niya ma-imagine. ibig sabihin ba nito ay wala siyang gusto sa akin at 'di na ako dapat umasa?

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 15:59:22 UTC
Hello uli sa iyo, French Boy.

Naku, talaga namang napakabilis mong kumilos pala ano? :D

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 16:06:57 UTC
baka kasi mas lalong walang mangyari kapag naghintay pa ako e. pero ayan, may nangyari na nga.

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 9 2009, 16:11:41 UTC
Well, medyo vague yung sagot niya sa iyo na hindi niya "ma-imagine." Hindi niya ba ma-imagine na magtapat sa iyo, o hindi niya ma-imagine na magkagusto sa iyo? Magkaiba rin ang implications nun... ang medyo positive dun eh yung hindi niya ma-imagine na magtapat dahil... baka nahihiya siya o talagang wala yun sa balak niya. BUT it doesn't mean na hindi ka niya gusto o hindi ka na dapat umasa, di ba?

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 10 2009, 04:15:19 UTC
pero love guru, pakiramdam ko hindi naman siya 'yung tipong mahihiyang magsabi sa akin. at malungkot din kung wala talaga sa balak niya. :(

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 12 2009, 14:36:04 UTC
Gaya ng lagi kong sinasabi, NEVER ASSUME. Minsan kahit akala natin kilalang-kilala na natin ang isang tao, nagugulat pa rin tayo sa mga desisyon at aksyon na ginagawa niya sa kanyang buhay. Baka naman nasa estado pa siya ngayon ng pag-iisip at pagninilay tungkol sa sinabi mo... why not give it a little bit of time?

Reply

Re: Mula uli kay "French Boy" dijayforlife January 12 2009, 15:43:04 UTC
...

tama po kayo, love guru. hindi po talaga dapat mag-assume. ^_^

...

kami na po. :D

Reply


Leave a comment

Up