Alalalalam mo na yan! Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life, at ako pa rin po ang inyong nag-iisang Love Guru, na maghahatid sa inyo ng magagandang awitin at love advice ngayong gabi.
Kamusta naman kayong lahat diyan mga kapamilya, kabarkada, ka-ibigan at kakuwentuhan!?! Malalamig pa rin ba ang inyong mga gabi o may nagpapainit na ng inyong mga... kilikili? Hahahaha, ang saya naman kung may kayakap lalo na't malamig lately, hindi ba? Anyway, bukas pa rin po ang aming mga linya ng telepono para sa inyong mga request, at siyempre mga tanong na nangangailangan ng kasagutan.
*show stinger*
Bago ang lahat, heto muna si Bugoy with his hit song Paano Na Kaya? - O bagay na bagay yan sa ilang taong kilala ko! Kayo po'y nakikinig pa rin sa Loveline with Love Guru... sa WRR 101.9 For Life!
Tawag lang mga kaibigan!
Natapos na naman po ang isang gabi nating magkakasama, mga kapamilya! Salamat sa lahat ng mga tumawag nakinig, nag-request at nakichika sa atin ngayong gabi. Sa mga matutulog na, good night sa inyong lahat, sana maging masarap ang tulog niyo... at sa mga nasa trabaho o papasok pa lang, gisinggisinggising mga Ate at Kuya!
I'm leaving you now with a song from the Mega-Daughter, KC Concepcion - happy birthday nga pala kay Ms. Megastar, Sharon Cuneta - here's Imposible. Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life!
Ito pa rin po si DJ Love Guru, signing off!
Tonight's Callers
Space Girl:
Line 1 | French Boy:
Line 2