Nalasing nga ba ang aking dila
O lohika lang ay mas nakita?
Hindi Malinaw kung nahilo
O kamalayan ay mastumino.
Ilang ikot ba ang saki'y dumaan
Bago boses ay tumahan?
Teka, tumahan nga ba
O ipinangalandakan pa sa madla?
Aminadong hindi buo ang ulirat
Ngunit itatatak ang lahat,
Mga salitang dininig at inilahad
Sa puso't isip na nais umunlad
(
Read more... )