[kung anu-ano] 3

May 23, 2010 22:19

Pairing: Nakajima Yuto/Shida Mirai
Summary: Masungit si Mirai, kaya may naisip si Yuto na gawin para hindi na siya masungit.
A/N: for sachi lol. ciarabebs, ilaaaaaabyu~ -ding-

`16656.) Everyday in class when I “joke around” and tell you that I love you, I really do mean it.`

Araw-araw, nase-stress si Mirai dahil na lang puro homework, seatwork, quiz at lectures.

Nung una, nagiging nega na siya sa lahat ng tao dahil sa sobrang badtrip niya. Hindi na nga siya nagpi-picture ng sarili niya para i-update blog niya. Kahit nga kausapin siya ni Saaya, eh "Wait lang, may ginagawa ako." reply niya. Sa lahat ng tao, nagiging masungit si Mirai... kahit na si Yuto Nakajima na may lihim na pagtingin sa kanya.

Kaya, isang araw.. may naisip si Yuto na gawin para mawala na ang galit ni Mirai sa mundo.

Habang ginagawa ni Mirai ang project niya sa History sa library, bigla na lang nakiupo si Yuto sa harap niya na walang permission.

"Hi Mirai!"

"Wag muna, dun ka. Ginagawa ko 'to, eh. Dun ka."

Sumimangot si Yuto na pa-cute. Hindi na lang siya pinansin ni Mirai. Kumatok si Yuto sa lamesa na pumipito ng kantang hindi alam ni Mirai. "Gusto mo kopyahin assignment sa Math? Meron ako~" sabi ni Yuto, habang tinitingyan si Mirai na may ngiti sa mukha niya. Binigyan siya ni Mirai ng galit na tingin bago siya i-ignore ulit. "Nagawa ko na, ito na lang hindi ko pa nagagawa. Buti ka pa, hindi mo kailangan gawin 'to. Swerte mo."

Napatahimik si Yuto.

'Ang sungit naman nito! Buti nga kinakausap ko siya, eh! Halos lahat ng tao bwiset na nga sa kanya, eh!'

"Bakit ka ba nandito, Yuto? Umalis ka kung wala kang kailangan!"

"I love you."

Nabitawan ni Mirai ang ballpen na hawak niya. Namula ang mga pisngi niya.

"Yuto, ano ba! Seryoso ako dito. Walang biruan! Mamaya na deadline nito!"

"Sus, sige tulungan kita, gusto mo?"

Nag-hesitate muna si Mirai. "Sige, kaso wala akong mabibigay sayo in return, pasalamat lang." Inabot ni Mirai ang scissors kay Yuto at kinuha ito ni Yuto. "Okay lang! Basta.." hinawakan niya ang glue na nasa kamay niya, at napatigil sa paghinga si Mirai. "... 'wag ka ng masungit, ha?"

Binawi ni Mirai ang kamay niya at nagtuloy sa pagsusulat niya.

***

Pagtapos ng isang araw, umupo sa harap ni Mirai si Yuto at linagay ang ulo niya sa desk ni Mirai, na nakatingin pataas sa kanya. Napa-blush si Mirai.

"Ta-tanggalin mo nga ulo mo!"

"Kamusta project mo?" tanong ni Yuto kasama ang pa-charm niya na kindat.

"Uh.. okay naman."

"I love you~"

Namula ang tenga ni Mirai. "Yuto, nangaasar ka ba?! Akala ko ba ayaw mo na masungit ako sayo?!"

"Oo nga, eh biro lang naman yun, ah!"

"Wag ka nga magbiro-biro ng ganyan!"

"Biro lang naman, bakit kileg na kileg ka?"

Tumahimik na lang si Mirai habang ngumiti ng matahimik si Yuto.



special: kung anu-ano, pair: yuto/shida

Previous post Next post
Up