BIRTHDAY BOYS' BIRTHDAY BASH! punyetah! [1/2]

May 18, 2010 22:59

Title: BIRTHDAY BOYS' BIRTHDAY BASH! punyetah!
Main Character: Kamiqueen Ryun and Ang Reyna ng Impyernong si Irie 'Jean' jingi!
Rating: R for Ryun!
Summary: You are cordially invited to Kamiki Ryunosuke's joint birthday party with Irie Jingi! Make sure to follow the pink dresscode and to bring a present or else hindi ka namin papasukin! Gaga! Love, Ryun and Jean
A/N: HAPPY BIRTHDAY RYUN! Andami kong utang na loob sayo! I love you as a friend dahil susukahan mo ako kung hindi ko ininclude yung 'as a friend' burlolorz kang echoserang bakla ka!


Of course, since birthday ko- ako ang pumili ng mga taong ii-include sa guest list.

Ang pinakauna ay si Jean. Kahit man Reyna siya ng Impyerno, gusto ko siyang kasama dahil... aaminin ko na- bestfriend ko siya. Ayun! Nakakatense naman 'toh. Ang pangalawa ang mga.. kaibigan ko from school. Ang mga taga-2-D, si Kuya Daiki (na naging crush ni Jean dahil gaga siya) at.. ang GWAPONG EXCHANGE STUDENT.

Hindi ko ba nasabi sa inyo? May nag-transfer mga two months ago sa school namin.

Si... Sakamoto Shougo, na parang hulog ng langit sa buhay kong ulila ng araw-araw ng angst at tsimis galing sa mga labanderang kapitbahay namin. He was like a breath of fresh probinsya air from my life in Manila. Na-in love ako agad sa kanya. At minemorize ko agad ang name niya na naka-etech sa blackboard noong day na 'yun. Sinundan ng magagandang mata ko ang bawa't galaw at kilos niya, pinaupo siya sa pinakalikod- dahil nandun yung extra chair.

Sa likod.. sa tabi ng classmate kong hindi ko gaano ka-close na si Ohgo Suzuka.

At, oo nga pala- nasabi ko na ba sayo ang hindi ko i-invite sa birthday ko?

Yang Anak ni Hudas na Malandi na yan ang pinakauna sa listahan na 'yun.

***

Sabay kami umuwi ni Jean dahil hindi kami nagse-service, tulad ng mga spoiled brat na pangalan ay may initials na O.S. Alam naman ni Jean na don't like ko yang babaeng yan, kaso hindi niya maintindihan kung bakit, at kada-explain ko na boyfriend-stealer siya, sinasagot naman ni Jean na hindi ko naman boyfriend si Sakamoto, at baka daw I mean he's my 'new bet'. Ang sinagot ko naman sa kanya ay "Baka naman you need a new betlog. Sipain kita dyan. Akin si Sakamoto." Andami kasing boba sa mundo, eh.

Pag-uwi ko, nakaupo sa sopa ang pinsan kong si Risako. Anak ng labandera kasi 'yan. At magiging labendera din yan, kahit pang-UP ang talino niya. Sabi ni Daddy na makikitira daw si Rii muna sa amin dahil nasa Saudi si Tita. Okey lang naman sa kin, kaso ewan ko ano nararamadaman ni Rii na 'Caregiver' ang nanay niya.

Titira daw si Rii sa tabing kwarto ko. EH MAY DOOR KAYA YUN NA NAGLE-LEAD SA KWARTO KO. PAANO NA 'TO?! HINDI NA AKO MAKAKA-REHEARSE NG DANCE ROUTINES KO PARA SA MGA PAGEANT KOH!

Obviously, that night, sobrang inis ako sa kanya. Kaya nagpatugtog ako ng 'Ayoko Na Sayo' na Sharon Cuneta version dahil idol ko si Ate Shawie, instead of the usual dance hits mix ng Sexbomb Girls. Wag ka na magtanong, gaga.

***

The next day, kwinento ko kay Jean at sinabi ko na rin na magkaka-party ako para sa birthday ko.

"Ambisyosa ka, Ryun. Magkaka-party rin ako."

"Ano 'toh? Bride Wars?! Gaga, mag-sabay na lang tayo para hindi pang-pelikula special day natin!"

"Special day ka dyan, parang mawawalan ka ng trulaloo sa mga pinapagsabi mo, eh."

Sumakay kami ng jeep at inunahan na ako ni Jean sa nagiisang upuan sa loob, kaya sumabit pa ako sa labas. Gaga talaga, sabi ko sa'yo.

Pagdating naman namin ng school, may nagdi-distribute ng flyers sa harap. Isang Second Year na bakla. Ako lang ang binigyan dahil nakakasunog sa mata ang mukha ni Jean, binasa ko na para sa kanya dahil nga baka masunog pa yung flyer sa kanya.

"Magkaka-pageant sa birthday mo pala, Jean."

"IMBYERNA!"

"Buti na lang sabay na tayo ng party!"

And that was how we decided our birthday parties should be held on the same day.

***

Pareho na kaming nag-desisyon na hindi kami sasali sa pageant the day before my birthday. Kitang-kita ko sa fez ni Jean na try na try niyang pigilan ang Miracle Tears niya. May nalaman pa siyang pagbu-buntong hininga dyan. Drama queen naman niya! Alalahanin naman niya kung sino ang totoong bida ng mundo! Gaga talaga siya.

That day, dahil bungangera si Jean, pinagkalat niya sa buong campus na magjo-joint birthday party daw kami. Nalaman ko lang 'to, dahil lumapit sa akin bigla si Yamada nung lunch. Akala ko gusto niyang makipagbalikan, yun pala gusto niyang ma-invite. Anak ng dinosaur naman, BV tuloy ako ng bongga. At the best part pa nito, nalaman ni Sakamoto at sabi niya maghanda daw ako ng hotdogs dahil favorite niya daw yun.

.... No comment ako, Boy.

At the better best part, nakisali ang feeling close na echoserang Ohgo at sabi niyang i-invite ko siya habang linink niya ang arm niya kay Sakamoto. Punyeta. Gawa kaya ako ng special invitation na rini-require na ingudngod ko ang mukha mo sa imburnal at tae ng aso bago ka makapasok? Sige, gusto mo? BInigyan ko siya ng killer bitch glare ko, at binigyan niya din ako ng sariling killer bitch glare niya.

"Let's go home together, Shougo? Wag na lang tayo pumunta sa party ni Ryun kung hindi ako iinvite, baka ma-bore ka lang, eh." Hinatak niya si Sakamoto paalis ng classroom kasama ang mga bag nila, iniwan akong nakatunganga na nanginginig sa galit.

.... Excuse me? Bastusan? Kung bastusan ang gusto mo, BASTUSAN ANG MAKUKUHA MO!

Tinext ko si Gossip ボーイ na mahilig si Sakamoto sa 'hotdog' at malanding user si Ohgo.

I don't feel sorry for any of them, I just feel so sorry for myself for wasting my feelings on their existences.

Magsama sila sa Impyerno! Sigurado akong paparusahan sila ng mabuti ni Jean. Burn in hell hanggang mapilis ang plastic mong mukha at matunaw sa paa mo, mapaso ka at masaktan mas lalo habang nasusunog ang mga paa mo. Gaga ka.

***

Two days before my epic birthday, na-finalize na namin ang guest list at nanigurado akong wala ang pangalan ng Bitch na yun. Pinamigay na namin ang mga invitation sa classroom, si Jean sa boys (dahil hindi siya nahihiya) at ako sa girls. Tuwang-tuwa si Shida sa invitation niya, dahil may special glitter text pa, hindi tulad sa iba. Habang sinapak naman ako ng mahina ni Saaya, dahil may drawing ng bikini sa upper right hand corner ng invitation niya.

Kaso, somewhere in my heart, winiwish ko na ako na lang si Jean.

Sana, ako na lang nagbigay ng invitation ko kay Sakamoto.

***

TO BE CONTINUED.

#dyosa si kamiki, type: chaptered, #killerbitch!ohgo, #bakla si kamiki

Previous post Next post
Up