[figure skating] that thing called pag-ibig (1/4)

Dec 06, 2014 22:32

That Thing Called Pag-Ibig
Yuzuru Hanyu/Michael Martinez | PG-13 | 17,000 words
Michael, 18 years old, baliw. Yuzuru, 18, mas baliw. Silang dalawa ay maglalakbay sa blue moon para may maipatunay sa isa’t isa-kung totoo ba ang true love. Sabi ni Michael totoo, sabi ni Yuzuru hindi. May matutuwa, at may masasaktan. Pero relax, because you know, it’s just love.



Michael

Passport? Check. Papeles? Check. Bagahe? Check na check. Pagkatapos siguraduhin na kumpleto na lahat ng dala niya, umusad na si Michael sa airport. Pauwi na siyang Pilipinas pagkatapos ng halos isang buwang bakasyon sa California.

May message ang kanyang nanay sa Viber, sinasabing i-message siya pag nakalanding na siya sa NAIA. Sa totoo lang, excited na excited na siyang makauwi. Enjoy naman siya doon sa tito’t tita niya sa California, at pinapaextend pa siya doon ng dalawa pang linggo, pero ika nga, there’s no place like home.

Maliban doon, may kailangan pa siyang puntahan sa darating na linggo …

Napatigil siya at nabara sa kanyang pagmumuni-muni nang makarating siya sa baggage check-in. Mukhang may pagtatalong nagaganap sa pagitan ng pasahero at sa staff. Hala. Buti na lang hindi naman siya nagmamadali masyado. Kaya naman niya hintayin, at handa na siyang mag-space out, kaso nag-Tagalog si kuya, kaya hindi niya napigilang maging tsismoso.

“I’m so sorry, sir,” ani ng staff. “Airline policies. We cannot allow your baggage because you have exceeded the limit. If you want, you can pay the additional fee.”

“But I can’t afford the additional fee!” reklamo ni kuya. “It’s so expensive!”

“I’m sorry, sir. Rules are rules.”

Napamura na naman si kuya in Tagalog at napaurong ng puwesto para sa susunod na pasahero. Naawa naman si Michael. Syempre, pauwi na nga tapos may aberya pang magaganap. Sa bagay, dapat alam ng pasehero kung gaano kabigat ang bagahe niya, pero … hay, ayaw naman niya manisi. Siguro naman may paraan pa ...

Biglang lightbulb moment.

Kinalabit niya ang lalaki. Ngayong medyo magkalapit sila, ngayon lang niya napuna ang itsura ni kuya. Wow. Chinito. Cute. Magkasingtangkad pa sila, so bonus points yun. “Excuse me,” bati niya. “By any chance, saan ang flight niyo?”

Napakurap ang lalaki, halatang ang lalim ng iniisip bago siya kalabitin ni Michael. “Bakit? Anong paki mo?”

Wow. Defensive agad. “Um … kasi naisip ko kung may makakasabay ka sa flight na hindi sumobra sa baggage limit pwede ka naman magpalagay doon …?”

“May point siya,” biglang ani ng pasaherong Pinoy na nakapila rin.

Sandaling napatigil ang lalaki, para bang nagdadalawang-isip. Sa bagay, mahirap din iwanan ang gamit sa taong di mo kilala, kahit nasa parehong flight pa kayo. Paano kung tinakbo ang gamit niya? Paano kung nagkalimutan tapos walang paraan para i-contact ang isa’t isa?

Sa wakas, nagsalita ang lalaki. “Papunta akong Manila,” sagot niya. Iniabot niya ang kanyang tiket, kaparehas ng tiket ni Michael.

Si Michael naman ang kumurap, mabilisang tiningnan ang pangalan na “Yuzuru Hanyu” sa tiket. “Wow,” puna niya. “Nasa parehong flight pala tayo.” Inabot niya ang tiket niya kay Yuzuru para patunay.

“Aba,” bulalas ni Yuzuru, “magkatabi rin pala tayo sa flight.”

Tiningnan ulit ni Michael nang mabuti ang ticket. Oh my god. Oo nga no. Same flight, magkatabing upuan sa eroplano.

May tawag dito eh …

“So, game ka ba?” tanong ni Yuzuru. “Maglalagay ako ng gamit ko sa bagahe mo?”

Pagkakaalam ni Michael, hindi naman talaga siya lalagpas ng baggage limit. Matagal na niyang pinadala yung ibang gamit niya pauwi kaya maluwag-luwag ang bag niya. Lahat ng dala niya ngayon sapat na para sa sixteen-hour flight at mga kagipitan na sana lang hindi mangyari. Nginitian niya si Yuzuru at tumango. “Sige. Let’s try to make this work.”

Sa kabutihang palad ay napagkasya nila ang ibang gamit ni Yuzuru sa bagahe ni Michael, at napayagan si Yuzuru na sumakay ng eroplano. Nang maupo silang dalawa sa eroplano ay nagtanong si Yuzuru sa kanya: “Sure kang hindi ko itatakbo ang gamit ko, ha?”

“Peksman. Cross my heart.” Gumawa si Michael ng ekis sa kanyang dibdib para pagbibigay-diin.

Tumawa si Yuzuru. “Talagang may ganyan? Mga bata lang gumagawa niyan!”

“Excuse me. Kaka-eighteen ko lang last year. Technically, bata pa ako.”

“Aba. Ako rin. Eighteen.”

Mahaba-haba ang flight na ito, at mabuti na lang at nakilala niya si Yuzuru dahil hindi siya mababagot sa dami ng kanilang napagusapan. Nakuwento niya ang bakasyon niya kasama ang tito’t tita, at nakuwento ni Yuzuru ang tungkol sa bakasyon niya kasama ang barkada. Kailangan nga lang niya umalis nang maaga dahil malapit na silang mag-enroll para sa ikalawang semestre ng kolehiyo. Si Michael naman, online courses lang ang kinukuha.

“Homeschooled ka?” bulalas ni Yuzuru na medyo nabigla yung flight attendant na dumaan sa pasilyo nila. “May ganoon pa pala?”

“Oo naman,” sagot ni Michael, medyo nasaktan. Medyo lang, dahil marami ring nagugulat tuwing kinukuwento niya to. “Namamahalan nanay ko sa private schools, at ayaw naman niya akong papasukin sa public school, so siya na lang nagtuturo sa 'kin.”

“So ikaw lang sa bahay? Walang kaklase o friends?”

“OA ka naman, kalaro ko naman kapitbahay ko!” Half-truth. Matagal na kasi siyang umalis eh …

Napaidlip sila nang konti pagkatapos ng pananghalian. Siguro napatagal siya ng idlip dahil pagbukas niya ng mata, madilim na sa labas at halos hindi na niya makita ang mga ulap. Ang kanyang katabi, binuksan na ang phone, may ka-chat sa Viber niya. Mas matandang lalaki kaysa kay Yuzuru, at yung chats nila puro heart emoticons at “I love you” na tipong nakakasuka kahit sa chat lang nagaganap ang usapan. At dahil wala siyang magawa: “Sino yang si Sasshi?”

Muntikan nang mapatalon si Yuzuru sa upuan niya, at namula ang mukha niya sabay sleep mode sa cell phone. “Huy, invasion of privacy yan,” babala niya.

“Hindi kaya, tsismoso lang.” Bumelat si Michael. “So sino ba si Sasshi? Boyfriend mo?”

“Hindi,” mabilis na sagot ni Yuzuru. “Friends lang kami. Nagkita kami sa bar sa LA.”

“Ah … eh bakit nagsasabihan kayo ng ‘I love you’?”

Tumaas ang kilay ng katabi niya. “Bakit ang dami mong tanong? Selos ka ba?”

Hindi mapigilan ni Michael ang malakas niyang tawa, at wala na siyang pakialam kung nagsityung mga kapwa pasahero sa kanila. Nang makakalma, “Ang kapal naman ng mukha mo! Selos agad? Di ba pwedeng curious lang?”

“Whatever.” Namumula pa rin ang mukha ni Yuzuru, at medyo natagalan ang kanyang sagot. “Eh kasi yun ang gusto niyang marinig.”

Hindi naman tanga si Michael, pero hindi rin niya naintindihan ang ibig sabihin ni Yuzuru. Kaya nagtanong pa siya. “Ganun? Hindi mo siya true love? Kasi yung ‘I love you’ sinasabi lang sa true love, di ba?”

Tumawa si Yuzuru. “Homeschooled ka nga. Wala nang naniniwala sa true love.”

“Meron kaya.”

“Talaga? Maliban sa yo? Sino?”

Napangiti si Michael. Palagi na lang tuwing napapagusapan to. “Si Yuna at si Patrick.”

Parang nag-blangko ang utak ng kanyang katabi. “Yuna at Patrick? Sino yun?”

Ayan na. Hindi na matatahimik si Michael. Binuksan niya ang backpack niya at naglabas ng sobre. Nandoon ang liham niya na medyo lukot na, pero in one piece pa rin. Isang tao na ang lumipas pero inalagaan niya ito nang mabuti.

“Ano yan?” tanong ni Yuzuru.

Lalong lumaki ang ngiti ni Michael. “Sina Yuna at Patrick. Gusto mo basahin?”

“Um …” Nagdalawang-isip ang kanyang katabi. “Baka gusto mo ikaw na lang ang magbasa.”

“O, sige!” Hindi naman yun isyu kay Michael. Ilang beses na niya binasa ang sulat; in fact, kahit hindi niya basahin ay memoryadong-memoryado niya. Pero wala pa ring tatalo sa pagbabasa mula sa liham ni Yuna.

Aking Patrick,

Natatandaan mo pa ba noong mga bata pa tayo? Lagi nating isinusumpa sa buwan ang mga pangarap natin, kung anu-ano lang … kahit anong pangarap … Tapos ang sabi mo, ang sabi ng mga matatanda, kung sino man ang kasama mo sa ilalim ng blue moon, siya ang makakasama mo habang-buhay.

Ilang buwan na lang, uuwi na ako. Malapit na ulit ang blue moon. Gusto kitang makita, gusto kitang kausapin. Ilang dagat na rin ang naitawid ko, pero ang dagat pa rin sa Leyte ang pinakamandang dagat. Sa buong mundo, iyon lamang ang dagat kung saan naroon ka.

Mahal kita. Mahal na mahal.

Ang iyong
Yuna

Pagkatapos niyang basahin ay tiningnan niya si Yuzuru. Mukhang malalkim ang iniisip, naghahanap ng masasagot. Inunahan na niya. “O, di ba? May true love pa rin.”

Mukhang hindi pa rin naniniwala si Yuzuru. “Saan mo ba napulot yan?” tanong niya.

“Sa Leyte. Nag-beach kami ng pamilya tapos napulot ko to.” Nagbuntunghininga siya nang matandaan niya ang tuwang bumalot sa kanya nang mapulot at basahin ang liham. Simula noon ay hindi na niya matanggal sina Yuna at Patrick sa isip niya, kung paano ang kanilang pagkabata, ang kanilang pagsumpa ng kanilang mga pangarap sa buwan.

Nakasimangot ang kanyang katabi. “So anong gagawin mo diyan? Sa sulat na yan?” tanong niya.

Nae-excite na naman siya, at hindi na niya pinigilang ipakita ito sa kanyang mukha. “Gusto ko sila makita,” sagot niya. “Pupunta akong Leyte tapos ibabalik ko to sa kanila.”

“Ha? Pupunta ka talagang Leyte? Sure ka bang magpapakita sila?”

“Oo naman. Blue moon na sa Linggo eh.” Matagal nang nakamarka yun sa kalendaryo niya, matagal nang naka-input na event sa cell phone niya. Ipinaalam na rin niya yun sa nanay niya na agad-agad naman pumayag. Nagpapasalamat na lang siya na sinusuportahan siya ng nanay niya sa mga gusto niya. Siguro yun na lang ang pampalubag-loob sa hindi niya pagpasok sa paaralan tulad ng ibang mga bata.

Napansin niyang medyo lumapit ang mukha ni Yuzuru sa kanya. Shit. Ano meron? Oo, aaminin niyang cute tong si Yuzuru, pero iba kasi ang opinyon nila, so hanggang happy crush lang. “A-Ano?”

Ilang segundo bako ilayo ni Yuzuru ang mukha niya saka sumandal sa kanyang upuan. “Wala lang,” sagot niya. “You’re just so weird.”

Weird. Matagal na niyang nakukuha yang puna sa marami, sa kamag-anak, sa mga batang malapit sa bahay nila. Pero sa totoo lang, wala na siyang pakialam. Ginagawa niya kung ano ang nagpapasaya sa kanya, at mas mahalaga yun sa kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanya.

Katahimikan na ang bumalot sa kanila sa mga sumunod na oras, siguro dahil sa pagod, pero nakarating din sila sa Manila, sa wakas. Madalian niyang ni-message ang kanyang nanay sa Viber, pero alam naman niyang kanina pa siya naghihintay sa airport. Pagkatapos nilang makuha ang kanilang bagahe ay saka sila umupo sa malapit na bench para ibalik ni Michael ang mga gamit ni Yuzuru. “Ayan ha,” sabi niya kay Yuzuru. “Hindi ko tinakbo yung gamit mo.”

“Oo na, oo na.” Sinara ni Yuzuru ang bag niya at hinarap si Michael, nilabas ang cell phone pagkatapos nito mag-ring. “Well, andito na ang sundo ko. It was nice meeting you, Michael.” Inabot niya ang kanyang kamay.

Nakipagkamay siya kay Yuzuru, nakangiti rin. “It was nice meeting you din. Next time wag na lalagpas sa baggage limit, ha?”

“Che.” Pero nakangiti pa rin si Yuzuru. “Let’s keep in touch. Pahingi number mo.”

Ay, may ganun agad. Pero, sige. He’s all for making friends naman eh. “Siguro sinasabi mo yan sa bawat cute na nakilala mo,” biro niya, pero nilabas naman niya cell phone niya.

“Wow, sinabi ko bang cute ka?” banat ni Yuzuru, pero namumula ang kanyang mukha. “Dalian mo. Ano number mo?”

Mabilisan nga niyang binigay ang number niya, at pagkatapos ng maikling yakap ay naghiwalay na sila. Agad-agad din namang dumating ang nanay niya, at napuna ang kanyang malaking ngiti. “Wala lang po,” ang sagot niya. “It’s great to be back.”

Yuzuru

Ang kanyang driver na si Manong Dai ang bumati sa kanya sa airport, pinupuna na tumangkad at tumaba siya, at siguro sa jet lag na lang din kaya hindi na niya ito pinansin. “Nasan sina Mama at Ate?” tanong niya nang makasakay na ng kotse. Madalas ang kanyang nanay o ang kanyang ate ang sumusundo sa kanya sa airport tuwing bumibiyahe sila ng barkada.

“Pasensya na po, ser,” sagot ng kanyang driver. “Pumunta pong Canada si Ma’am, tapos si Ma’am Saya may meeting pong pinuntahan. Matatagalan pa po silang makauwi.”

Hindi na dapat siya umaasa. After all, lalong naging busy ang nanay niya mula nang maghiwalay sila ng tatay niya, at nag-focus masyado ang ate niya sa sariling career. Ang pipirmi lang ng bahay ay siya, si Manong Dai, at ang mga katulong. Dapat sanay na siya sa ganito.

“Ser?” bati ni Manong Dai, nakaupo na sa driver’s seat. “Alis na ba po tayo?”

“Oo, alis na tayo,” sagot niya, nararamdaman na naman ang antok. Sirang-sira ang sleeping patterns niya buong linggo, putek. “Manong, I’ll take a nap the whole ride. Wake me up when we’re home.”

Hindi pa nga nakakasagot ang kanyang driver nang binulaga sila sa biglang pagtunog ng kanyang cell phone. Tiningnan niya ang caller ID at muntikan na siyang humalinghing. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Sasshi sa LA ay ayaw na muna niya makausap ang tumatawag sa kanya ngayon.

“Ser, boyfriend niyo ata po ang tumatawag.”

“Misha’s not my boyfriend,” pakli niya, tinitingnan ang cell phone niya na para bang matutunaw ito pag tinitigan niya nang matagal. Sa kabutihang palad, natapos din ang pagri-ring, pero voice message naman ang sumunod.

“Hi, baby! Have you landed na? I miss you so much. Please call me when you’re home na, okay? Love you, bye!”

Okay, fine. Siguro si Misha na ang pinakamalapit na depinisyon ng “boyfriend” sa kanyang buhay. Mga halos isang taon din silang magkasama siguro …? (Syempre, every month si Misha sinu-surprise siya.) Sweet talaga si Misha, pero … Ayaw lang talaga niya maglagay ng label sa mga bagay-bagay.

Hay nako. Maka-idlip na nga.

Agad-agad siyang dumiretso sa kwarto pagkarating niya sa bahay at mabilis na nakatulog. Pagkagising niya ay alas-diyes na ng gabi at hindi na niya kayang matulog pa ulit. Tiningnan niya ang kanyang cell phone na may sandamakmak na missed calls galing kay Misha, pati nga text na “Baby, please call me na. I miss you~ :(“ Hindi na muna niya pinansin ito.

Hindi pa nga niya nasasara ang message window nang biglang tumunog na naman ang cell phone niya. Ano ba naman tong si Misha. Napasagot tuloy siya. “Hey, baby …” sagot niya, at hindi niya tinago ang antok niya. Baka pabayaan pa siya ni Misha pag napakiramdam na inaantok pa siya.

Sa halip na si Misha, ibang boses ang sumagot. “Baby? Sino si ‘baby’?”

Ha? Tinanggal ni Yuzuru ang cell phone sa tainga niya at-Ay shit. “Michael Martinez” ang nasa caller ID. Shit. “Uh,” panimula niya nang ibalik niya ang cell phone sa tainga niya, ang mukha niya nag-iinit kahit malamig sa kwarto niya, “sorry, akala ko si Misha.”

“Sino si Misha?” tanong ng kausap niya. “Boyfriend mo ba yun?”

“Hindi kaya!” mabilis niyang sagot. Well, technically alam ni Misha sila, pero yun nga, ayaw kasi niya ng labels ...

“Eh, bakit ‘baby’ ang tawag mo sa kanya? Di ba tawagan yun ng mag-syota?”

Napatigil si Yuzuru sa anumang tutol niya doon … kasi wala naman siyang masasagot doon. Oo nga naman, yun yung tawagan ng mag-syota pero … “Oo, ‘baby’ ang tawagan namin, pero hindi ko siya boyfriend.”

“Ang labo mo naman.” Nagbuntunghininga si Michael.

“Ba’t ang dami mong tanong?”

“Jet lag. Natulog ako pagkauwi ko, kaya ngayon, di na ako makatulog.”

Patay. Pareho pala silang hindi ayos ang body clock. Siguradong marami pang tanong ang batang to.

“So ano nga kayo ni Misha?”

Siya naman ang nagbuntunghininga.

Pero lumalim ang gabi, tumagal din ang usapan nila. Feeling ni Yuzuru nai-kwento na niya ang buong buhay niya sa nakasama niya nang di pa lumalagpas sa isang araw. Nai-kwento niya kay Michael yung araw na naghiwalay yung magulang niya, kung gaano siya palaging mag-isa sa bahay dahil yung ate niya nagiging busy dahil sa negosyo, na si Manong Dai at yung mga katulong ang parang pamilya niya. Weird, kasi never siya nag-open-up tungkol dito kay Misha, pati yung mga na-date niya dati.

“Kaya di ka naniniwala sa true love?” sabi ni Michael nang tapusin ni Yuzuru ang mala-MMK niyang kwento.

Nagkibit siya ng balikat. “Ewan. Talaga bang kailangang may pinaghuhugutan?”

“Minsan. Pero totoo naman ang true love.”

“Hindi kaya.”

“Totoo! Patutunayan ko.”

“Talaga? Paano?”

“Samahan mo ako sa Leyte. Puntahan natin ang blue moon.”

Napaayos ng upo si Yuzuru sa kanyang kama. Tama ba ang narinig niya? Nagyayaya si Michael na samahan siya sa Leyte para sa isang liham na hindi naman siya sigurado na totoo? “Teka … seryoso ka talagang pupunta ka ng Leyte para diyan kina Yuna at Patrick?”

“Oo naman! Isang taon ko tong pinagplanuhan! Kailangan ko talaga silang makita.”

“Ang weird mo talaga.” Pero hindi mapigilan ni Yuzuru ang pag-ngiti niya. Oo, weird si Michael, pero parang may umaakit sa kanya sa kausap niya. Hindi siya tulad ng mga cute na lalaki na madaling mahulog sa kanya sa isang corny na pickup line pa lang. Hindi niya mabasa si Michael, at yun siguro kung bakit kinakausap pa rin niya ito.

“So, ano na?” tanong ni Michael, at bumalik ang kanyang pokus sa usapan. “Sasama ka ba sa Leyte o hindi?”

“Um …” ang sagot ni Yuzuru. “Wala ka bang mayayayang iba?”

“Yes or no lang naman ang sasagutin mo, Yuzuru.”

Napaisip siya. Gusto naman niya pumuntang Leyte, pero … Ano ang makukuha niya roon? Masasaktan lang yang si Michael pag nalaman niyang hindi true love ang bunga ng liham na hawak-hawak niya. Parang ayaw niyang makita yun … At kakagaling lang niyang Amerika. Gusto muna niya sana ayusin ang body clock niya. “Pwedeng pag-isipan ko muna?”

“May ganon?” sagot ni Michael. “Pero sige. Tawagan kita bukas, ha?”

“Sige, sige. Ano pa ang mga kailangan mo i-follow up sa kin bukas?”

May panandaliang katahimikan bago sumagot si Michael ng “Wala na.” Bigla siyang nagmura. “Shet, alas-tres na pala. Kailangan ko na matulog.”

Tumawa si Yuzuru. “O, sige. Matulog ka na, ha?”

“Good night. Tatawagan talaga kita!”

“Oo na, good night!”

Nang binaba niya ang cell phone niya ay napatingin siya rito. Ano ba, nakangiti na naman siya.

Patay tayo diyan.

Tumunog nga ang cell phone niya noong umagang iyon, pero hindi niya ito sinagot. Hindi naman niya sinasadya dahil pagkagising niya ay dumiretso siya sa baba para kumain ng almusal. Tapos naligo siya dahil kailangan niyang makipagkita sa kanyang barkada sa kolehiyo niya. At least, yung barkadang hindi pumuntang LA. Andun din si Misha, kaya may pagkakataon siyang manghingi ng tawad sa hindi pagsagot sa mga tawag niya dahil pagod siya sa biyahe. Ayos.

Pagkarating niya sa tambayan nila sa campus ay dali-dali siyang niyakap ni Misha, at mabuti na lang nandyan ang barkada dahil siguardong uulanan siya ng halik ng baklang to. “Baby!” tili nito. “What a surprise! Why weren’t you answering my calls? I was so worried kaya!”

Hay, okay. Sana hindi na lang siya umalis. Medyo nakakairita kasi ang boses ni Misha paminsan, lalo na kung pasweet-sweet siya. Pero ayaw niya ng away, kaya pinilit niyang ngumiti sabay hawak sa kamay ni Misha. “Babe, I’m so sorry,” sagot niya with his most apologetic voice ever. “I was tired from the airport, and I slept through the whole day.” Nag-nguso pa siya for maximum effect.

Gumana, in fairness. “Awww, babyyyyy~” Niyakap siya ni Misha, sobrang higpit nga lang hindi siya makahinga. “It’s okay. Your flight was from LA pa naman, no? Nakakapagod na. At least you got your rest~”

Medyo mahirap tuldukin kung kailan naging sila ni Misha. Basta alam niya may high school party, naglandian sila ni Misha, tapos ayun, naka-”In a relationship” na sa Facebook status ni Misha na may picture nilang dalawa. (Siya, hindi pinalitan status niya. Dahilan na lang niya kay Misha ay hindi siya yung tipong naniniwala sa paghahayag ng relationship status sa Facebook.) Gayon pa man, okay namang kasama si Misha, except pag clingy siya. Pag clingy siya, full-force kabaliwan. Tulad ng time na nag-uusap lang sila ni Soyoun tungkol sa math homework nila at biglang nagwala ang gaga, muntikan pang masabunutan yung kaklase nila.

“I got you pasalubong!” Inilabas ni Yuzuru ang paper bag sa backpack niya.

“Oh my god!” tili ni Misha habang tiningnan ang nasa loob ng bag. “Urban Decay Naked on the Run eyeshadow palette! Yuzu~ you’re the best boyfriend ever!” Pumulupot na naman sa kanya ang mga braso ni Misha, at hindi na naman siya makahinga nang maayos.

“Yuzuru!” biglang tawag sa kanya ni Kanako, na mukhang natatawa sa nakikita niyang yakapan. “May naghahanap sa yo.”

Binitawan siya ni Misha-sa awa ng Diyos-at inayos niya ang mga kulubot sa T-shirt niya. “Ha? Sino?” tanong niya.

“Hindi ko kilala. Hindi pumapasok sa school natin eh. Basta, uh, makapal ang kilay…? Kanina pa naglilibot ng campus hinahanap ka.”

Makapal ang kilay …? Pero iisa lang naman ang pumasok sa isip niya pag sinabing makapal ang kilay … Hala. Paano niya nalaman kung nasan ako? Sabihin na lang niya kay Kanako na wag yun pansinin, tapos magyaya siya kay Misha na kumain doon sa paborito nilang kainan-

Pero biglang nagpakita si Michael. Naka-backpack siya na malaki, handa nang maglakwatsa. Tumitingin-tingin siya sa paligid, malamang hinahanap siya. Shit. Paano magtago. Madalian siyang tumingin kay Misha. “Baby, let’s have lunch na kaya~”

“Yuzuru!” biglang tawag sa kanya ni Michael, at tumakbo ang lalaki papalapit sa kanya. From the corner of his eye, nakita niya ang biglang pagtaas ng kilay ni Misha. Patay.

“Baby, who’s that guy?” tanong ni Misha, at nararamdaman na niya ang paparating na green-eyed monster. “Why does he know you? Why is he looking for you?”

“Uh-”

Nakalapit na si Michael bago pa makasagot si Yuzuru; mukhang excited ang bata. “Huy,” bati niya. “Hindi ka sumasagot sa tawag ko. Sasama ka ba sa Leyte o hindi?”

“Leyte?” ang litong tanong ni Misha. “Baby, what is he talking about?”

Patay. How does he get out of this mess? “Uh,” sagot niya, “hindi ako pwede. Busy pa ako sa maraming bagay.”

Kung nabigo man si Michael, hindi niya ito pinakita. Sa halip, tinanong niya, “Ganon? Anong mga bagay?”

Bakit naman ang daming tanong nito?! “B-Basta,” pautal niyang sagot. “Mas uunahin ko na lang yung mga bagay na yun kaysa sa blue moon na yan.” Hinawakan niya ang kamay ni Misha. “Tara, baby, let’s go na.”

“Pag di ka sumama sa kin, hahalikan kita!”

Suminga si Misha, at si Yuzuru napatawa, hindi makapaniwala sa narinig niya. Ano raw? Hahalikan daw siya? So type nga siya ni Michael. Gagawa lang ng dahilan para maka-damoves. Still, wtf pa rin ang sinabi. “You can’t just do that,” patawa niyang banggit bago tingnan si Misha. “Tara, let’s go na.”

“Oo nga.” Tumango si Misha, iniirapan si Michael na parang bang matutunaw ang lalaki sa kanyang tingin. “Who’s he ba?”

“Just some crazy guy,” sagot ni Yuzuru. “Don’t mind him. He’s just making thi-”

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya nang biglang may humila sa kanyang pinupulsahan. Napalingon siya, at parang bumagal ang galaw ng oras, yung tipong slow-motion moments sa mga pelikula. At pa-slow motion niyang nakita si Michael, mukha niya papalapit sa mukha niya …

Tapos nagtagpo ang mga labi nila.

Bigla na lang bumilis muli ang oras pagkatapos nun, pero nahihirapan pa siyang iproseso ang nangyayari. Parang bulong-bulong lang ang dapat parang hiyawan ng mga tao sa paligid nila, ni hindi niya maintindihan ang biglang sinisigaw ni Misha sa tabi niya. (Parang “What the fuck?!?!?!” ata.) Ang naintindihan lang niya ay ang mga salita ni Michael: “Pag nagbago isip mo, nasa labas lang ako nang mga dalawang oras.”

“Get back here, you bitch!” saka niya naintindihan ang sigaw ni Misha na padabog na umusad, pero mabilis na makaalis si Michael, mabilis na nawala sa karamihan ng tao. Namumula na ang mukha ni Misha nang bumalik ang tingin sa kanya. “Who the hell is he? Why did he kiss you? Why is h-” Napatigil siya, tapos lalong nagalit. “Baby! Why are you smiling?”

Nakangiti siya? Itinaas ni Yuzuru ang isa niyang kamay sa kanyang labi, kung saan siya hinalikan ni Michael. Sumakit bigla ang kanyang mga pisgni. Oo nga, nakangiti nga siya.

Etong Michael talaga … That guy’s really something.

>> 2

p: yuzuru/michael, r: pg-13, f: figure skating

Previous post Next post
Up