Aug 20, 2006 14:53
Narealize ko lang, ang tagal ko na pala huling nagupdate nitong blog....
1. Ano nga bang pinagkakaabalahan ko ngayong sem? Hmmm...i'm mostly in front of the computer pagdating ko sa bahay dahil it's my way of releasing the stress na nagbuild up dahil sa school....
2. Maraming nagsasabi na weird ako these past few weeks at siguro nga totoo yun dahil kahit ako i don't feel like myself. Kasi naman, excited akong umuwi sobra.. pagkadismissal, umuuwi na kagad ako at minsan pa nga, pag mahaba yung break (6hrs?) umuuwi muna ako at bumabalik na lang para sa last class (di kasi pwede umabsent ng psych, may quiz every meeting). Pero dati naman, halos ginagabi yata ako minsan sa manila (record ko ata ay 2 am?). Ewan ko lang kung phase lang tong pinagdaraanan ko ngayon or baka ganito na talaga... sorry na lang kung weird ako **** :)
3. Connected pa rin dun.... last week kasi andaming exams tapos kasi ang weird kasi kung kelan pa maraming exams, duna ako maagang natutulog (before 12) tapos kung walang exam...dun ako nagstastay up late... Nung start ng sem mga 3-4 hours lang tulog ko each day pero masaya pa rin naman ako kahit na ganon.
4. Andami nang nangyayari sa imed na hindi ko alam.... andaming nagsasabi na parang ganun na lang lagi ang buhay sa imed at gusot nila ng something new... as for me...hindi pa naman ako drained or bored dahil na rin siguro i don't take things as seriously as others when it comes to life being monotonous. Pero actually, marami din naman kasing bago sakin kaya siguro di ako bored tulad ng iba.
5. Narealize ko na masarap magdissect ng pusa lalo na't kung feel na feel mong nagdidissect ka dahil sa pananakit ng baga mo at pag-iiyak mo dahil sa formalin. Pero kahit na ganun, masarap pa rin yung feeling kapag prinaise ka ng teacher mo dahil sa good work. Loser na kung loser pero masarap talaga ang feeling.
6. Salamat pala at may 3-day weekend kami na walang kailangan gawin for school. Time to relax and unwind. Ang tagal ko na pala huling nakanood ng movie...hahahahaa.
7. Kagabi pala party ni daisy at medyo namiss ko lang naman yung u-turn sa edsa after ng buendia station kaya kung saan pa ata ako napadpad (umabot yata akong pasay?) pero ok naman kasi supposedly di na ako pupunta sa party pero pumunta na rin ako dahil may mga magagalit kung di ako pumunta. Masaya naman. Ok lang yung food pero di na ako uminom dahil gabi na at madilim at baka matulugan ko pa ang pag-uwi ko.
8. Wow...di ko alam kung pano ko tratratuhin yung ginawa niyo sa place nila fred dati... Di ko alam kung totoo na ba yan or yung sinabi sakin ng isang tao na naggagamitan lang kayo or parang ganun..... makes one wonder kung ano na nga ba ang meron.
9. Eto na....gusto ko talaga itong pag-usapan dahil avid fan niyo akko. Hahahahahhaah. Actually dati lang yun pero ngayon hindi na masyado dahil prinomise ko sa girl na i'll give them space. Hahahahaha. obvious na siguro kung tungkol kanino..... Good luck sa inyong dalawa at sana kung meant talaga na maging kayo...stay together. The girl deserves it naman eh.... sabi nga niya.... "pagbigyan mo na ako...tigang love life ko nung high school eh".....or parang ganun..... Kung san ka masaya suportahan kita :) Basta kung may ginawa siyang masama sayo or pinalungkot ka niya....sabihin mo lang sakin. Kamusta pala tour niyo sa up manila? hehehehe.
10. Shameless flirting nga lang siguro.
11. May life pa ba ako?
12. Gusto ko na magsem break at magbirthday ko.
13. Gusto ko na ulit kayong makagimik pag gabi.