Jul 01, 2006 15:47
Naglogin ako kanina sa friendster ko pagkatapos ng mahabang panahon at ang masasabi ko lang ay masarap palang basahin ang mga testimonials mo lalo na kapag nakalimutan mo na ang mga ito :)
Nanood pala kami ng superman kahapon sa gateway kasama ng mga kaibigan mula sa pisay at narealize ko na masarap palang manood ng ganung movie habang may katext ka, hehehe. Coding pala ako nung araw na yun kaya during lunch, pumunta kami sa gateway tapos pinark yung sasakyan tapos bumalik ng up via lrt tapos nagcommute ulit papuntang gateway after class.
After nung movie, kumain pa yata sila ng dinner pero hindi na ako sumama kasi excited na akong umuwi...bakit kaya? Alam kong hindi niya rin ito mababasa pero dahil since sinabihan akong batiin ko siya, babatiin ko na rin siya dito. BELATED HAPPY BIRTHDAY RO.
Field trip namin bukas sa Rizal for HumII class at titingin yata kami dun ng maraming art.... sa totoo lang hindi ako interesado pero malay natin, baka magenjoy naman ako :)
What is the absolute meaning of freedom? man's ability to choose one’s attitude in a given set of circumstances. Gumagawa pala ako ng paper tungkol diyan ngayon at tinatamad na ako...... bd3p kasi monday na due for humII din siya pero may field trip bukas kaya kailangan ko siyang gawin ngayon.
Speaking of humII class.....
May bago akong nakilala dun at natutuwa ako kasi matagal na rin ako nakipagpass ng "notes" sa ibang tao during class. Nakakaaliw kasi pwede naman namin sabhn yung mga sinusulat namin verbally pero ewan, cool kasi written pa.
Anyway, minsan pa rin ay inaatake ako at hindi ko alam kung ano dapat gawin ko.... buti na lang nandyan lahat ng kaibigan ko....corny ko nakakainis. madrama pa. pinagtatawanan nga ako nila fred dahil dito eh............
hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.
sana may mangyaring kakaiba pa sa buhay ko. sana lang. yung tipong makakapagbigay ng panibagong meaning para sa akin ng excitement.
Babalik na ako sa paper :)
edit: corny to at alam kong tinatamad kayo pero gawan niyo ako ng testimonial sa friendster pls :) wahhhhhhhh, crap...laos na ang friendster bat pa ko nanlilimos dito hehehheeh