Oct 25, 2006 19:27
woooo....tagal ko na huli nagupdate!
seriously, di ko talaga alam kung bakit wala akong ganang magupdate or magjournal na. i mean kung may naiisip akong ilagay or tuwing naiisip kong magupdate, pag nasa harap na ko ng screen at pupunta na dapat dito, tinatamad ako. siguro nga katamaran lang?
So anong bago sa akin? Marami, hehehe. sorry sa mga parang di ko nasasabihan ng mga bagay-bagay dahil private lang talaga akong tao..pero kung tutuusin, di naman pala sobra dahil may blog ako? Haha, pero di ko naman talaga minsan nasusulat yung mga private stuff...sino ba naman tangang maglalagay para mabasa ng buong mundo diba? Basta ang masasabi ko na lang, maraming bago at sana huwag mawala yung iba dun.
Nasa istates pala ako ngayon, nagbabakasyon. At nagbabakasyon talaga ako. Kasi parang ramdam na ramdam ko talaga na sembreak dahil sa di ako nag-iisip about school and stuff. Kaya lang minsan gusto ko ring umuwi dahil sa aking mga namimiss sa Pilipinas. Oh well, 1 week pa ko dito at gusto ko pa imaximize ang punta ko dito. Tomorrow, i'm off to puerto rico at di ko lam mga magagawa dun except pumunta sa beach? Pag naiisip ko kasi yung place pumapasok sa isip ko ay mga babaeng latina na pwedeng pang miss universe ang mga itsura na nasa beach... sobra bang specific?
Hayyy, lapit na pala ako ulit tumanda, sa totoo lang ok lang naman na tumanda ako basta nadadala ko yung mga natututunan ko sa ngayon. Di lang acads and stuff pero basta lahat ng nangyayari sakin gusto ko maalala ko habang tumatanda ako. Auko kasi talaga yung nakakalimot.
1 sem na lang pala, magpuputi na ako. Di ko pa talaga gusto yun kasi sched ata namin from what i've heard ay 8-5 everyday... Gusto ko pa kasi maenjoy "college" life or my pre-med life. Oh well, i checked the box sa UP application form, dapat handa ako sa ganito.
speaking of intarmed life, minsan talaga naiisip ko na medyo overrated ang tingin ng iba dito in terms ng pagiging mahirap and stuff. Di ko naman gustong ibelittle efforts ko and my classmates pero ang tanging nagpapahirap lang dito compared to other classes like biochem, pharma and other pre-med courses ay ang pagsiksik ng dalawang bio subjects into 1 like anatomy and physio, and dev bio and genetics at ang pagiging overloaded ng lahat ng sems namin. Yung org chem na pinakamahirap na subject namin last sem, kinukuha din naman ng ibang course...yung sa pharma pa nga ata mas mahirap dahil they take into consideration drugs. Sana pala walang magalit na imed sa mga sinasabi ko, hehehe. Kasi minsan talaga pag naririnig ko mga kwento ng mga kaibigan ko sa ibang course about their subjects and their exams, usually naiisip ko na swerte pa kami dahil sa sched namin... Or baka manhid lang ako at di ko namalayan na sobra ako nahirapan? Or baka naenjoy ko siya at di ko nakita bilang hirap yung mga inaral ko? Ngayong binasa ko ulit yung paragraph na ito, medyo mahirap nga din pala...pero para sakin, mas enjoy siya kaysa mahirap.
ok na yan, mahabang update na rin yan ^^