May 17, 2007 09:31
nag-iisip na naman.
pano kaya napunta roon ang pamilyang gipsey?
marahil nga talagang nanggaling sila sa ibang lugar o kaya sa ibang bansa.
marahil nagpunta sila sa lourdes dahil sa kanilang paniniwala sa diyos.
doon kasi sinasabing nagpakita ang inay ni jesus sa isang babae.
pagkatapos ng pangyayaring 'to marami raw mirakulong nangyayari sa lugar na 'yon.
lalo na raw kung inumin mo 'yong tubig na pinainom ng birheng maria sa babae.
meron daw mga taong bigla na lang gumaling at mga pilay na biglang nakakalakad.
marahil nagpunta ang pamilya roon para makasali sa mga mirakulong nangyayari.
iinom sila ng banal na tubig upang 'di magkasakit sa isang napakalamig na lugar.
o kaya nama'y nagpunta sila roon dahil sinasabi rin na sa ibang bansa ka magkakaroon ng mabuting buhay.
marahil nanggaling sila sa bansang mas maliit ang halaga ng pera kaysa sa france.
marahil nagbaka-sakali lang sila sa pagpunta nila roon at 'di rin sila sigurado sa mga gagawin nila.
hirap na hirap na siguro sila kung kaya't nagdesisiyon na lang sila agad na umalis.
isa siguro 'yan sa mga epekto ng paglalagay ng mga presiyo o halaga sa mga bagay na maaari mo namang pulutin na lang o kaya anihin.
'di naman kailangan bilihin lahat ng bagay.
e kung wala na lang pera, e kung wala na lang presiyo ang mga bagay-bagay?
ano kaya ang magiging epekto nito?
pwedeng mabuti pwede ring masama.
'di natin alam.
pero ngayon mukhang may masamang epekto ang paglagay ng mga presiyo, lalo na para sa pamilyang 'to.
pano kaya sila nakakabili ng pagkain?
sapat kaya ang kinikita ng panganay at ng tatay niya?
nagtatarabahao nga ba talaga sila?
nakakabili kaya silang gamot o mga bitamina?
pano kapag malamig, meron ba silang mga panlamig?
'di kaya masama para sa sanggol na tumira sa isang hardin sa isang malamig na lugar?
'di kaya sial pinapaalis ng pulis doon?
ang daming tanong na pwedeng itanong.
mukhang 'di na masasagot ang mga tanong 'to.
subukan na lang isipin ang mga pinakamalapit na sagot sa orihinal na nangyayari sa pamilyang 'to.
naroon pa kaya sila sa harding 'yon?
pano kung masira ang duyan ng sanggol?
mukha pa namang sobrang luma na 'yon at mukhang gamit na gamit talaga.
malulunkot kaya ang pamilya kapag nasira ang duyang 'yon?
ang dami talagang tanong.