(no subject)

May 16, 2007 01:07

may isang pamilyang nakatira ngayon sa isang magarang hardin sa lourdes, france.
kitang-kita sa hitsura nila na galing sila sa ibang lugar o kaya sa ibang mukha.
mukha silang mga gipsey.
siyam sila sa pamilya, limang anak na babae, dalawang lalake, at ang magulang nila.
ang isa sa mga babae ay sanggol pa lamang.
may isang pamilyang dumating sa hardin para magpahinga.
sila'y mga turista.
naroon ang nanay, ang dalawang pinakabatang anak at ang pangalawang pinakamatanda at ang tatay ay darating mayamaya sa hardin dahil bumili ng pagkain.
naglalaba ang pamilyang gipsey nang dumating ang pangalawang pamilyang 'to.
ang mga damit na pinatutuyo ay sinabit nila sa mga halaman sa paligid ng hardin.
ang dalawang panganay na babae at ang nanay ang nag-aayos ng mga damit.
ang dalawang anak na lalaki ay nag-aalaga sa bunsong kapatid.
ang isang babae ay natutulog at ang isa pa'y pinaglalaruan ang bote para sa gatas ng sanggol.
'di alam ang mga pangalan nila.
mayamaya pa dumating ang tatay ng pamilyang gipsey.
siya'y may sigarilyo sa bibig at pagkadating sa pamilya ay may sinabi na 'di maintindihan dahil ibang lengguwahe.
pagkatapos nito'y sinama niya ang panganay na lalaki sa malayong lugar.
marahil umalis sila para magtrabaho.
wala silang bahay sa hardin.
pagkatuyo nang mga damit, kumuha ang mga babae ng napakalaking plastic bag at inilagay ang lahat ng mga damit doon at tinago likod ng isa sa mga halaman sa hardin.
meron silang lumang duyan ng sanggol.
'di 'yan ang klase ng duyan na nakasabit sa mga poste.
'yan 'yong may gulong sa ilalim at tinutulak ng kung sinumang gumagamit nito.
nagising na ang babaeng natutulog.
pinaglaruan naman ng bunsong lalaki ang duyan.
sinakyan niya 'to at pinagulong pababa, 'di kasi patag 'yong hardin.
mayamaya sumali na ang babaeng naglalaro kanina ng bote at siya ang nagtutuloak sa lalakeng asa duyan.
nagsimula na silang kumain.
mayamaya pang konti, dumating ang pangalawang anak at ang tatay sa pangalawang pamilya.
may dala-dala silang pagkain.
mediyo mahal ang pagkain kung tutuosin dahil sila ay mga turista.
maliit ang halaga ng pera nila kumpara sa euro ng france.
makakabila na sila ng merianda at hapunan sa ginastos nila kung sa bansa nila sila bumili pero sa france hapunan lang ang nabili nila, kulang pa nga 'to para sa kanila.
naglitratuhan sila sa hardin nang mabilis lang dahil gutom na at pagod na sa kakaikot sa lourdes.
dumiretso na sila sa hotel kung saan may banyo, t.v., at mga kama.
ang bunsong anak ay hanggang ngayon iniisip ang pamilyang nadatnan niya sa hardin na 'yon.
pagdating niya sa hotel, tumingin siya sa labas ng bintana, at natanaw nyia kahit papano ang hardin.
ngayon iniisip nyia kung pano kaya nabubuhay at pamilyang gipsey na nakita nyia sa hardin.
Previous post Next post
Up