Apr 24, 2007 16:14
minsan ka lang sasakay sa eruplano
matagal bago ka makasakay sa eruplano
kailangan lahat naayos bago ka sumakay sa eruplano
kailangan alam mo kung saan ka pupunta at kung saan ka manggagaling
kailangan may pera ka
kailangan ayos ang pasaporte at bisa mo kung kailangan ng bisa
kailangan handang-handa ka
bawal ka rin mahuli
dahil 'pag nagpahuli ka, iiwan ka ng eruplano
kailangan din kumpleto ang mga damit na dala mo
kung 'di mauubusan ka sa pupuntahan mo
ang eruplano, dadalin ka sa mga magagandang lugar o 'di kaya'y sa lugar na gusto mong puntahan
kailangan din maaga pa lang asa airport ka na at dapat inaabangan mo ang paglipad ng eruplano
mahal ang tiket para makasakay sa eruplano
'wag mo sasayangin ang tiket
minsan ka lang sasakay sa eruplano