May 27, 2007 22:47
magtatanghalian na,
kakasaing lang..
mainit pa ang kanin..
malambot pa..
mabango pa..
masarap pa..
e kaso,
nanonood ako ng isang palabas sa telebisyon..
'di ko alam kung ano ang tawag sa palabas na 'to pero intiresante kaya nood lang ako..
nood lang nang nood..
kahit walang katuturan ang palabas,
nood pa rin nang nood..
pagdating sa hapagkainan, malamig na ang kanin..
matigas na ang kanin..
'di na masarap ang kanin..
'di na 'to lalambot ulit..
'di na 'to sasarap ulit..
nasayang lang ang pambili sa bigas, ang tubig na ginamit, ang kuryente o gasul na ginamit..
dahil lang sa isang walang katuturang programa sa telebisiyon..