Larawan
matagal tagal rin kitang minamasdan,
bigo mang madampian ang iyong pisngi
ng aking mga daliri. Marahil, sapat nang
liwanag ng araw ang gumawa nito
para sa akin; lalo lamang nitong pinatingkad
ang kinang sa iyong mga mata, na kailan ma’y
hindi ko maihuhulma.
sa pagitan ng dalawang gabi
nitong magdamag kita nasumpungan
at nabihag akong iyong kariktan:
(
Read more... )