Sep 16, 2009 01:50
hayaan mong iguhit ko ang mga sandaling wala ka na:
mga salitang nagkalat sa sahig, mga alitan sa ulunan
ng kama, mga hindi maubos-ubos na bote
ng pighati, lungkot, at lukot-lukot na alaala
ng mga nagdaang oras, araw, mga gabi. at makikita mo
akong nakasalampak ang ulo sa 'di mabilang na upos
ng mga saya't pinagsaluhang tawanan.
wala na'ng ningas nitong kailan lang ay maaaninag
sa ating mga mata. at ni hinding magawang kumilos ng kamay
upang abutin ang awa na iniwan mo sa may pintuan
bago ka lumisan.
pag-i1,
tula,
poetry