Jan 06, 2012 18:26
At sa mga larawan ay titingin kang panandalian. Doo'y palihim na susulyap ka sa nakaraan. Paminsa'y saya ang mamumutawi sa labi mo. Madalas ay luha ang dadaloy sa pisngi mo. Pagkat ang minsang lumipas ay di mo na maibabalik pa. Pero tanggap mo na. Nanghihinayang ka na lang sa kumupas na mukhang minsang nagpangiti sayo. Di mo na kilala at mapapaisip ka. Kung ang larawan ba o ikaw ang nagbago?
writing