Jan 23, 2006 17:22
WHOA! AKALAIN MO YUN?! ugh. duh...
Wow. I can't believe it up to now. Tapos na pala yung exams namin this 3rd quarter! Haha. Parang nawala ako sa mundo ko. Waahh...
Grabe it all passed by like that. At nagcramming pa daw ako sa Biology at English ano? Ano ba naman ela. Cramming won't help. I promised myself not to do that again, e kaso natempt ako. Tsk3. Nung Friday kasi inantok ako sa school and I decided to go home early instead of the usual 5 pm afterwards na USUAL GOING HOME TIME ko, since wala naman akong kasamang gumimik or what pati I was so sleepy at may exams pa today so umuwi na ako.
I REALLY WANTED TO FINISH NARNIA sa school e kaso I decided not to, sayang talaga, kasi yung mga nag-stay sa school ay nakipaglaro sa bahay nung mga koreans with the 3 korean cuties of the 4th year class! Gosh! I missed all the fun! I cannot believe it. Err. Nakakainis pero ayus lang din kasi at least nakapagpahinga ako (I had a 4 hour straight nap, from 1 pm- 5 pm) at nakapagreview sa Math at English. :)
So ayun, then nag-update ako ng lj ko after I woke up then nag-chat pa ako. Then pinaalis ako sa pc so I went to my room and studied for awhile (may soundtripping pa na naganap courtesy of Terence's L.A.M.B cd and STRIKE WHILST THE IRON IS HOT cd). Then after studying (natapos na ako ng before Etheria), nanood na ako ng tv, from Etheria to Jewel in the Palace. :)
Ayy grabe hindi ko maalala kung ano yung ginawa ko nung Saturday. Hmmm...joke lang. Pero kaunti lang yung naaala ko...
Woke up at 6 am?! Basta ang aga ko magising nung Saturday, I was supposed to attend REMEDIAL CLASSES sa TLP (The Learning Place, isang EFFECTIVE na REVIEW CENTER for the UPCAT) dahil mababa yung results nung diagnostic test na kinuha ko nung January 14, 2006 dun sa office nila malapit sa bahay, so it meant that I needed remedial classes para matugunan yung needs ko para maayos ko yung before the upcat comes and before I enter college (one of their COME-ONS yung remedial classes), e kaso lang hindi naman ako sure na doon na nga talaga ako papasok for review kasi ANG MAHAL NIYA SOBRA...
A WHOPPING P10,000 for the review itself. Grabe sa mahal noh? Tumataginting na salapi mula sa bulsa at ibabayad sa kanila pero sulit DAW dahil talagang iiimprove nila yung weaknesses mo na magiging dahilan ng iyong mas malaking chansa ng pagpasa sa nalalapit na eksaminasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. E kaso lang namamahalan yung mga ate ko when I told them about this, kasi yung ibang review centers nga maganda rin pero mas mura, as in SOBRANG MURA kesa dun sa TLP. 100% passing rate kasi sa TLP kaya lang kasi masyado kaming mapapamahal kung doon ako, e kung kaya ko namang ipasa yun na sa ibang review center ako eh di why pa sa TLP diba? So yun rin yung kinoconsider ko as I decide, so when I found out na mas mura sa braintrain, eh di I decided na doon na lang ako kesa magblow ng pera na 10k sa TLP kung parehas naman yung magiging resulta sa exams diba? :D
So ayun, hindi ako pumasok sa remedial classes kasi nga hindi ako sure kung doon ba ako papasok or hindi. Pero kahit payagan ako doon hindi ako tutuloy kasi sobrang mahal at pahirap sa bulsa, kasi may prom expenses pa ako so I didn't want to blow up P10k on a single purpose only, e kung tutuusin e kalahati na nun ay pangreview na sa iba at yung remaining P5k ay pwede ko na pangprom or what. Diba? Mas convenient sa kaso ko na sa iba na lang ako magreview center.
Sunday...
Woke up at 7 am originally pero bumangon ako ng mga 9 am na. Hehe. Nitatamad pa ako bumangon eh. :P I drank MILO and ate breakfast. Then tutok sa TV para sa PACQUIAO-MORALES boxing match. Nakakainip so I decided to soundtrip again sa kwarto, while desperately wanting to study, hanggang sa dumating na yung time nung actual match. Nood galore ako. Kapag commercials pumupunta ako sa kwarto to continue studying then kapag naririnig ko yung ring ng TV (our kapitbahays were also glued to the match) edi kumakaripas ako sa TV at nanonood. Nakakatense yung laban. Ang galing nila parehas pero I still think na Erik Morales was ahead kung ibabase mo sa point system ha, kasi mas aggressive si Morales at mas nakakahit siya kay Manny sa mga rounds, yun nga lang, hindi niya nakayanan yung mga combination punches ni Manny dun sa 8th at 10th round at na KO siya. Knock-out artist kasi si Manny e si Erik ay more of the slowly but surely type of boxer na talagang nagfofocus dun sa defense at offense niya para hindi makatira si Manny. Whoa, so boxing analyst na ako ngayon? Hehe. Anubeh. :P
Ayun, I really thought Morales was going to win e kaso naKO siya nung 10th round, pero sa tingin ko close call yun kung natuloy sila sa 12 rounds of boxing, mismong si Manny na rin ang nagsabi na hindi niya ineexpect na hindi sila matutuloy hanggang 12th round at mapapatumba niya si Erik. Oh well, he did it and he's so great talaga! Saludo ako kay Manny Pacquaio. :D Ika nga, he's the PEOPLE'S CHAMP! Anubeh at may isang haler na nagtext sa akin nito. Hehe may CHAMP daw kasi. At balak pa maggawa ng YG ni Manny ha. Grraabbe. Pero sang-ayon ako dun sa idea niya. Sabi ko: mod ako! mod ako! Haha. Anubeh ang kulit ko. :P
~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~
ELA'S PHILOSOPHY:
Basta kung alam mong kaya mong ipasa yun, kakayanin mo. May bilib ako sa sarili ko kaya kakayanin ko. As much as possible ayoko mag-isip ng negative about the future. Kasi kapag positive thinker ka, mas malaki yung chances na magkakatotoo yung gusto mong mangyari, basta isasaisip at isasapuso at isasagawa mo siya sa paggising at bago ka matulog sa gabi. EFFECTIVE ito promise. :D
Wow I sound like a philosopher. Sounds like lang. Hehe. :P
Anyway getting back...
Actually kahapon lang yung matino ko na review sa mga subjects ko. 4 lang naman yun kaso ang dami kong sinaulo sa Biology, English at Social Studies, sa Math wala masyado. Ewan kuba, nitatamad akong mag-aral sa Math eh. I know na mas kailangan kong pagtuunan ng pansin yung Math e kaso mas napapaaral ako dun sa iba ko pang subjects.
Hayy. I SERIOUSLY NEED A MATH TUTOR. I'm so lame in Math, PROMISE. No kidding ha. Before, nung Grade 2 ako, I got the "BEST IN MATH" award nung recognition namin. That was 1998 pa. Waahh...
Parang nagdegrade yung math skills ko along with my birthdays na dumaan. Hayy buhay, o baka memgap lang talaga ang prob ko. Watcha think? Err...
Waahh I'm hating Math to tell you the truth, nakakagulo ng utak at nakakahilo ang mga numbers.
Pero ika nga ng kaklase ko, "it is okay to be angry or mad with somebody or someone, so as long as you do not HATE..."
OUCH. Nakakainis kasi talaga. I'm frustrated with myself. I don't blame anyone for it, only myself. Siguro sa akin na rin mismo manggagaling mismo yung solution sa "MATH DILEMMA" ko, as I like to call it ha...
Aii basta babawi ako sa Math! I SHALL!!! I SHOULD!!! I WILL!!! I CAN DO IT!!! KAYA NATIN ITO!!! AJA AJA!!! ^_^
Our first exam today was Biology. Jusme medyo mahirap siya pero ayus na rin. Naiinis lang ako kasi sinaulo ko yung life cycles ng moss at fern tapos hindi pala kasama sa exams. Tsk3. Oh well, I dislike the essay portion dun sa Bio exam, 10 essay questions kasi yun at feel ko 6+ lang yung tama ko dun. Sana nga. Waahh...
The second exam was on Social Studies. Yun na yung easiest or not so hard to answer na exam FOR ME ha. Mas nahirapan akong sagutan yung sa Bio essays kesa dun sa SocSci essays kasi dun sa Bio 10 essays yun, e dun sa SocSci 3 of 5 essays lang sasagutan mo, e your choice pa kung alin sa mga yun yung sasagutan mo. Oha vongga noh? :P
Nakakalito lang na part dun yung sa B nung Multiple Choice kung saan imamatch up mo yung persons na nakasulat doon with their major contributions. Ayun medyo nalito ako dun sa part na yun and I am EXPECTING not to get a perfect score dun. Pero sana 2 points lang mali ko. Hehe. Isang malaking ASA ka ela. Err. Bleh bleh. :P
Nagbigay pa ng bonus yung SocSci teacher ko dun sa B nung Multiple Choice, yung kay Nicolaus Copernicues, letter J daw yung sagot, pero tama nga na J yung sagot, which is "On the Revolutions of the Heavenly Spheres" or something like that. Haha, memgap talaga ako. Kakasagot ko lang nun kanina tapos nakalimutan ko na agad. Amf. Toink. :P
I SOO LAB SOCSCI!!! kakarealize ko lang kanina...
SOCSCI ISH LURVE!!! <3<3<3 :D
Besides English, second lurve ko na ang SocSci, then third ang Filipino then fourth ang P.E., fifth is Biology, sixth and last but NOT THE LEAST ang Mathematics. Haha obvious na!
The third exams was on MATH. Yes MATH. Dumugo ang ilong ko sa kakasagot. Hehe, I was wishing na dumugo nga para may excuse ako. I was about to give up na talaga.
Jusme nakakalito yung mga equations! Nagulo yung utak ko kaya hindi ko nagawang sagutan yung last page. I tried my best kaso walang lumabas, masyadong nagulo utak ko kaya hindi na nagfunction ng mabuti, tapos gutom na ako nun. Hayy sayang yung 15 pts. Feeling ko bagsak ako sa exam. Sana lang tama lahat ng multiple choice answers ko kung hindi malamang bagsak na ako dun.
HELP ME!!! I don't like to fail Math. I don't like to fail exams. :((
After the grueling Math exam came ENGLISH! Yey! Celebrate celebrate! Haha ang bias ko. :P
Anyway, yung English exam ay medyo nakakalito sa unang page kasi MODIFIED TRUE OR FALSE yun eh, hindi ako sure mostly kung aling parts yung papalitan ko. Pero I eventually got the hang of it. Sana lang at tama yung mga pinaglalagay ko dun.
Madali lang for me yung second page nung exam, reading comprehension kasi yun, fave ko yun sa English eh. So ayun, the third page had 3 essay questions. Bale itratranslate mo yung sonnets in your own words. Aii grabe dapat daw essay at hindi 3 sentences lang kasi hindi daw yun essay, so ayun dinagdagan ko pa yung mga sentences ko sa pag-eexplain para maging mas mahaba siya. Hehe pinahaba ko lang anubeh. Ssshh...di alam ng teacher ko! Hahahaha...
Ayun, hindi ko masyado maexplain yung WHEN IN THE CHRONICLE OF WASTED TIME na sonnet ni William Shakespeare. Gosh masyadong poetic at maganda yung meaning kaso hindi ko maintindihan dahil dun sa mga words na ginamit niya. So dun ako nahirapan. Over-all ayus naman yung exams sa English.
RANKING OF WELL-LIKED AND "NOT SO HARD TO ANSWER" EXAMS OF ELA HILARIO:
1. Social Studies (sana 1st ako sa exams)
2. English (sana 1st ako sa exams)
3. Biology (masaya na ako kung makakuha ako ng 85%+)
4. Math (sana pasado ako dito or mataas kahit papano)
AJA AJA!!! ^_^
I know I did well naman pero may iiimprove pa ako. Next time mas gagalingan ko na talaga. NO MORE CRAMMING!
Moving on...
May ILLIOS practice kami ngayon, 1-4 pm. Nakakapagod pero masaya. Aii jusme ang walang kasawaang SCENE 1?! Hindi, scenes 12-21 ang pinraktis ngayon pero inayos ulit ung SCENE 1. Hayy. Wala pa rin si Cha, na gumaganap na aking ina so si Joi na naman yung stand-in for her. Wawa man si Cha, nung Tuesday pa hinihika. Tsk3. Sana gumaling na siya. :)
She's missing out on a lot na. Hehe. Basta andami ng chika at moments!
Here is one of them...
Kasi kanina before one of our exams, (I forgot kung alin, mas nagfocuse ako dun sa details nung moment namin hahaha) Justin S. took my hand tapos itinulak ba naman ako dun sa isang room kung nasaan si Nicklaus (my classmate Justin Donato's younger bro) at si John! Owemji! Dyahe mukha akong tanga habang dinadrag ako dun sa room. So ayun, nahihiya kasi akong pumasok sa room kaya pumapalag ako kay Justin pero I decided to talk to John na lang para hindi halata na may hidden desire ako for him. Hehe.
So ayun, eto yung conversation namin...(ELA's HITAD MODE)
Ako: (lapit kay John na nakaupo sa may couch) John, do you know me?
John: Ahh, annio (no in english) with matching hand movements pa! Hehe ang cute!!! *faints*
Ako: Ohh, my name is ELA. E L A. ELA!
John: Ohh, E-LA?
Ako: Yes, correct! *blush*
John: Ohh, hello ELA!
Ako: (changes topic kasi speechless na) Uhm John, do you like the camera?
John: Yeah
End of conversation. The proctor called us already. Nasira ang moment ko! Waahh...
Aii naku yun si John! Nung lunchbreak nakasalubong ko siya tapos tinanong ko siya kung naaalala pa niya ako, at ito ang nangyari...
Ako: (taps John on the shoulder) Hey John, do you remember me?
John: Uhh...no
Ako: What? But I just told you my name awhile ago! *heart breaks* :P
Amf. Nakalimutan niya agad. Anubeh. Mas malala pa memgap nun sa akin eh! Waahh he broke my heart! Hehe. Joke.
Ewan kuba, ang weirdo niya. Pero kapag boy naaalala niya yung face at name.
Oh well, JOHN I CRUSH YOU!!! YOU'RE SO CUTE AND FRIENDLY!!! (3rd orig crush ko siya, next to GENE - 2nd and JUN -1st) :P
KOREAN WORD FOR THE DAY: gamsahamnida (thank you)
truly yours,
ela: nawiwindang na sa mundo, namrumrublema pa rin as usual. :((