confessions of ela's sore throat :P

Jan 24, 2006 18:47

I woke up early today, which is very unusual of me. Hehe. Basta 5:30 am ako nagising, I'm really making an effort to make my wake up time as early as possible since matagal akong kumilos, mga 1 and a half hours ako kung magprepare sa school so 5:30 am is the best time for me to start my preparations for school. Bale saktong 7 am ako nakaalis sa bahay then 7:20 am nakarating sa school.

Yey! For the first time this month ngayon lang ako nagkaroon ng 2nd consecutive days na hindi ako late. Grabe I'm SOO HAPPY! I'm gonna try my BESTEST BEST to keep my attendance record as clean as possible, as in gusto ko puro Ps lang ang andun, which stands for PRESENT keysa Ls which stands for lates. Woohoo party na itu! Nyork. Hanuvuh? :P

Basta sabi daw ni Aldrin e hinihimala na daw ang buhay ko kasi kapag nakakasabay ko siya ngayon e parati kaming maaga than the usual e samantalang dati halos isumpa na ako nun kasi sa tuwing nagkakasabay kami sa tricycle papuntang school e late na kami ng mga 5 minutes or more! Nyahahaha...

So laking tuwa niya at sa tuwing nakakasabay niya ako e ahead kami sa original time ng 10 minutes or more. Ang sarap ng feeling kapag mas maaga ka kesa kung late ka. Iba ang feeling, nakakahiya kasi kapag late ka, e kung maaga ka proud ka talaga. Hehe.

I was really feeling cold so I brought along my ate's blue adidas jacket and a blue, red, green and white horizontally striped umbrella to keep me protected from the ambon. It was really cold so tamang tama lang na may dala akong protection. Mahirap na rin magkasakit ngayon, mahal ang bilihin at MAGASTOS MAGKASAKIT. So in other words, BAWAL MAGKASAKIT. Haha. :P

Dumaan pa ako sa Mercury Drugstore to buy Strepsils for my sore throat. Ang sakit ng lalamunan ko! HELP I NEED TO GET THIS SORENESS THAT I FEEL BY FRIDAY AFTERNOON! We have a community showcase on Friday, may presentation kami na dance sa umaga tapos sa hapon may play kami na iprepresent sa mga tao sa komunidad and I have lines where I shout and I need a loud voice tapos kasama ako sa choir so I really need to clear up my voice before Friday. Hayy good luck to me! Sabi ni Joy oregano juice lang ang katapat nun at hindi puro strepsils. Oh well she has a point so later on iinom na ako ng O JUICE. Waahh...

Anyway, so ayun, since hindi naman marami yung dala ko, yung security guard sa may baggage counter ay pinapasok na ako with my bag then iniwan ko na lang yung payong ko sa may lagayan ng payong nila dun. I quickly looked for the medicine aisle para dun sa Strepsils (mahirap na kung ma late ako eh :P). So ayun when I finally found it, nagulat ako bigla!!! JUSME P21.00 na isang pack nun e dati P20 lang yun eh! Waahh may P21 baon deficit tuloy ako. :((

Kulang kasi yung baon na ibinigay sa akin kahapon, instead of the usual P70 a day, P100 binigay sa akin (oh well may coins pa na P11, ssshhh :P) e for two days yun! Hello?! Paano ako mabubuhay ng P111 lang ang pera ko for two days! Ang mahal na ng pamasahe tapos pati pagkain sa school at bumili pa ako ng Strepsils so bawas na yun ng P21 sa natitira ko pang baon, eh P40 pa yung kulang sa baon ko e kanina P20 lang binigay sa akin so may deficit ako. Syaks I walked home dahil dun. Wahh ansaya! Eksersays itu! :)

I also didn't eat lunch dahil dun sa baon deficit na yun. Hayy qwek qwek lang kinain ko kaya siguro sobrang gutom ako ngayon habang nagsusulat ng panibagong entry. I blew most of my money kasi nung recess, P23 din yun na tapsilog. Yummmy naman kaya sulit na rin. OMG I WANT A LOLLIPOP! E kaso makacounter niya yung positive effect nung Strepsils pero nakadalawang lollipops ako ngayon kahit na I forbade myself to eat a lollipop. Haha temptations nga naman oh! Sorry medyo pasaway ako ngayon eh! :P

Anyway, today wala kami masyadong ginawa. During our homeroom time, sinabi lang sa amin na may community showcase daw kami sa Friday at dapat makapagcome up kami ng isang presentation na may relevance at may kinalaman sa past week's learnings namin.

So ayun nag-isip kami, nung una BULAKLAK (in relation to angiosperms na flower-related sa Biology) e kaso joke lang naman yun tapos sineryoso nung iba. I was typing a letter for our prom dun sa library kaya I missed their discussion tungkol sa presentation namin. Nakibalita na lang ako through my classmates na napunta dun sa library.

So ayun kami lang ni T. Vay ang andun sa library, and she had this idea for a special presentation on Friday bukod dun sa every year level na presentations. Ipinatawag niya yung kaklase ko na si Jenno (FYI: siya yung boy na favorite himasin ang ulo ni JOHN kasi IT FEELS GOOD daw) na magaling sumayaw. Tapos usap usap sila then naghahanap ata sila ng girl na partner ni Jenno para dun sa dance that would compliment Jenno's dancing abilities and at the same time kayang buhatin ni Jenno so pina-audition ako ni T. Vay. So ayun, ayus naman daw ako in terms of weight e kaso nga lang matigas katawan ko kaya sabi ko wag na lang ako. Pwede pa naman yung iba kong classmates like Cha and Nica. Ako pa rin daw yung EHEM lightest sa kanila kaya nga lang TUOD ako kaya hindi kami pwede ni Jenno. Cha is taller kaya hindi daw pwede, Nica is heavier than me daw kaya ayaw rin ni T. Vay so naghanap na lang ulit sa ibang year levels.

JENNO'S DANCE PARTNER QUALIFICATIONS:

1. smaller than Jenno in height (ako ba ito? lol.)
2. lighter or as light as me (timbangin muna bago kuhanin, amf!)
3. has a great dancing body (sexbomb dancer, need some dancer!)
4. compliment to Jenno's artistic abilities (nakanang! todo puri na itu ah, dpt may bayad na, harhar. :p)

ANG MGA PASADO:

ako ang nag-suggest ng mga ito para labas na ako sa usapan! :P

1. alfin (smaller than Jenno, lighter than me, magaling sumayaw) ---> 1st yr hs
2. jennylyn (smaller than Jenno, as light as me yata or lighter than me, magaling sumayaw at mag-express ng sarili through the eyes, the face and the body) ---> 2nd yr hs (GO JENNY!)
3. angelica (smaller than Jenno, obviously lighter than me, magaling sumayaw) ---> 1st yr hs

Ayy basta JENNYLYN ako! Hehe bias vuh? Kanya-kanyang taste yan! Bleh bleh. :P

8: 30 am: Nagpractice kami nung bulaklak na song. Anubeh ang ingay namin kaya pinagalitan kami. Nakakahiya nga eh kasi andun sina Gene at Joseph sa loob at nakikinood, buti na lang they can't understand much tagalog kundi nakakahiya talaga sa kanila! Waahh si John nasa labas pero gusto pumasok. Haha. Anubeh nagprapractice kami tapos may audience. Nakakahiya atsaka they (KOREANS) should be practicing their own presentations so we decided to tell them (NICELY) na kung pwede ay lumabas muna sila kasi we need to be by ourselves to practice.

ELA'S ENGLISH MODE:

kinakausap si Gene kasama si Jannine at Jenno ---> kadugo ng ilong ang ingles hanuvuh! oh well at least we got to talk to him! :P

Ela: Uhm, we're going to practice now.
Jannine and Jenno: Yeah we are
Gene: Ohh...
Ela: Uhm we need to practice by ourselves
Jenno: Yeah, uhm don't you have a practice today for your presentation?
Jannine: Yeah, why don't you practice your presentation while we practice, but different areas
Gene: Ohh, yeah we have, oh so you mean we go?
Ela: Yeah, we're really sorry (baka kasi naoffend sila)

Umalis na sila. Bago sila umalis I said this: THANK YOU FOR UNDERSTANDING. Dunno kung narinig ba nila yun or what. SANA. :))

Practice na, we have our positions at may 1st dance step na kami. Hanggang dun lang yung napractice namin kasi break time na pala. We decided to call it off na lang for later. JUSME!!!

Breaktime: I ate tapsilog. YUMMY! Dapat pala nagsotanghon na lang ako, mas mura at mas angkop sa panahon ngayon. Hayy. :(( Naulan kasi kanina ng malakas so perfect food talaga yung hot soups.

10: 00 am: Resume activities. Additional research time at pakitaan ng research notes sa SocSci teacher namin para magradean yung output namin as of now ng aming mga partners. He gave me and Apa a 7, pero...

T. Dedz (SocSci) after seeing our research papers : Ayus na ba yung 7, or higher?
Ela: Uhm, 7? (sounding uncertain at discontented)
T. Dedz: Mukhang patapos na kayo ah.
Ela: Opo T. Dedz

Haha. I was going to agree e kaso he said OR HIGHER? so I tried my luck...

Ela: Pwede pong 8? Kasi kaunti na lang po kulang namin and besides patapos na po kami
T. Dedz: Ahh, o sige.
Ela: *ngiti hanggang tenga* Thank you Teacher Dedz!

OMG. Gumana! Ang galing galing. Ang saya 8 kami! 8/ 10. Ayus na yun for me. :) I LABSHU T.DEDZ! SOCSCI ISH LURVE! :P

So after that back to research mode ang mga tao. Some of us stayed sa library pero I chose to stay sa room. Pero later on nagpunta din ako sa library. Aii kaluuka andun si JUN! at si GENE! Research unti, chika chika unti, then nagbasa kami ng Ghost Stories sa libro. Gawin daw bang narrator si Joy? Haha. Fave ko yung MATH TEACHER pati yung LITTLE GIRL. Grabe it gave me spooks talaga! Chill man, may goosebumps ako while Joy read the stories. Ang detalye kasi...

11: 00: Analyzation of SocSci exams. 31/45 ako. Not bad na rin. 10/ 15 ako sa essay. 8/10 sa multiple choice. 13/20 ako sa matching type. We checked the exam per question. Nung nasa 2nd page na kami, dun sa matching type dun sa part A nun, may napansin ang mga kaklase ko, na dun sa paper ni Nica, ung #8 at #10 niya ay tama e samantalang yung amin mali. So ayun we cleared it up with T. Dedz. Turns out, mali pala yung pagkacheck niya nung kay Nica ay yung sa amin yung tama so ako, si Joy, si Tintin, si Jannine and most of my classmates had +2 points sa exams. so 33/45 na ako. Third ako sa highest, 41/45 sina Joy at Tintin eh. Oh well. Better luck next time! AJA! ^_^

Lunchbreak: We were supposed to eat lunch dun sa isang kainan ng isang former teacher sa school na malapit dun sa church kung saan kami magpeperform ng aming play na "ILLIOS" sa Friday, so since malapit yun sa isa't-isa, we decided to ask our adviser kung pwede na kaming lumabas e kaso hindi kami pinayagan kasi school hours pa daw at kesyo sabay sabay daw dapat yung pagpunta. Medyo nairita ako, ang KJ. Err. Oh well wag pilitin kung ayaw ika nga so just went to the canteen and ate lunch. I did my research since hindi ako gutom dahil nagrice ako kaninang recess at wala na rin akong pera. :p

Chikahan ever with Ate Iya and Joi. Ansaya. Kalooka si Jun2. Komedi talaga yun. I bought 4 marshmallows, I gave Jenno one, then 2 for me. Ibinigay ko yung isa kay Justin, hindi pala bigay, kinuha niya kaya binigay ko na. :p He was gonna give me a lollipop later on so win-win situation kami today. Hahahaha...

12: 45: Walking walking from school to the church kung saan may rehearsals kami. Kaluuka papunta dun! Ang bagal namin, may lamay na naman ba? Haha. Yun ang trademark namin eh, na mabagal kami maglakad na parang may lamay. Grabe tawa ako ng tawa. Lalo tuloy sumakit lalamunan ko. :((

Anyway, Apa was eating a cloud9 tapos humingi ako, sabi ko pa dun na lang ako sa side kakagat kasi may kagat na sa taas. So inabot niya yung cloud9 sa akin tapos may sinabi niya na hindi ko naintindihan pero narinig ko naman. Kumagat ako sa side tapos ibinalik ko sa kanya tapos eto sabi niya:

Apa: sa iyo na
Ela: ha?
Jun2: sayo na daw, hindi ka kasi nakikinig eh!
Ela: aahh, o sige *napipilitan* bawal ang chocolates! :P (pero nakadalawang lollipops ako today!)

Ayy hanuvuh isa akong ISANG MALAKING PASAWAY! :P

Jusme at nagsikagatan na sina Jenno, Joy, Terence at Jun2 afterwards! Anubeh hati hati kami sa isang cloud9. I had the last 2 bites. :)

We arrived at the church called EBC ng mga more than 5 minutes to 1 pm. Sarado pa amf. So tambay mode kami sa labas nung church. Anubeh at may dagat ng mga estudyante from LB National High School. Err.

Nag-warm up kami before we started today's sessions. Ansaya. REACH FOR THE STARS fave part ko pati yung MIRROR IMAGE! :p
Then we played a game, PAINT ME A PICTURE. Jusme, LOSER ang team namin. Oh well, losers can still get up and BRING IT ON! win win win! :D

Practice na!

Napaiyak ako dahil naoverwhelm ako sa mga comments na ibinigay sa aking acting. Waahh kahiya...
Hindi ko napigilan. I tried kaso hindi bumabalik ang luha sa tuwing ito'y papatak mula sa iyong mga mata. :'(
Parang kasalanan kapag nagkakamali ka...
Feel ko talaga I always have errors sa tuwing may scene ako...
Err I hate it. :((

I just cried and cried. Buti na lang they tried to comfort me. THANK GOD for FRIENDS! FRIENDS are LURVE! <3<3<3 :D

That was pretty much the highlight of my day. Ngayon lang ako ulit nagkaroon ng isang GOOD CRY ah. Hayy napakaiyakin ko pa rin. Why can't I control my feelings as well as most of them do? I wish I was just like them, mas matatag at mas confident sa sarili. Isang malaking HAYY. :(

WORD FOR THE DAY: wag na sumigaw, tumawa ng malakas at kumain ng lollipop (kesyo isa man yan) kapag masakit ang lalamunan. trust me, i know what'll happen. :P

<3 ela : masakit ang lalamunan + sadyang naguguluhan at ang sarili'y kinaiinisan ng lubus-lubusan. :((
Previous post Next post
Up