Jan 20, 2006 18:17
I woke up earlier than yesterday, kaso lang na-late na naman ako. Tsk3. I know. Habitual na itong pagiging late ko pero I'm really trying my best. Promise. :)
So ayun nga, 5 minutes late ako, kasi supposed to be dapat 7:10 am umaalis na ako sa bahay namin kaso our school is 20 minutes away, and maybe even more than 20 minutes away kasi traffic dun sa crossing. Ang bagal bagal pa man din magpa-GO nung mga pulis dun, parang walang pakialam sa mga estudyante. Hayy nakakainis talaga sila! Pati sa pagtawid you have to wait for them talaga, e ang bagal bagal nila kumilos!!! Grr.
Anyway, nasa baba na kami ng school when I heard the 7:30 bell rang at nainis ako kasi dapat 7:10 pa lang e umalis na ako e kaso napatagal ang aking pagligo kaya ako'y naudlot na naman. Hayy ayoko na ng ganito. Bagong buhay na nga ako sa pagiging ganito ko eh tapos hindi ko mapanindigan. Nakakafrustrate lang kasi. :((
Wala kami masyadong ginawa today, kaya nakakabore at nakakaantok. Especially boring (well not really that boring) yung part na nanood kami ng Hamlet, eh vcd yun kaya walang subtitle, kaya hindi talaga namin maintindihan yung story kahit na ba sobrang tahimik namin dahil wala talaga kaming maabsorb. Masyado kasing complicated yung story nun, kaya nga ang sabi ko mas gusto ko pang basahin yun kesa panoorin or dapat yung pinanood namin ay yung dvd para may subtitles. Anubeh e sanay kami sa korean movies na may subtitle eh kaya kami naghahanap ng subtitles! Haha. Ang demanding namin noh?
1st disc lang nung Hamlet yung natapos namin. Gutom na gutom na ako at that point e past 9 am pa lang, our break is not until 9:30, so hinanap namin yung lit teacher namin. Wala siya sa taas so pumunta kami sa baba, we found her kaso andun pala siya sa 4th year room, e may debate siyang ginegradean so hindi na namin siya muna inistorbo. We just found ourselves walking kung saan man mapadpad yung aming mga paa kasi wala kaming magawa e ayaw naman naming kumain na kasi hindi pa naman kami nagpapaalam. Our other classmates nga eh sinasabihan kami na wag muna kaming umalis (akala nila kasi kaya kami aalis dahil gusto na naming kumain), at nainis ako. E kasi naman sila rin naman ganun kapag math time eh, they're so unfair. Grr nakakainis talaga sila.
So ayun, later on, lumabas ng 4th year room yung lit teacher namin at nagrequest kami ng early lafang time, at pumayag siya. Yey! Ayy grabe tomgu na talaga ako nun! Sobrang gutom. Before we went to the canteen, siyempre pinasabi na namin sa aming mga kaklase na nasa classroom pa na pwede na kumain kaso ayaw nila. Hmpf ang aarte nila. Bwiset!!!
We ate spaghetti ang chocolate shake. Yum! Ngayon lang ako ulit nakakain ng spaghetti sa canteen kaya nilubos ko na yug pagkain ko. Hehe. Tapos nabrainfreeze ako dahil dun sa shake kaya hindi ko siya naubos. Ako rin yung may kasalanan kasi nagmamadali ako sa pag-ubos nung shake e 10 am pa naman yung tapos ng break namin so why was I hurrying? Hmmm...siguro kasi I wanted to see them. Haha ang landi ko na! :P
Yes them. It is about time na kinwento ko sila sa inyo. Kasi diba dun sa previous entries ko may 1st batch ng koreans sa school namin? So ayun, this time, yung THEM ay yung 3 cute na korean guys na kasama dun sa second batch ng mga koreans sa school. 4th year silang lahat kasi late sila sa korea. Gets? Basta yun na yun. Hehe, di rin kasi namin magets yun age thingy nila eh. Basta ang weird talaga. Hehe!
Anyway...
Yung pinakagwapo sa kanilang tatlo ay si Gene. Sobrang gwapo nun tapos 15 yo lang siya. Siya yung one of my first original crushes e kaso ang dami na may crush dun kaya medyo ayaw ko na makihati pa. Hehe. Pero crush ko pa rin siya.
He has a sister yata pero siya yung eldest. He has reached France, Italy at iba pang countries. Grabe ang susyal. Mayaman kasi sila. Ang story pa nga dun e kaya siya nakipagbreak dun sa ex-gf niya kasi napapagastos na siya. So malamang e yung girl ay medyo nang-aabuso na sa kanya. Tsk3. Sayang naman sila, e more than 1 year naging sila eh. Tsk3. Mabait yun si Gene tapos makulit. Sayang hindi namin siya kaklase pero ka-age namin sila. So sa korea yata e college na dapat siya. Ang weird talaga promise.
Yung second pinacute sa kanilang tatlo ay si John (pronounced as Jon, bale silent H). 14 yo lang yata yun. Dunno his family background. Mabait yun, tapos ang liit ng mata niya kaya nakakaaliw. Hehe. Friendly yun sa mga kakilala niya by face and by name e kaso hindi niya ako kakilala sa face or sa name kaya nakakalungkot. Hehe. Kasi kapag kilala ka niya e magha-hi talaga sayo yun kapag nagkita kayo. Promise! Ang swerte nga nung isa kong kaklase na guy eh, lagi siyang hina-hiyan ni John e samantalang kaming 2 girls e hindi niya hinahiyan, hindi kasi kami magkakagroup. Ayy grabe yung guy classmate na yun e laging pinapansin ni Gene at ni John! Waahh andaya! Hehe. Lumalandi na talaga ako.
The third at not the least cute is JOSEPH!!! 14 yo lang yata yun. Ayy nakalimutan ko yung age niya. Anubeh. Basta mabait din itong si Joseph. Siya yung pinakacrush ko sa kanilang tatlo. He may seem nerdy and all kasi may glasses siya tapos ang tahimik niya pero in reality he is so much more than that. Magaling siya sa english at mahilig siya sa history kaya plus points yun. Tapos sporty din yun at maporma. Ang bait bait nun. Sa kanya na lang ako kasi puno na yung pila kina Gene at John. Hehe. Pero crush ko silang tatlo. Waah three-time crusher ba? Watta term. Err.
Anyway, ayan nakwento ko na. Basta may mga moments pa yan e kaso next time na lang kasi mapapahaba na naman itong entry ko kasi naeexcite ako magkwento.
After snacks, our teacher in soc sci went to our classroom tapos nagreport na yung mga kaklase kong 4 na hindi natapos last time. We reported about the prominent people in the scientific revolution kasi e kaso hindi na sila umabot sa time. Madugong report yun kasi mahaba haba yung sa iba edi ang hirap magnotes pero mabuti na lang at ang kailangan lang naman e yung contributions nila as what, so medyo yun na lang yung pinagtuunan namin ng pansin kasi baka daw magkaroon kami ng information overload. After the reports ibinigay na sa amin yung coverage nung exam at stinress-out sa amin na kailangang naming mag-aral nung mga nireport ng mga kaklase ko. Pero ang catch dun ay 10 people lang yung kasama dun sa exam. So it is a way of forcing us to study na rin. Ayus lang naman sa amin. :D
The Chronicles of Narnia was showing in our Audio Visual Room, which is next to our classroom. Pwede daw kami manood since wala kaming gagawin. Pero hanggang 11 am lang daw. Huhu. P2 yung bayad, pero yun yung NARNIA na NEW ha, hindi yung old. Pero siyempre DVD na pirated yun pero infairness maganda yung kopya pero mas enjoy yun kung sa sinehan diba? Sayang yung impact nung effects kung sa tv ka lang manonood eh. Oh well. Hindi namin tinapos kasi 11 am may gagawin kami. Pero lumagpas kami ng 11 am dun sa panonood namin ng Narnia kaya medyo na-late kami.
Oh well my lit teacher just gave the coverage of the exams on monday. Then she made us write our journals for the week. Ang daming nangyari sa akin for me to write it all is torture na yata. Haha. Basta sinipag akong magkournal e kaso malapit na magtime kaya iniksian ko na lang. Binabalak ko pa man ding punuin yung intermediate pad ko ng sulat na back to back kahit na masakit siya sa kamay. Basta I really LURVE writing talaga. Halata naman eh diba??? :P
Tapos ayun. We went home na. Kasi I wanted to rest na rin then study later on. Kakagising ko lang kaninang 4 pm pero 5 pm na ako bumangon sa kama. Nakakatamad kasi bumangon eh. E kaso natakot ako dun sa sinabi sa akin ng nanay ko na sasakit daw ang ulo ko kapag gabi na ako gumising so gumising na ako. 4 hours of sleep din yun.
Ang sarap ng feeling. Ngayon lang ako ulit nakatulog ng ganoong kahaba. I wanted to gala today e kaso nga may exams on monday chaka wala akong kagimmick na kasama. Mag-aaral din yung mga friends ko so ayun. Ang init init e nakablack shirt ako. So pinawisan talaga ako when I got home tapos inom ng tubig syempre. :) Then kumain ako ng lunch and I bought load kasi may itetxt ako. Then I went to our (my ate jenny shares it with me) room para humiga. Then nakatulog ako. Mag-aaral na ako mamaya. Madugo ito especially sa biology at social studies. Lalo na sa bio.
Sana maraming information na tumatak sa utak ko. Tulungan niyo po ako, ito ang aking isinasamo...
WORDS FOR THE DAY: STUDY REAL HARD. ABSORB THE NECESSARY INFORMATION.
AJA AJA! (go, go! in english) ^_^