HAHAHA PUCHA. Sabi na si Dela Cruz talaga may balat sa pwet! Di kami makahanap-hanap ng trabaho pag siya nakaupo sa computer. Ayun! May nahanap na rin kami actually kaklase pala ng tatay ko dati yung may-ari ng kompanya kaya di na kami i-interbyuhin at kung ano-anong shit at magsisimula na kami sa Lunes. Tangina. Magkano kaya sweldo? Si Dela Cruz may mga hinihirit pang gas allowance, kala mo may kotse e no?
Sa Makati yung opisina. Ngayon, para di kami lamunin ng buhay sa MRT, kailangan namin gumising ng maaga kung magdadala kami ng sasakyan. Yung may-ari, mukhang tumawag agad sa magulang ko na nag-apply kami dun sa kompanya nila. Maiyak-iyak yung nanay ko sa tuwa. Hahahaha. Pucha. Hindi daw niya inakala na darating yung araw na magkukusa akong ayusin ang buhay ko at kung ano-anong shit. Sa sobrang eksaytment niya luluwas daw siya bukas. mamimili daw kami ng mga damit at kung ano-anong shit para di naman ako nakakahiya pagpasok namin sa Lunes
Pucha. Di pa ako nakakapasok sa opisina bukod sa opisina ng tatay ko (at sa bahay lang namin yun). Ano kaya mangyayari? Buti pa si Dela Cruz nakapagtrabaho na dati.
***
Hindi naman ako maghahanap ng trabaho kundi dahil sa nanay ni Abnoy. Grabe, nung nalaman niya na kami ni Abnoy kala ko magagalit tapos isasama na si Abnoy sa Australia. NATUWA PA ATA. Basta alagaan ko lang daw ang anak niya, igalang... PAKASALAN SA SPAIN! PUCHA. Di ko alam kung nire-reverse psychology niya lang kami para magbreak kami. Pero mabait naman siya. Yun lang hanep sa imagination. Itira ko daw si Abnoy sa Bacolod para tahimik, kasama ng mga baka at kabayo. WOW. Ano to, pelikula?
Ayun, nakapangako ako sa kanya na aayusin ko ang buhay ko. Maghanap daw ako ng trabaho, para pag naging Architect Miguel Angelo Del Rosario na ako, magiging sobrang proud sa akin si Abnoy.
Putangina. Ano ba tong pinasok ko?