Kahapon pa kami dumating pero medyo gabi na. May bahay (compound?) yung pamilya ni Abnoy dito at syempre saan pa kami tutuloy di ba? Hehe. Ayun. Lolo, Lola, at Auntie (na matandang dalaga) ang inabutan namin dito. At tae, ibinigay sa akin yung kwarto ni Yael! Bastos na Auntie niya yun, hiniwalay na nga ako ng kwarto antagal pa matulog!! Alas-tres na gising pa >_>
Ang bait ng Lola ni Abnoy sana ganito rin Lola ko, nanahi lang, nag-aayos ng halaman...! Tsaka ang galing, marunong siya mag-Kastila. yung Lolo niya parang abnormal din ata, di ko maintindihan yung mga sinasabi. Alam ko na kung kanino nagmana si Abnoy :|
Pupuntahan namin sila Tin mamaya! Wala lang, bakit ba parang ang excited ko?
***
Nakakatakot din dito! Napanood ko dati yung Shake, Rattle and Roll na andun si Manilyn Reynes at Isabel Granada... parang magkaibigan sila tapos dinala ni Isabel si Manilyn sa probinsiya nila tapos aswang pala yung buong baryo! Nakakatakot pa tong mga kamag-anak ni Abnoy, parang kulang sila lahat sa dugo, ampuputla! Baka kainin nila ako ._. E di ko naman kayang hampasin sa ulo si Abnoy at ibalot sa kumot tapos tumakas kasama ni Aljon. :|