Bakit ba parang ang excited ng lahat na magtatrabaho na ako? Nanay ko lumuwas, andaming dalang kung ano-anong shit.
Tangina, relo. Di nga ako tumitingin sa orasan e. DALAWA PA!
At mga bolpen :/ di man lang Rotring o Staedtler. Ano naman silbi nito sa trabaho ko?
Tapos andaming pinadala na sapatos at damit sa bahay kanina. Seryoso, aanhin ko ang 30 na kurbata? At ang korni pa, dapat daw lahat na ng medyas ko mahaba at grey o itim. NAMAN. Paano na yung peyborit kong medyas na may istraypi na dilaw at pula?
Nasira nga pala yung cellphone ko nung isang araw (dahil sa trak ng basura... mahabang kwento). Tapos kanina pag-akyat ng nanay ko para matulog, may inabot sa akin si Abnoy.
Kamukha nung cellphone niya, hehe (pero yung kanya pink). Salamat. Paano ba gamitin to? @_@