School Stuff

Jun 21, 2006 08:51

Noong nakaraan na Lunes, nagpakita na sa amin ung mga professors namin sa Research Method at Theology. Okay naman ung prof namin sa Research Methodology, kahit na medyo sablay yung boses niya. :) Malupit naman ung sa Theology namin, kulang na lang sabihin niya na may galit siya sa mga estudyante. Bale mo kung wala ka daw dalang libro sa klase niya, absent ka na at kung may exam makita niya lang na lumingon ka sa kaliwa o sa kanan, cheating na yun para sa kanya. Sa nakikita ko, siya ang isa sa mga professors na magiging mahigpit na kalaban ng buong klase namin. Kaya 4H3, goodluck na lang sa atin. Kidding.

Sobrang ganda ng alis ko dito sa bahay kahapon. Bale mo 11:30am ang klase ko, umalis na ako dito sa bahay 11:30am. Haha. Buti na lang wala si Sir Bautista kaya hindi ako late. Ligtas ako. :) *giggles* Since wala ang professor, nagpasya na kami kumain. Dumayo kami sa Greenwich Morayta para kumain. Dahil sa sobrang gutom, ang dami kong kinain dun. Halos wala na yatang natira sa allowance ko dahil sa pagkain. Hehe. Okay lang at least busog ako. Pagkatapos kumain, dumaan kami sa St. Thomas Square para mag-strolling. Okay naman ang paglilibot namin, bumili si Budai ng bagong slippers na sobrang cute. Pagkatapos nun, sinubukan naming ung nakita naming KTV. Okay sana ung pagkanta namin kaso nga lang ung mga videos na pinapakita sa bawat kanta puro mga babae na kulang na lang maghubad silang lahat. Wow, parang nasa beer house lang kami. Haha. Isa lang ang kinanta ko sa nasabing KTV chuva: "Angel of Mine". Ganda nga ng banat ng mga kaklase ko habang kumakanta ako.

Sila: Sinagot mo na ba siya?
Ako: [kumakanta] Huh? Hindi..
Sila: Sabihin mo na kasi. Angel-angel ka pa diyan
Ako: [kumakanta pa rin] Hindi nga eh. Ang kulit naman.

Pagkatapos namin sa Beer House este KTV Chuva. Bumalik kami ng school para sa 2:30pm class namin which is HRM 111, kay Ma'am Torres. Sakto nga ung pagdating namin dahil nagchecheck na siya ng attendance. Bilang requirement sa kanyang klase kailangan namin magpresent ng isang topic for 15 minutes. Dapat ang topic namin ay related sa course namin. Medyo nahirapan ata ang klase namin na magisip ng topic kaya siya na lang ang nagbigay kung ayaw pa rin namin ung topics aba bahala na kami sa mga buhay namin. Bale may nagustuhan na akong topic na binigay niya kaso naman naunahan na ako ng kaklase ko kaya ibang topic ang napunta sa akin. |Top 11 Food Trends| Sabi ng prof, meron na daw un sa internet ako na daw bahala magpaganda nun whatsoever. Hindi pa nga ako nakakapagumpisa parang gusto ko na sumuko. Ewan. Parang kasi nakakakaba na ewan. Ah basta, kayang-kaya ko siguro ito. Hehe. Pagkatapos ng HRM 111, Ethics class naman with Sir Bong. Okay naman siya maglecture so far, magaling siyang maghawak ng klase para sa akin. Naks. :) Pagkatapos ng klase, umuwi ako agad sa bahay dahil inaantay ako ng pinsan ko para sa lakad namin sa Divisoria. Muntik na nga kami hindi palayasin ni Dad dahil medyo gabi na yun delikado but still pinilit pa rin namin umalis. Sarado na ang Prime Block at 168 nang dumating kami kaya libot-libot na lang kami hanggang sa makabili kami ng mga kailangan ni pinsan. Pagkatapos namin mamili, dumaan kami sa Mcdo para mag-CokeFloat break then pumunta kami sa shop ni Matchix/Dexter. Ayun nagkita kami ni Mew. Usap-usap kami sandali magbabarkada hanggang sa narealized ko late na. Ayun nagpasya na kaming umuwi ng pinsan ko. Sumabay na sa amin si Mew dahil doon din ang daan niya pauwi sa kanila. :)

Habang ginagawa ang update na ito pinakikinggan ko ung mga songs galing dun sa album na "Once on This Island" kung inyong natatandaan ginamit namin ito para sa musical play namin sa Humanities Class dati. Nakakamiss na nga eh. Kapag may free time siguro ako papanoorin ko ulit ung video namin dun. Hehe.

Bago magtapos... hehe.. share ko lang ito sa inyo.. :)

Sige na, kailangan ko na magreview para sa quiz namin sa Accounting mamaya. Later. :)
Previous post Next post
Up