Sorry hindi ako nakapagupdate nung weekend medyo busy kasi ako eh. Hehe. Wala lang.
Last Friday natuloy kami ni Mew na manood ng sine. Kahit na kaming dalawa lang ang lumabas that day, masaya naman ang naging bonding namin pero iba pa rin kapag kumpleto kami. Mas masaya. Hehe. Okay naman ung movie na "The Lake House", matindi ang pinakitang chemistry nila Keanu at Sandra akala ko nga unang movie nila ito parehas pero sabi ni Mew sa akin, second movie na nila na ito na magkasama. Bale nagsama na sila before sa movie na "Speed" sabi niya sa akin which is true talaga based on my research kanina. Galing mo Mew. Hehe.
Nung Sabado naman, maaga kaming umalis ni Mama para pumunta sa Makati. Wala lang may inasikaso lang siya sa Pag-ibig. Hehe. Kasabay nun nagkita kami ng panganay kong kapatid kasama ng asawa niya. Ayun kwentuhan na naman kami to the max. :) Pagkatapos nun, bumalik kami ng bahay at kami naman ang umalis ng pinsan ko papuntang Recto para bumili ng libro. Sobrang dami ng tao nung araw na yun. Muntikan na akong mahilo good thing may kasama ako nun. Hehe. Pagkatapos namin bumili ng libro bumalik kami ng bahay para manood ng Eat Bulaga. Matapos ang Eat Bulaga, umalis na kaming lahat para pumunta sa bahay ng Tita ko sa QC para icelebrate ang birthday ng pinsan kong si Josef. Okay naman ang nasabing event. Bonding-bonding kaming mga bagets: Tito Manuel, Tito Jojit, Kuya Len2x, Ronron, Ate Rhea, Junalyn, Earl, Pipoy at siyempre kasama na ako dun. Hehe. Medyo napasabak nga kami sa inuman eh. Naubos namin ang isang long neck na Tres Cepas. Medyo tinamaan ako konti pero ayos lang, keri ko pa rin ang sarili ko. Hehe. Sana makapagbonding ulit kaming mga bagets. Hehe. Share ko lang ung mga pix namin. :)
Birthday Cake ni Josef. Waaaiii... Chocolate! :)
Senior Citizens. Hehe. Kidding.
Kuya Len2x with his Boyish Sister.
The Twins and The Birthday Boy
Me and My Hipag. ;)
Birthday Boy in Action
Mah Twin Sister and Her Kids
Me and Kuya Len2x
Kuya kong Pa-Cute. Hehe
Me and Mah Bubbly Cousins
Kahapon naman, maaga kaming pumunta sa Cavite. Ayun super tulog kaming mga bagets sa sasakyan. Hanggang sa pagdating sa bahay. Pinakain muna kami ni Papu ng agahan at ayun tulugan na. Simple lang ang pagcecelebrate namin ng Father's Day. Nagluto ng masarap na lunch sa amin ni Dad tapos TV Bonding na kaming lahat. :) Thanks for everything Dad. I really, really love you so much. :) Hmm.. Belated Happy Father's Day pala sa lahat ng mga Tatay sa mundo especially to my Tito Teddy, Tito Freddie, Tito Manuel and Kuya Alfie. :) Too bad hindi ko mailagay ung ginawa kong picture chuva dahil nagloloko photoshop ko. Huhu.
Ayun lang. I have to prepare nah. Maaga kasi ako papasok para maglibrary dahil sobrang hirap hanapin sa internet ung homework na binigay sa amin ng professor namin sa BA. Sarap saktan.