Hmm.. Pansin ko lang lagi na akong naguupdate ng blog. Hehe. Wala lang. Kagigising ko lang sa ngayon at eto nasa harap na naman ako ng computer para macheck ng email at magupdate na rin. :)
Dumating lahat ng professors namin kahapon. Para sa Law 1 namin si Sir Bautista na naman ang professor namin. Wow sa lahat ng Law na kinuha namin siya ang professor namin, siyempre favorite niya ang section namin. Hehe. Joke lang po Sir. :) Tapos sa HRM 111 si Ma'am Torres ang professor namin, bale hindi si Ma'am Mel na Torres ung prof ibang Torres siya, nakalimutan ko lang ung first name niya. Ang sama ko. Hehe. At sa Ethics Class namin, si Sir Bong na first time namin magiging professor. Okay naman ung first day namin sa kanila. Konting chika-chika lang about sa subject and the rest is history.
Pumunta si Mew sa school kahapon para sunduin ako. Medyo late nga ang mokong pero ayos lang at least nakita ko siya. Walkathon ang ginawa naming dalawa na may konting sakay-sakay. Kung saan-saan kami napadpad. From UST, nakarating kami ng PUP, sa dorm ng kaklase niya at ang last destination namin sa SM Sta Mesa. Libot-libot lang ang ginawa namin sa mall saka tumingin din kami ng movie na pwedeng panoorin. Nagulat nga ako dahil showing na ang The Lake House ni Keanu Reeves at Sandra Bullock. Akala ko kasi Coming Soon pah. Hehe.
The long wait is over Tenten. Pwede mo na siyang panoorin. :) Habang tinitignan ko ung poster nung movie humirit sa akin si Mew.
Mew: Gusto mong panoorin yan?
Me: Huh? Oo, kahit ako lang magisa masaya na ako. Keanu ata yan.
Mew: Sa tingin mo papayag ako? Hehe
Me: Ngek.. Hindi bakit sasamahan mo ako?
Mew: Sige bukas panoorin natin yan.
Me: Huh? Sige. Ikaw bahala.
Ayun nga, may date kami mamaya ni Mew. Medyo kinakabahan nga ako eh. Well, we usually go out talaga nung bago magpasukan pero hindi talaga date yun. Wala lang. Bonding-bonding lang at kasama pa namin ung kapatid ko at ung barkada namin. Pero ung kami lang. Parang first time. Hehe. Hindi na ako makapaghintay. Excited na ako sa movie hindi sa date namin. Joke. Ehehe. Bahala na mamaya. :)
I guess you're wondering who's this Mew in my life. Bale kabarkada siya ng kapatid ko na schoolmate ko dati nung haiskul. Akala nga ng mga tao sa paligid namin kami daw, pero hindi po. Mahalaga lang siya sa akin at mahalaga din ako sa kanya, that's it. Hehe. :)
Sa ngayon nanood kami ng kapatid ko ng Game 4 ng Miami at Dallas. Mukhang hindi namin tatapusin ung laro dahil parehas kaming may pasok. Balak nga ng kapatid ko na hindi pumasok para sa game. Pasaway. Hehe. Speaking of basketball, Game 5 na rin mamaya ng Ginebra at Red Bull. Manonood ata ung mga friends ko sa Araneta pati na rin si Papu ko manonood. Hehe. Kamusta naman un. :) Kung sino man ang manalo sa kanila. Deserving sila makapasok. :) Kaya goodluck na lang. ;)
May family gathering na naman ang mga Martin bukas dahil birthday ni Josef. Sana kumpleto kaming lahat bukas ang alam ko kasi si Kuya Len may work pero si Ate Rhea ung girlfriend niya darating para tulungan ako sa pagoorganize ng party. Tapos ung bunso naman namin si Ron may pasok at hahabol na lang daw. Tapos ung iba naming kamag-anak, ewan ko na lang. Sana maging masaya yung party bukas. Hmm... Bukas din pala ang birthday ni Mew. He's turning 17 na. We're planning to be together on his birthday pero hindi pwede dahil sa family chuva namin. Sinasama ko nga siya pero hindi siya pumayag. Natatakot daw. Hehe. :) Sabagay, ayaw ko din siyang dalhin dun baka ano kasi isipin ng mga tao. Advance Happy Birthday Mew! :) *mwahuggles*
Sige na, kailangan ko na magpaalam muna dahil maghahanda na ako for school. Happy Weekend everyone!