Sana hindi na lang ako pumasok kanina. Expected ko papasok lahat ng professors namin, aba isa lang ang nagpakita sa amin. Yung professor namin sa Managerial Accounting ang aking all time favorite na si Sir Ligan. Hehe. Sandali lang siya sa klase namin dahil wala siyang nakahanda na lecture para sa amin. :) Ayos. Hehe. Sana sa darating na Friday pumasok na yung ibang professors namin. :)
Since wala ang mga hinayupak na professors pumunta kami ng kada ko sa SM Manila para tumambay at kumain. Sa Greenwich kami kumain. Nanghinayang ako sa ginatos ko dun dahil hindi ako nabusog. Potah. Sana hindi na lang ako nakipagshare kina Jen at Jem. Hehe. Pagkatapos namin kumain, ayun window shopping na lang kami. Bumili ako ng scrapbook worth 200php. Dun ko kasi plano ilagay lahat ng mga pictures nung haiskul ako. Hehe. Wala lang.
Medyo nagkaroon ng konting gulo sa amin ni Mew. Buti na lang inayos namin ito agad sa pamamagitan ng isang matinong paguusap. I guess curious kayo kung sino na naman itong Mew sa post ko. Basta sa susunod ko na lang sasabihin kung sino siya. :)
Pagkatapos namin kumain ng hapunan ng pinsan at kapatid ko. Nanood kami ng Kapamilya Deal or No Deal sa Channel 2. Hindi namin naumpisahan ang chuva, halos lahat na ata ng briefcases nabuksan na nila. Pero wala akong pakialam sa briefcases na un o kaya sa show talaga. Ililipat na sana namin ung TV hanggang sa nakuha ng atensyon ko ung pagmumukha ng contestant. Noong una sabi ko, "potah parang kilala ko ito ha.." Sabi ng mga tao dito "imbento ka na naman", react na naman ulit ako.. "hindi nga.. kilala ko xa.. hindi ko alam kung paano.. banggitin lang ni Kris ang name niyan baka maaalala ko" Hanggang sa nabanggit nga ni Kris ang name nung contestant. John Earl daw. Tama nga ako kilala ko ang mokong na yun. Bale nakilala ko siya sa Weareanime, ka-chatmate ko from San Beda College. Hindi nga ako makapaniwala kaya chineck ko kung siya talaga sa pamamagitan ng pagtawag sa bahay nila. Buti na lang buhay pa ang telepono nila at siyempre nakausap ko din siya. Tama nga siya nga ang Earl na nasa KDOND na ka-chatmate ko. Sandali lang kami nagusap dahil busy siya sa Victory Party niya ata un sa bahay nila. Thank God kilala pa niya ako kahit na medyo matagal na rin kami hindi nakakapagusap. Thanks Earl for remembering me. Congratz dude! :) Keep in touch, alrighty!
Hmm... Share ko lang ung pics ni Earl nung nasa taping siya ng KDOND. Galing po ito sa blogness niya. Thanks again Earl. :)
Sana may magpakita na professor sa amin tomorrow. Goodnight everyone!