Jun 13, 2006 09:30
imula na ang pasukan namin bukas. Medyo excited na ako dahil sa wakas may pagkakaabalahan na ako. Boring na kasi dito sa bahay kaya gusto ko may ginagawa na ako kahit gaano kahirap wala akong pakialam. Ehehe.
Kahit na 22 units na lang kami medyo bigatin ang mga subjects na itatake namin. Mayroon pa kaming isang major na itatake at wala akong idea kung ano pa yun pero for sure ngayon semester na ito wala na kaming laboratory. Hehe. Dagdag pa diyan ang Managerial Accounting at ang mas malupit na Thesis. Harhar. Walang kaduda-duda na si Ma'am Mel na naman ang maghahawak sa amin sa Thesis. And I guess the same groupings na naman kami. Waahhh... Ayaw ko na maging leader ulit... As in ayaw ko na talaga.
Speaking of break... matapos ang isang taon naming pagsasama ni Jefferson. Nagpasya na kaming maghiwalay na. Napagisipan kasi namin na kung patatagalin pa namin ito walang mangyayari sa aming dalawa. Alam ko mahirap ang ginawa naming desisyon pero ito ang makakabuti para sa aming dalawa.
Hmm... Well yun na muna sa ngayon. Kailangan ko kasing maghanda para sa lakad namin ng pinsan ko. Bibili kasi kami ng mga gamit namin for school. Kaya sa mga may mga pasok na diyan ngayon goodluck po sa inyong lahat. Ingat po kayo!