Latest Updates. XD

Jun 02, 2006 15:43

Hindi ko namalayan ang pagpasok ng buwan ng Hunyo. Ilang linggo na lang at pasukan na. Kamusta naman di ba? Hehe. Medyo pinahuhuli ko na kayo sa mga latest na happenings ulit sa buhay ko. Kaya eto nagpagisip-isip ko na magupdate para lang sa inyo. ^^

May 27, 2006 |Pictorial Chuvaness and Parents Anniversary|

Hmm... 21 years na nagsasama sila Papu at Mamu. Bilib din ako sa tibay ng kanilang relasyon kaya nga masaya at proud ako sa kanila. Kahit anong bagyo ang dumating sa kanilang dalawa, nananatili silang matibay para sa amin. Mahal na mahal ko po kayong dalawa. Masaya ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad niyo. Naks.

Kasabay ng anniversary ng parents ko ay ang pictorial ng Education Journal. Noong mga nakaraan na pictorial hindi ako nakakasama dahil its either may special event sa bahay o kaya hindi ako pinapayagan nila Mama. Natural last year ko na sa USTe at sa Education Journal nakiusap na ako kina Mama na payagan na ako sumama. Buti na lang at pinayagan nila ako. Hehe. Maaga akong umalis ng bahay para i-meet ang mga kasamahan ko sa nasabing organization. Bago magpictorial ay nagkaroon muna kami ng General Assembly. Dumami nga kami ngayong darating na school year na ito, okay na yun para marami ang papalit sa amin paggraduate namin next year. Harhar. :) Pagkatapos ng assembly, pumunta na kami sa studio na pagdadausan ng pictorial namin at sa QF Studios yun sa may Commonwealth, QC. Super memorable ang pictorial na yun para sa akin dahil naaliw ata sa akin ung photographer na kumuha sa amin. Nahihirapan kasi ako magpose eh, kaya ayun pinaikot-ikot niya ako hanggang sa makuha ko ang tamang pose. Hehe. :) Sana makuha agad ung CD na naglalaman ng pictures namin. Don't wori ipopost ko yan dito kahit na pangit o hindi. Hehe.

May 28, 2006 |Family Day|

Bonding-bonding kami mga Martin sa bahay nila Tita Tet para icelebrate ang anniversary ng parents ko pati na rin sila Tito Freddie at Tita Tet. :) Kumpleto kaming magpipinsan bukod kina GEm na nasa Saudi at Ina na nasa Claveria naman. Wala lang, naglaro lang kami ng Playstation 2 at nagchikahan ng konti. Basta masaya talaga. Hehe.

May 29, 2006 |Wanted: Katulong|

Since umalis na ung kasama namin dito sa bahay kailangan namin maghanap ng panibago para sa darating na pasukan. Tinulungan kami ng katulong ni Tito Teddy na si Ate Gina na maghanap ng makakasama aba tuwang-tuwa kami ng sinabi niya sa amin na meron na siyang nahanap kaso dalawa-dalawa ang nahanap niya. Baliw nga eh. Isa lang ang kailangan namin, kinausap nga ni Mama ung isa kung pwede siya lang aba sabi niya kay Mama "gusto ko po sana dalawa kami?" Haller, ano naman ang gagawin namin sa dalawang katulong eh super dali lang ng mga gawain dito sa bahay kaya ayun nagdecide kami na huwag na silang kunin. Hehe.

May 30, 2006- May 31, 2006 |Kaya Kahit Walang Manang|

Since wala pang nahahanap na katulong, kailangan namin magtulungan ng bunso kong kapatid sa mga gawain dito sa bahay. Naghati kaming dalawa sa mga gawain dito. Siya ang taga-laba at taga-plantsa ng damit. Samantalang ako naman ang taga-linis, taga-luto, at taga-hugas ng mga pinagkainan. Hehe. Buti na lang minsan ay tinutulungan kami ng pinakakamahal naming kabarkada na si Gab. Hehe. Salamat pare ha. :)

June 1, 2006 |Good News: May Manang Na! Enrolment Day Depressed|

Kagabi ay sinabi sa amin ni Mama na may nahanap na silang katulong at darating siya sa darating na Linggo. Aba, nakakatuwa ang balitang iyon dahil libre na kami sa wakas! Harhar. Pwede na kami umalis dahil may bantay na dito sa house. Yipee.

Ngayong araw na din ito ang enrolment namin. :) Kasama ko si Mama dahil credit card ang gagamitin namin pambayad ng tuition fee ko. Buti nga bumaba na ang tuition ko ngayong semester na ito. Dati-dati ay pumapalo ng 40K ang tuition ko ngayon 31K na lang. Hehe. Sobrang pangit nga ng schedule ko eh. MWF 12pm-6pm TTH 11:30am-5:30pm. Mukhang dadami na naman ang absent at late ko nito. Harhar. :) Wala lang.

Pagkatapos ng enrolment, umuwi ako ng bahay para makipag-jammin' sa mga katropa ko. Balak kasi namin bumuo ng banda. Ala lang, trip2x lang namin. Harhar. Next week nga ay naka-schedule kami pumunta sa studio para tumugtog. Hihi. Bale sa banda na ito, ako ang kanilang pinakamamahal na vocalist, at nagiisang babae na miyembro. Wala namang kaso kina Mama dahil hindi naman daw masama ang mangarap. Hehe. Actually, wala na kaming balak maging Hale or kahit anumang banda sa mundo. Gusto lang namin tumugtog at magsaya. Yun lang. Goodluck sa amin.

Hindi ko akalain na sa isang pagsisinungaling ay magagalit sa akin si Hamtaro. Grabeh.. iyak nga ako ng iyak kagabi dahil sa nagawa ko sa kanya. Nagsorry na nga ako ng ilang beses pero wala pa rin. Hindi niya ako pinatawad. Ni hindi nga siya nagreply sa mga text ko. Bahala na siya sa buhay niya. Basta ako nagawa ko na ang parte ko, bahala na siya gumawa ng kanya. Hmp. Kaya ko siyang tiisin at kaya kong mawala siya sa akin kahit kaibigan ko lang siya. Peste.

Bukas na pala ang Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition, pinagdadasal ko na sana ay manalo si Gerald Anderson. Naaawa nga ako sa kanya kagabi dahil pinarusahan siya ni Big Brother. Ang tigas naman kasi ng ulo niya eh kaya ayan. Hehe. Goodluck!

Happy Birthday pala sa Mama ni Bhabybhie. Nakalimutan ko na ung name niya. Harhar. Happy Birthday po! Salamat sa mga nagawa niyo po sa akin. *huggles*

Happy Weekend everyone!!! :)
Previous post Next post
Up