Jun 28, 2006 08:42
Maaga akong aalis ngayon ng bahay dahil may naka-schedule kaming Retreat Orientation ng 10am sa school. Tinatamad nga akong umalis ng maaga pero sabi ni Ma'am Mel, required kami pumunta. Para wala ng gulo aattend na ako. Hehe. :)
Nagtataka siguro kayo kung bakit ang aga ata namin magkaroon ng orientation para sa retreat. Bale kasi ung retreat namin kasi gaganapin na next week from July 5 to July 7 sa Caleruega, Batangas. Sa totoo lang ayaw ko umattend sa nasabing retreat. Sabihan niyo na akong maarte, ayaw ko talaga. Pero dahil sa convincing powers ng pinakamamahal kong Emma. Sasama na ako sa retreat. Sana kumpleto kaming magbabarkada dun para masaya. Hmm... basta ang usapan magpapakabait ako sa retreat na yun kung hindi nila kukunin ung celphone ko. Hehe. Pero ang sabi ni Sir Ligan hindi nila kukunin ung mga celphone namin basta huwag lang daw kami gagamit during retreat hours. Buti naman. At least hindi ko masyadong mamimiss ang pamilya ko at si Mew. Hehe. :) Plano nga namin magbonding together bago ako umalis para sa retreat pero hindi pa namin alam kung kailan. Bahala na. Hehe. Sabagay bukas, magkikita pala kami dahil may practice kami para sa banda kuno namin. :) See yah tomorrow Mew. ;) Btw, salamat sa time na binigay mo sa akin kahapon at sorry din kung hindi tayo nakapagtextmarathon, badtrip naman kasi ang smart eh ang tagal ng responde. :) Salamat talaga. And lastly, i miss you. Kilig na siya. Joke lang po Kuya Mew. Hehe.
Pano, kailangan ko na maghanda ayaw kong malate sa orientation. Nakakahiya. Hehe. Ingatz. :)