para akong tae / i feel like shit

Dec 30, 2007 15:51

kahapon, paggising na paggising ko pa lang, eh masama na pakiramdam ko.feeling ko e parang nakipagsexy time ako sa elepante matapos uminom ng isang pitchel ng beer.[ows?kung magsalita e parang naexperience na nya e no?] wala naman talaga akong balak na gawin para sa araw na yun.ang naiisip ko lang na gawin eh tumambay sa bahay, as usual, magcomputer magdamag at palipasin ang oras at matulog uli.pero, ginising ako nang maaga ng aking ina at ng aking lowla at pinilit akong sumama sa kasal ng isang distant relative. >.< I DONT WANT! yun ang gusto kong sabihin.masama ang pakiramdam ko, tinatamad ako, at di ko feel pumunta ng kasal lalo na on a short notice....pero, di ako nakatanggi dahil ang lowla ko ay minsan lang humingi ng favor sa akin.kaya naman kahit babangag bangag ang pakiramdam ko eh bumangon ako, naligo, pumili ng mapormang pormal na damit, nagayos at viola! reydi to go na.

sabi ng aking ina, ay sa intramuros daw ang kasal.binabanggit nya ang manila cathedral kaya naman ekzayted na ekzayted ako dahil isa nanaman itong magandang oporchunetey para kumuha ng magagandang litratow.naiimagine ko na ang magiging kalalabasan...red carpet na napapalamutian ng petals ng mga rosas, heben na heben na tugtog mula sa church organ o sa choir, at ang nakakaromantic na pagproklama ng mag-irog ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

ngunit, laking gulat ko nang hindi pala sa manila cathedral darausin ang kasal. watda!? sa MAX'S RESTAWRANT daw na nasa TAPAT ng manila cathedral. oh my.nalungkot na lamang ako dahil di na ko makakakuha ng magagandang litrato ng kasal sa simbahan.T_T pagdating namin sa max's restawrant, nagulantang nanaman akong muli dahil hindi pormal ang suot ng mga tao.samantalang ako ay mapormang maporma na feeling gagawa ng myusic video para sa isang rock band sa japan, with matching lacey top and white stilleto pumps pa ang drama! mabuti na lang at hindi ko sinuot ang DRESS na una kong nilabas mula sa aking aparador, kundi baka sinabunutan na lang ako ng bride na hindi ko kilala.

nakilala ko ang aking mga 2nd cousin, pero di din kami nakapagbonding dahil wala ako sa mood.tandaan niyo, may sumpong ako dahil masama pakiramdam ko.ngunit nang matapos na ang kainan at ang kacherbahan ay medyo nakangiti na din ako at pumayag makipagkodakan sa mga tao, in demand ako bakit ba?! XD

paguwi namin sa bahay, BOOM! bagsak. 39.2 ang aking temperatura.galit na galit ang aking ina dahil di ako inaalagaan ng aking blister[si ate dhixy] habang wala siya.kaya naman ngayon, pakiramdam ko ay tae ako.teka, wala namang pakiramdam ang mga tae diba?

hover for captions
















tagalog post, life, sick, wedding

Previous post Next post
Up