am i allowed to...

Jul 28, 2005 22:32

...make sequels?

heh.

--------
i failed to recognize the light as it bathed me with its warmth.

im not trying to be poetic, i just failed to recognize something that obvious so i had to use some other words with that.

i lain in bed, disheveled and clearly discombobulated. i tried to figure out what day it is and what time it was.

it was probably noon. the sun was too high and too sharp. but it was probably my imagination.

with the curtains drawn, it looked as if my room was adapted from some rustic scene in a Country Music Video. amidst the far shadows the light cannot touch, my son emerged, triumphant looking and proud.

"kamusta, itay?"

he was changed.

"nagbalik ka na?"

"oo. mananatili muna ako sa pangkasalukuyan."

"san ka galing?"

"sa tabi-tabi."

"anong mga pinaggagagawa mo?"

"mga bagay-bagay."

"sinong mga kasama mo?"

"kung sino-sino."

he sat down at the edge of my bed, looking away from me.

"kamusta ka na ba?"

he didn't answer. from where i was, it was as if he was looking for the words to say.

"anak?"

silence.

i fluffed a pillow and set it down beside me. i motioned for him to lie down with me and he did without hesitation.

"anong problema?"

"ganon pala ang mundo."

"anong ibig mong sabihin?"

"mapusok, maligalig, maingay, mapangmata, mahirap!"

i laughed and he looked at me with accusing eyes.

"at tinawanan pa ako ng aking itay."

"gago ka pala eh? parang hindi ka galing sa pamamahay ko ah!"

"ha?"

"baket mo sinasabi sa akin na ganyan ang mundo?"

"kasi ganyan naman talaga eh."

"tongo! hindi ganyan ang mundo! ano to, script ng pelikula?"

he looked and me with searching eyes. he sighed and for the first time in his life, he looked defeated.

"ang mundo ay kinukulayan ng pangako. mga pangakong nagpapaganda, nagpapaunlad at nagpapasaya sa buhay ng tao. ito ang mundo, itay."

"ano ang mga pangakong iyon?"

"pangako ng maginhawang buhay. pangako ng matinong pamilya. pangako ng maliwanag na kinabukasan. pangako ng maaliwalas na kapaligiran. pangako ng masarap na pagkain sa hapag-kainan. pangako ng nanunuot na pag-ibig. pangako ng matalinong henerasyon. pangako ng mapayapang mundo."

"at ano naman ang mali sa mga pangakong iyon?"

"ang problema sa mga pangako, hindi siya natutupad."

"sige.."

"dahil doon, nagkakaroon ng problema. problema ito dahil kumakapit ang mga tao sa mga makukulay na pangako. binabase nila ang buhay nila para makamit ang pangakong iyon."

"ganon ba ang mundo? naghihintay at inaabot ang mga pangako?"

"oo!
magaral: pangako ng maliwanag na kinabukasan.
magsipag: pangako ng pagiging mayaman.
magpasexy: pangako ng karnal na pangangailangan.
magtrabaho: pangako na maging maaliwalas ang buhay.
magmahal: pangako ng pamilya.
magdasal: pangako ng kalangitan.
iilan lang yan sa mga pangako ng mundo."

"ito ang mundo mo?"

"ang mundong nakita ko, oo. tinataas ang mga ekspektasyon ng mga tao dahil sa mga pangako. itataas ito ng itataas. itataas ng ideyal. itataas ng barberong pangako. at pag napako? asan na ang pangako?"

"butas na."

"butas na! at ang mga taong humahawak dito? nasan na?"

"nahuhulog kasabay ng pangakong butas."

"tumpak! alam mo pala ang mundong nakita ko, itay."

i stared at my son and i flattened his unkempt hair.

"itay. pag nahulog ang mga tao, hindi na sila makakatayo ulit. oo nga at may mga nagsusubok. pero sa tingin mo ba magiging gano parin kakulay ang kanilang pangakong pinanghahawakan? hindi na maaliwalas ang mga pangakong iyon itay! wala na! may malaking probabilidad na ang mga pangakong iyon ay hindi na kailanman papaniwalaan ng mga nahulog at nasawi."

"at dahil dito ay nagbalik ka?"

"humawak ako sa pangako, hindi ba?"

"kaya lang, may problema ka, anak."

"at ano naman iyon?"

"hindi lang nag mundo ang nangangako. kasama ang tahanang ito, kasama ang kwartong ito, kasama ako sa mga nangangako. ang tahanang ito, nangangako na pangangalagaan ka mula sa mga natural na kalamidad at kahit na sa mga magnanakaw at mamamatay tao. ang kwartong ito, nangangako sayo ng kama, pahinga at pamilyaridad na hindi mo makukuha kahit saan man. ako, nangangako na pangangalagaan ka at mamahalin ka kahit ano pang mangyari, kahit ano pa ang gawin mo dahil ikaw ang anak ko."

"hindi naman kayo ang mundo."

"at anong diperensya don?"

"hindi niyo hahayaang mapako ang pangako ninyo sa akin."

"nakasisigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

"oo."

i shook my head. my son did not understand my point.

"kung gayo'y ang mga pangako, hindi parating napapako."

napatigil siya at napaisip.

"makulay na pangako man ng mundo, marangyang pangako man ng kinabukasan at simpleng mapagmahal na pangako ko lang.. lahat yan ay pangako parin. hindi dahil nasira ang pangako sayo ng mundo, sira na lahat ng iba pang pangako sayo ng kung ano ano."

"hindi ba medyo obvious naman na hindi lahat ng pangako napapako? sa tingin ko hindi mo na kinailangan pang sabihin iyon."

"pero sinabi ko parin. at alam mo ba kung baket?"

"para ipaalala sa akin ang mga nakalimutan ko na."

"anak talaga kita."

he looked at me with teary eyes.

"ang mga pangako ang nagbibigay ng lakas sa mga taong wala nang ibang matignan. mga taong wala nang ibang mapuntahan. ito ang nagsisilbing gabay nila. ito ang nagsisilbing pag-asa."

"bakit ganon ang mundo?"

"hindi ka mahal ng mundo at kailan ma'y hindi ka mamahalin nito para sa iyo lang."

"micheal jordan?"

"basketball."

"Rico Blanco?"

"rivermaya."

"Mother Theresa?"

"selfless service."

"David Blaine?"

"street magic fraud."

"Stone Cold Steve Austin?"

"DTA. rattlesnake at stone cold stunner."

"Edward Norton?"

"american history x."

"Anjanette Agbayari?"

"boobs."

he silently looked away and contemplated.

"sa tingin mo ba, makikilala ng mundo si Micheal Jordan kung hinayaan niya lang na masiraan siya ng loob matapos siyang hindi tanggapin agad sa varsity basketball team? sa tingin mo ba na si Edward Norton, hahangaan ng ibang tao kung nanatili siyang nagtatrabaho sa isang fast food restaurant? sa tingin mo ba, si David Blaine, masisikatan ng araw kung hindi dahil sa binebenta niyang tapes na punong puno ng editing? HINDI!"

i sat up and looked at my son.

"HINDI KA MAHAL NG MUNDO. HINDI KA TATANGGAPIN NG MUNDO PARA SA IYONG PAGKATAO LANG. ANG MGA TAONG ITO, HINDI MAHAL NG MUNDO, MAHAL NG MUNDO ANG MGA NAGAGAWA NILA PARA SA KANYA."

"itay, sakim ang mundo?"

"simula't simula palang."

"pero.."

"naiintindihan mo ba ang punto ko?"

"oo. ang mundo, mabait sa mga mabait sa kanya. ang mundo, hindi nangingilala ng tao, nangingilala lang ito ng mga magagawa ng taong iyon para sa kanya. ang mundo ay hindi babaluktot para sa iyo, ikaw ang dapat magbago kung gusto mo na mahalin ka ng mundo."

"tumpak."

"ganon ka rin ba? kaya ba nananatiling buhay ang mga pangako mo? dahil ba may nagagawa ako para sayo?"

i smiled down at my son who was looking at me skeptically.

"alam mo ba ang pinakamalakas na emosyon sa lahat?"

"hindi."

"ito ang emosyon na tumatalo sa lahat ng pangako. sa lahat ng sinabi. sa lahat ng nagawa. ito ang emosyon na tumatalo sa utak. ito ang emosyon na nararamdaman ng lahat, pero walang makaintindi."

"at ang emosyong ito?"

"matulog ka na muna."

"wow, grabe."

"eh?"

"nakalimutan ko na nagdaos na pala ako ng aking kaarawan. sa kakahabol ko sa pangako sa akin ng mundo, sa ideyal, hindi ko na maalala ang mga dapat kong alam sa puso."

"may cake sa baba. yung may number 7 sa taas. blueberry cheesecake. favorite mo."

"apat na taon na ba ang nakalipas?"

"oo, anak. parang isang araw lang no?"

"bakit 21 ka parin, itay?"

"isa lang yan sa mga misteryo ng buhay."

i lied down with my son and i slept like i never slept in ages.
Previous post Next post
Up