solitude_24
Jul 29, 2005 12:37
marahil nakarating na ako sa isang kalagayan sa aking pag-iral na kinakailangan kong magbago, limutin ang mga bagay sa aking alaala na nakasasagabal lamang sa aking pamumuhay at bigyang daan ang pag-unlad (kung kaunlaran ngang matatawag) sa aking sarili bilang isang tao ninanais magpakatao.