Ang Pagtutuos ni Chinen at Mrs Yamada

Jul 20, 2010 12:20





Maaliwalas ang araw na iyon. Masayang naglalakad si Yuri patungo sa bahay nila Ryosuke. Napagkasunduan nilang dalawa na mamasyal. Alas-otso pa lang naman pero talagang sinikap niyang maging maaga para mapasyalan nila ang buong Japan. Suot-suot ang hugis-pusong kuwintas na gawa sa pilak na niregalo ni Ryosuke noong first monthsary nila.

Huminto siya sa harap ng itim na gate sa bahay ng mga Yamada at pinindot ang doorbell. Lumabas agad ang mukhang kagigising lang na si Ryosuke, suot-suot pa nito ang putting pajamas. Binuksan niya ang gate.

“Good morning Yama-chan.” Nakangiting bati ng bubwit.

“Bakit ang aga mo naman ata Chii?” ungol nito habang kinukusot ang mata.

“Ayaw mo? Bilis na nga at magbihis ka na. May bagong bukas na ice cream parlor doon sa kanto and guess what, eat all you can ang first 100 customers nila!”

Tumunganga lang ang binata. “So?”

“Specialty nila ang Strawberry Bliss, yung strawberry ice cream na may strawberry tidbits. Ayaw mo noon? Sa halagang 100 yen lang kahit isang truck pa kainin mo! Sulit na sulit di ba?” ngisi ni Yuri.

Natigilan si Ryosuke at nanlaki ang mata. “Strawberrrrry…”

“Bilis na. Bihis na!” tulak nito.

“Halika muna sa loob, maliligo lang ako at magbibihis.”

Pumasok nga silang dalawa sa loob ng bahay. Parang tipikal na bahay na pang-Hapon talaga ang kanilang bahay. Ngunit kakaiba ang kanilang dining room. May malaking glass dining table doon na may mga placemat at chinaware. Pero ang babaeng nakaupo sa isang silya doon ang mas nangingibabaw kaysa sa lahat ng mga gamit na iyon. May make-up siya na nagpapatago ng mga kulubot ng kanyang mukha. Nakalatag sa harap niya ang diyaryo at isang tasang kape. Bumaling ang kanyang titig sa kadarating lang na anak at kaibigan nito.

“Ma, si Yuri nga pala.”

“Chinen Yuri po. Magandang umaga po.” Ngiti ni Yuri.

Hindi masyadong natinag ang nanay ni Ryosuke.

“Uhm, ma, maliligo muna ako kasi may pupuntahan lang kami ni Yuri mamaya. Yuri dito ka na muna umupo. Mabilis lang ako.” Agad na tinungo ni Ryosuke ang banyo at naligo. Umupo naman si Yuri sa silya malapit sa mama ni Ryosuke.

Katahimikan.

Kinuha ni Mrs. Yamada ang tasa at humigop ng kape bago ngumiti kay Yuri. Para namang nabunutan ng tinik ang binata at ngumiti ng buong-buo.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

“Hindi pa po, pero kakain kami ni Ryosuke sa labas mamaya.”

“Mahal mo ba ang anak ko?”

Nabigla si Yuri sa tanong ng mama ng kanyang nobyo. Kumabog ang kanyang dibdib at namula ang kaniyang mukha. Tumango lamang siya. Sa pagkakataong iyon ay siya namang paglabas ni Ryosuke sa banyo at dumaan sa dining table. Naka-towel lamang siya at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Dumiretso ito sa kwarto. Tumikhim si Mrs. Yamada.

“Yuri…”

“Po?” nangagatog na sagot ni Yuri.

“Matagal ko nang alam na ikaw ang top at bottom ang anak ko.” seryosong sambit ng ina.

Halos hindi huminga si Yuri at nakayuko lamang. Tinaas niya lang ang tingin nang narinig niya ang hagikgik ng mama ni Ryosuke. Nakitawa na rin si Yuri.

“Hahahahaha… What’s so funny?” biglang sabi ni Mrs Yamada.

“So - sorry po?”

“Bantayan mong mabuti ang anak ko.” iyon lang at tumayo na siya at tinungo ang pinto.

Bumalik si Ryosuke sa namumutlang si Yuri.

“Oh, alis na tayo… Yuri?”
 

fan of: ryosuke yamada, fan of: chinen yuri, yamachii, filipino fic, fanfic

Previous post Next post
Up