Mahal Kita, Mahal Ko Din Siya

Jun 18, 2010 15:30

Pang-ookray[A/N]: Kung mahal mo siya, huwag mo nang bitawan! Ay may angst? :)) Joke. Ang questions ay mula sa makulay na buhay pag-ibig ng aking kaibigan. Ang sitwasyon ay gawa-gawa ko lang. hindi siya exact translation ng English Version nito so basahin niyo na lang :))



Sikapin man nating magmahal ng iisang tao lamang, mayroon talagang lalapit at susubok sa ating katatagan.

Isang araw ay napagkasunduan nina Ryosuke at Mirai na magdate. Nasa Fruit-Ice-Cream Restaurant sila at ninanamnam ang sarap ng kanilang mga order nang magtanong si Mirai kay Ryosuke.

“Ryo, may itatanong lang ako sa iyo. Sasagot ka ha?” paawa pa nito.

Tumango lang si Ryosuke at nagpatuloy sa pagdila sa strawberry ice cream niya.

“Hindi ba maganda naman ako…?” nag-pause siya.

“Yun na ba ang tanong mo?” tawa nito.

“Hindi pa, pero magreact ka naman! Kainis ka ah.”

Tumawa ulit siya at nginitian ang sinta. “Hindi na tinatanong iyon.”

Tumango si Mirai. “Dahil sabi mo na maganda ako, what if, hypothetically, may nagkagusto sa akin at sinasabi niya sa akin na mas deserving siya kaysa sa’yo at aagawin niya daw ako sa iyo… ano gagawin mo?”

Sa palagay ni Mirai ay tumila ang pag-ikot ng mundo at tumigil ang lahat sa pagkilos. Mas kinabahan siya at hindi na nakatingin kay Ryosuke. Bumuntong-hininga muna ang binata bago ngumiti ng pilyo.

“Siyempre lalabanan ko siya, kung sino man siyang hayop siya.” Sambit niya sabay tawa.

“Ano?! Makikipag-away ka? Eh pano kung mapapulis ka? Pagaglitan ka ni Johnny niyan at papatayin ako ng mga fangirls at fanboy mo!”

Taas-kilay na nabilaukan ang binata. “Ano? Anong away ang pinagsasasabi mo? Yung basagan ng mukha type?”

Tumango siya na ikinatuwa ng kasintahan.

“Ang weird mo talagang mag-isip.”

“Eh ano ang  ibig mong sabihin kung ganoon?” halos pabuntong-hiningang sambit niya.

“Gentleman ‘ata ‘tong irog mo. Lalabanan ko siya…” titig na titig siya kay Mirai. “Ipapakita ko sa iyo, sa buong mundo, at sa kung sino mang kumag na iyon na mas karapat-dapat ako sa pagmamahal mo.”

Ngumiti si Mirai na punong-puno ng pagmamahal.

“Bilisan mo nang kumain diyan at manonood pa tayo ng Here Comes The Bride, pak!” tawa ni Ryosuke.

At doon napagdesisyunan ni Mirai na ihinto na ang kaniyag pagtataksil sa nobyo.

fan of: shida mirai, fan of: ryosuke yamada, filipino fic, fanfic

Previous post Next post
Up