Pang-ookray[A/N]: Naisulat sa kawalan ng English words para sa YamaShi chaptered fic ko kaya Filipino na muna. This time, AriOkamoto naman. Magcomment na lang kayo kung gusto ninyo :)
Magandang araw, hapon, o gabi sa inyo, depende kung kailan ninyo ito mababasa. Ako nga pala si Daiki Arioka. Miyembro ako ng isang sikat na banda sa Japan, ang Hey!Say!JUMP. Kung bakit ako nagtatagalog, ewan ko na lang. Anyways, (o ayan English na, wag na magreklamo) may ikukwento ako ngayon sa inyo tungkol sa isang taong pinakamamahal ko. Parang ang ganda ng kwento noh? Pero huwag kayo. Hindi lahat ng istorya pareho kay Cinderella na nakatulog dahil hinipan ng malaking lobong mabaho ang hininga at nagising lamang dahil kinantahan siya ng Ibong Adarna. Teka, mali-mali ata yun.
I-e-explain ko muna para mas madali ninyong maiintindihan. In love ako kay Keito Okamoto. Oo, hindi kayo nagkamali ng pagbasa. Sa mga natutulog nung nag-debut concert kami, si Keito po ay lalaki. Ganun din ako. Pero mahal ko siya. Malandi na kung malandi ako pero yun ang totoo. Wala naman sigurong masama doon kasi ganoon din naman si Yamada at Chinen di ba? Pero hindi po ako bakla (Eh ano ka? Bading?). Basta mahal ko siya, tuldok.
Nitong mga nakaraang araw, hindi niya ako pinapansin. Kasi naman sabi ko sa kaniya mahal ko siya. Akala nga niya nung una ay nagbibiro lang ako. Lokong yun, nag-confess na nga ako sa kanya akala pa niya isa akong joke. Pero ayun, napaniwala ko rin siya. Kaya nga siguro niya ako hindi pinapansin.
Eto, may ichichismis ako sa inyo. Galing ito sa blog ko noong March 29. Babasahin ko sa inyo na parang fairytale okay? Makinig kayong mabuti!
Isang araw, kaming dalawa lang ang nasa dressing room kasi ewan kung nasaan na ang iba. Pumasok siya sa pinto, ako naman ay nakaupo sa sofa na nasa harap lang ng pinto. Ngumiti ako. Tumingin lang siya at dumiretso sa banyo. Dinedma ako. Dinedma ako ni Okamoto Keito. Ako na hinahanap-hanap ng mga babae. Ako na mahal ng lahat??? Pero well, lalaki siya. Baka keber lang talaga siya.
Halos lumupasay ako sa sofa, pero binalewala ko na lang. Ayun, nagbukas na lang ako ng libro at nagbasa. Makalipas ang ilang pangungusap, nakatulog na ako. Nanaginip ako. Nasa isang malapad na bukirin daw ako na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak at makukulay na paro-paro. Nasa gitna noon si Keito at may hawak na isang boquet ng mapupulang rosas. Mabuti na lang at hindi iyon korona ng patay. Nakangiti siya. Lumingon ako ngunit walang ibang tao doon. Totoo ba ito? Of course hindi, panaginip nga eh. So ayun, sinamantala ko ang panaginip at nilapitan ko siya. Lumalapad naman ang ngisi ko na para akong isang hyena. Nang magkaharap na kami, binigay niya ang bulaklak at hinawakan ang kamay ko. Malambot ang mga palad niya, para siyang isang prinsipe. Mainit ang naging dampi ng balat niya sa akin. Niyakap niya ako at nakaramdam ako ng kiliti sa kaibuturan ng aking puso. Cheesy man pero parang ayoko nang magising. Tapos, ang mainit niyang hininga ang nagpataas ng aking tingin. Ang taas pala talaga ng loko. Ngumiti ako.
“Keito, mah-”
“Alam ko. Matagal na. Mahal mo ako. Pasensiya ka na.”
Teka, pasensiya raw? Gagong ‘to. Akala ko pa naman sweet dreams ito. “Pasens-”
“Hindi pa ako tapos magsalita. Pasensiya ka na, kasi hindi ko nasagot ng tama ang tanong mo. Pinag-isipan ko muna ng mabuti ang sagot ko. Ayokong sumagot ng madalian kasi mawawala ang essence ng feelings ko. Pero mahal din pala kita.”
At nag-English pa ang mokong. May pa-essence essence pang alam. Kung sapakin ko na lang kaya ito. Teka, ANO DAW??? Mahal niya ako?
“Keito…”
“Daiki…”
Teka, panaginip pala ito, baka mag-overreact ako paggising na ako. Hiniwakan niya ang pisngi ko. Napakainit talaga ng mga hawak niya at ang amoy niya, amoy bagong ligo. S-i-y-e-t! Nagmulat ako ng mata at hindi nga ako nagkamali. Nakaupo sa tabi ko si Keito, nasa mukha kong naglalaway ang kamay niya. Ngumiti siya.
“Keito! Anong ginagawa mo?! Bakit?! Bakit?! RAPE!!!! RAPE!!!” tili ko.
“Isa pang tili mo ng rape, tototohanin ko na.”
“RAPE?” impit na sambit ko na ikinatuwa niya ata kasi natawa siya.
“Sorry nga pala, hindi kita napapansin.”
“Totoo ba ang panaginip ko?”
“Ako ba ang napanaginipan mo?”
“Ano sa tingin mo?”
“Ako nga.” Satisfied na ngiti niya. “Naman. Pero, pasensiya ka na talaga, kasi hindi ko nasagot ng tama ang tanong mo. Pinag-isipan ko muna ng mabuti ang sagot ko. Ayokong sumagot ng madalian kasi mawawala ang essence ng feelings ko. Pero mahal din pala kita.”
“Rewind ba ito?” bulong ko. “O baka naman panaginip ulit?”
“Dai-chan,” nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Iniangat niya ang nakababa kong mukha at hinagkan ng mga labi niya ang akin. Halos himatayin ako sa tuwa. Totoo na talaga ito.
Kaya ayun, hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa pangyayaring iyon. Pero masaya na kami. Masaya kami sa piling ng isa’t isa. Hindi nga ako nawalan ng sapatos gaya ni Snow White, pero at least mayroon naman akong sariling happily ever after.