ikaw pa rin
baekhyun/chanyeol, chanyeol/d.o. | pg-13 | 6,412 words
karugtong ng
pag-usad. dalawang taon pagkatapos niyang makipaghiwalay kay chanyeol ay saka nagduda si baekhyun kung naging tama ang kanyang desisyon.
Hindi matandaan ni Baekhyun kung kailan siya huling pumunta sa salon. Madalas siyang dumadaan kung kailangan niyang magpagupit, pero hanggang pagupit lang ang pinapagawa niya. Hindi nga niya alam kung bakit pumayag siyang magpahila kay Zitao at Lu Han sa pinakamahal na salon malapit sa kanila. To be fair, ang sabi naman nina Zitao at Lu Han na kailangan niyang bumangon sa kama at lumabas ng bahay dahil halos dalawang linggo na siyang nakakulong doon.
“Guys, ano ba? Kaka-resign ko lang sa trabaho tapos papagastusin niyo ako?” reklamo niya habang tinulak siya paupo sa leather na upuan at binigyan ng stylist para mamili ng ayos ng buhok.
“Wag ka na mag-alala, Baekhyun! Sagot na namin ni Lu Han ang gastos mo!” sabi ni Zitao. Kinuha niya ang magazine mula sa kaibigan para siya ang tumingin ng posibleng ayos ng buhok na babagay kay Baekhyun.
Napatingala si Lu Han sa pagtetext, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “Talaga? Kailan pa?”
“Naman, Lu Han! Di ba nangako tayong susuportahan si Baekhyun sa kanyang Operation: Moving On?”
“Pagka-alala ko, ako na yung gumastos sa inuman natin noong nakaraang linggo, kaya ikaw naman ang manlibre kay Baekhyun!”
“Ano ba, what kind of friend are you?!”
Tumawa si Baekhyun sa pagtatalo ng dalawa. Ito ang kanyang unang tawa mula nang magbitiw siya sa trabaho, mula nang makipaghiwalay siya kay Chanyeol. Pero naramdaman na naman niya ito, ang pagkirot sa puso tuwing natatandaan niya ang itsura ni Chanyeol nang binitiwan niya ang tatlong salitang hindi niya akalaing sasabihin niya sa kanyang tanang buhay. Ito ang parehong pagkirot sa tuwing gumigising siya bawat umaga at mapapagtantong hindi na niya maririnig ang “Good morning, babe~” ni Chanyeol, hindi na mararamdaman ang lambot ng kanyang labi, ang paghaplos sa kanyang mukha. Lahat tungkol kay Chanyeol, wala na, at hindi pa siya sanay.
“Guys ...” bigla niyang banggit, halos pabulong ang kanyang pagsalita, “sa tingin niyo ba tama ang ginawa ko?”
Biglang tumigil ang dalawang kaibigan sa pagtatalo para tingnan siya. Nararamdaman na ni Baekhyun ang katarayan na lalabas sa bunganga ni Zitao, at hindi siya nabigo.
“Alam mo, ganyan ka naman dati pa eh! Mag-aaway kayo ni Chanyeol, maghihiwalay, magkakaayusan, magkakabalikan! Circle of life ba ang peg ninyo? Ngayon, magdadalawang-isip ka na naman? Ano ba? Make up your mind, Baekhyun!”
Sumimangot si Baekhyun, kahit na alam niyang totoo ang sinabi ni Zitao. Nakailang panakot na siya kay Chanyeol na makipaghiwalay noon, pero palaging hindi natutuloy dahil nagkakaayusan sila, kahit minsan ay tinatanong ni Baekhyun sa sarili niya kung worth it pa bang kumapit sa samahan na iyon.
Mas maunawain ang tono ng boses ni Lu Han. “Baek,” simula nito. “Kung nararamdaman mong kailangan mo talaga ito-hindi para kay Chanyeol, pero para sa iyo-then tama ang ginawa mo. Kung nararamdaman mong maaayos pa, eh di kausapin mo si Chanyeol. Pero kung wala na, as in wala na talaga, wag mo na pilitin. Mas lalo pa kayong masasaktan kung pinilit niyo ang relasyong hindi na magwo-work out.”
Pero hindi alam ni Baekhyun kung tama ang ginawa niya. In fact, lately ay hindi siya sigurado sa maraming bagay tungkol sa buhay niya. Tama bang nakipaghiwalay siya kay Chanyeol? Tama bang nag-resign siya nang wala pang siguradong malilipatan? Sa totoo lang, minsan ay gusto na lang niya bawiin ang lahat ng sinabi niya at bumalik doon sa nakasanayan na.
Pero pagod na siya. Pagod na siya sa pagiging sunud-sunuran lang, pagod sa mga di-pagkakaunawaan, pagod na sa paulit-ulit na pangyayari. Gusto niyang magbago, hanapin muli ang sarili niya, ang sariling kanyang nalimutan sa limang taon na lumipas, gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin pero ayaw ni Chanyeol.
Tumango siya. “It’s for the best nga,” sagot niya sa wakas, may pananalig na sa kanyang boses.
“Anong ayos po ng buhok ang gusto nila?” tanong ng stylist na biglang lumapit sa kanila.
“Ay, alam ko na!” Tumigil si Zitao sa isang spread ng magazine at may tinuro na ayos ng buhok. “Bagay sa iyo ang blonde, Baek, don’t you think?”
“Oo nga!” sang-ayon ni Lu Han. “Gawin mo, Baek! Starting today, we will see the new Byun Baekhyun!”
Tiningnan ni Baekhyun ang ayos ng buhok sa magazine na hinahawakan ni Zitao. Ang bagong Byun Baekhyun. Napatango siya. Gusto rin niya ito makita. “O sige. Game.”
Two years later ...
Oh. My. God.
Napangiti si Baekhyun nang makita ang gulantang na itsura ni Zitao matapos siyang lumabas ng salon. Hinawakan niya ang kanyang ulo, nararamdaman ang pagkagaan ng pakiramdam. Ngayon lang siya ulit nakapuntang salon bunga ng masyadong pagka-abala sa trabaho-bawat proyekto ay siya palagi ang namumuno, pero hindi naman siya nagrereklamo. Ngayong downtime siya ay saka lang niya naisipang magpagupit at magpakulay ulit ng buhok. Sakto lang at batch reunion nila sa kolehiyo sa Biyernes.
“I’m taking you like the brown hair?” tanong niya kay Zitao.
“Siyempre naman!” Tinapik ni Zitao ang kanyang balikat, mukhang namamangha pa rin sa bagong ayos ng buhok ng kaibigan. “Kahit magpa-rainbow hair ka ata, babagay pa rin sa ‘yo.”
“Si Sehun ata pinaguusapan mo,” tawa ni Baekhyun, natatandaan ang nagawa ng kaibigan matapos ang pustahan nila nina Jongdae kamakailan. “Anyway, tara lets? Makiki-third wheel ulit ako sa lunch date niyo ng labidabs mo.”
“Ano ka ba, kasama mo naman si Lu Han, so hindi ka makiki-third wheel! Anyway, let’s go, nagugutom na ako!”
Hindi naman naging masyadong makasaysayan ang buhay ni Baekhyun post-breakup. Natanggap siya sa isang maliit na kumpanya bilang assistant architect din, pero mas malaya siyang mag-disenyo at hindi siya utusan lamang ng mga nakatataas sa kanya. Nagulat siya na malaki ang tiwala sa kanya ng boss na mag-disenyo para sa isang big-time client, at buti na lang at wala silang sinabi kundi pagpupuri. Noong panahong iyon, naramdaman ni Baekhyun tuloy na kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya.
Mabuti na lang at mababait din ang kanyang mga kaopisina. Si Yifan ang una niyang naging kaibigan doon, at pagkatapos ng unang araw niya ay parang matagal na siyang nagtatrabaho roon. Palagi silang lumalabas tuwing Sabado, at dahil malapit ang opisina sa bahay ni Baekhyun ay madalas doon sila tumatambay. Barkada na niya ang buong opisina, pati na rin ang boss niya.
Siyempre, hindi niya kinalimutan ang barkada. Nandoon pa rin siya tuwing Biyernes sa restawran nina Lu Han at Yixing. Kulang sila ng isa pagkatapos ng pagdadabog ni Chanyeol, at hindi na siya napapag-usapan tuwing nagsasama sila. Hindi naman daw galit si Lu Han at Yixing sa kanya, pero kailangan daw ni Chanyeol ng space para makapag-isip-isip, at hindi niya yun magagawa ngayong may panahon na si Baekhyun para sa barkada.
“Namimiss mo ba siya?” tanong ni Junmyeon sa kanya isang beses.
Minsan, gusto niyang sabihin. Minsan ay bigla na lang niyang maaalala ang ngiti ni Chanyeol, ang araw na nagsabihan sila ng “I love you,” ang first time nila nang malasing at nagamit bigla ang kuwarto ni Jongdae (hindi pa rin sila mapatawad ni Jongdae dahil doon), at iba pang mga alaala na hindi niya mapigilan.
Pero nagkibit lang siya ng balikat kay Junmyeon. Siya ang nagdesisyon na makipaghiwalay kay Chanyeol, at paninindigan niya ito.
Hindi siya nagkaroon ng boyfriend sa dalawang taong iyon. Oo, may mga nanliligaw sa kanya, pero tinatanggihan niya lahat. Hindi naman dahil ayaw niya ang mga manliligaw niya, pero limang taon siyang nasa isang relasyon-gusto naman niya maranasan ang pagiging single ulit hanggang maramdaman niya na handa na ulit siya.
Single man, pero masaya naman siya. And he’d like to keep it that way for as long as he can.
Pagkatapos nilang maghapunan ay nakipagkita sila kay Yixing na kakagaling lang sa dance studio at saka dumiretso sa isang café sa medyo tahimik na area ng siyudad. Naintindihan kaagad ni baekhyun kung bakit dito gusto makipagkita ng kliente-halos walang pumupunta rito. Pagpasok nila sa café ay isang tao lang ang nakita nilang nakaupo rito.
Tiningnan ni Yifan ang phone niya nang bigyan sila ng menu ng waitress. “Sabi niya sa pinakadulo na lang daw tayo umupo,” balita niya. “Also, malapit na sila.”
Tumango si Baekhyun, saka dumiretso sa mesa sa dulo ng café, habang sina Lu Han, Zitao, at Yixing ay pumunta sa kabilang dako ng kung saan uupo sina Baekhyun at Yifan. “Okay lang kayo diyan?” tanong niya sa tatlo niyang kaibigan.
“Okay na okay!” sagot ni Zitao na, kahit malayo sila, ay nagkakarinigan pa rin sila.
Mapagtiis na nagbuntunghininga si Yifan nang umupo siya at nilabas ang kanyang laptop, naghahanda sa pagpupulong nila. “Basta wag kayong pahalata,” sabi niya sa tatlo. “Nakakahiya sa kliente.”
“I’ll make sure to control Lu Han,” sabi ni Yixing, sabay kindat.
Sumimangot ang kanyang kasintahan. “Excuse me,” sabi niya. “Kaya kong i-control ang aking feelings.”
“Sure, yan din ang sinabi mo nung pumunta tayo sa fan meet niya-”
Hindi nagtagal bago pumasok ang kanilang mga kliente, at narinig niya ang tili ng waitress. Sa bagay, hindi naman niya masisisi ang waitress; kahit siya (kung hindi siya inarkila) magre-react nang ganyan kung ang pumasok sa café ay ang sikat na aktor na si Kim Jaejoong at CEO Jung Yunho. Sa bagay, kahit siya hindi makapaniwala na siya ang gustong arkilahin na arkitekto ng pinakasikat na magkasintahan sa bansa.
“Hi,” bati sa kanila ni Kim Jaejoong, sabay ngiti habang kinakamayan sila ni Yifan. “Naghintay ba kayo nang matagal?”
“Hindi naman po,” sagot ni Yifan, lumipat para makipagkamay naman kay Yunho. Pagkatapos nila magpakilala sa isa’t isa ay saka siya nagtanong, “Are we expecting more people?”
“Actually, oo ...” sagot ni Yunho.
Habang inuutusan ni Yunho ang starstruck na waitress na kumuha pa ng upuan ay napatingin siya kina Lu Han, Yixing, at Zitao. Muntikan na siyang tumawa nang malakas. Nakanganga si Lu Han, ang kanyang baba pwede nang mag-landing sa sahig. Si Yixing ay sinusubukan na hindi magmukhang affected dahil ang atensyon ng kasintahan ay nasa kanyang mga idolo. Si Zitao naman ay patagong kumukuha ng photo, no doubt ipopost sa kanyang Instagram.
Bumalik ang kanyang atensyon nang umupo na si Yunho at nagkapagdagdag ang waitress ng dalawa pang upuan. “I just want to clarify ... I know meron kayong in-house team of engineers sa company, pero okay naman na kumuha kami ng iba, di ba?”
“Okay naman po yun,” sabi ni Baekhyun. “Common po ito sa ibang kliente namin, na kumuha ng sarili nilang engineers.”
“I think you’ll work well with our engineers,” patuloy ni Yunho. “Yung magiging head engineer sa project na to, nakuha ko habang pinapagawa ko yung bagong restaurant sa Japan. Magaling siya.”
“Wow naman,” hindi niya mapigilang sabihin. Napaka-big time naman ng makakatrabaho niya. Nakaka-pressure.
“Anyway, paparating na sila-”
Bigla niyang narinig ang pagbukas ng pinto, at ang sumunod na pagbati ng waitress. “Welcome po, sir!” Napalingon siya, curious sa mga bagong pasok …
At nanlaki ang kanyang mga mata.
Nanlaki rin ang mga mata ng lalaki sa harap niya.
“Yifan, Baekhyun,” banggit ni Jaejoong. “I’d like you to meet Engineers Park Chanyeol and Kim Minseok.”
Merong nagbago kay Chanyeol, pero hindi siya sigurado kung ano yun. Siguro tumangkad siya nang konti, mukhang nagpakulay din siya ng buhok, pero meron pang iba …
For sure, hindi nagbago ang ngiti ni Chanyeol, habang inaabot ang kanyang kamay. “Hi, Baek,” bati nito. “Long time no see.”
Kumurap si Baekhyun, tumigil ang pagkatulala. Natauhan siya na mas sitwasyon itong pang-trabaho kaysa sitwasyon kung saan muling nagkita ang dating magkasintahan, so ngumiti rin siya at nakipagkamay kay Chanyeol, as he should. “Long time no see rin.”
“Aba, magkakilala na pala kayong dalawa,” banggit ni Yunho, pleasantly surprised.
“College friends po kami,” si Chanyeol ang nagsalita para sa kanilang dalawa. “Nagkatrabaho rin po kami once.”
“That’s good. Hindi naman kayo magkakaproblema sa isa’t isa?”
“Hindi naman po,” ang naging sagot ni Baekhyun. At sana naniwala ang kanyang mga kliente, dahil hindi siya sigurado sa sarili niyang sagot.
Mabilis natapos ang meeting, at okay naman ang naging usapan nilang lima. Marami namang naisip si Baekhyun na pwede maging disenyo ng bahay nina Yunho at Jaejoong, at mabuti na lang hindi siya na-distract sa kakaibang laro ng mundo …
Well, okay, medyo na-distract siya. Eh kasi naman. Sino bang maga-akala na makakatrabaho niya ang ex-boyfriend two years after their breakup? Ano bang meron?
“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Yifan. Umalis na si Yunho at Jaejoong, at ang kanyang tatlong kaibigan ay sinundan sila sa labas para magpa-picture at magpa-autograph. Si Chanyeol naman nag-banyo, malapit na ring bumalik.
“Hmm?” Tumango si Baekhyun. “Oo, sure, okay lang ako. It’s just …” Nagbuntunghininga siya. “Hindi ko lang inaasahan, that’s all.”
“Sa bagay,” ani ng kaibigan. “Are you sure you can do this?”
Pinilit niyang ngumiti, para naman hindi mabahala ang kaibigan. “Oo naman! I’m very professional kaya.”
Tiningnan siya nang mabuti ni Yifan. “If you say so,” sagot niya sa wakas. Mabuti na lang at mukhang naniwala si Yifan sa kanya, kasi siya, may pagdududa sa binitiwan niyang mga salita.
“Am I interrupting something?”
Napatingala silang dalawa. Andun si Chanyeol, may pagkaingat sa pagtingin sa kanilang dalawa. Magsasalita sana si Baekhyun, pero inunahan siya ni Yifan, na biglang tumayo at kinuha ang kanyang bag. “Actually, hindi, paalis na ako,” sagot niya. Tinapik niya si Baekhyun sa balikat. “See you at work.”
Isisigaw sana ni Baekhyun na “Ano ba, wag mo akong iwan!”, but it’s too late, nakalabas na si Yifan sa café. Napatingin ulit siya kay Chanyeol, na binigyan siya ng medyo awkward na ngiti habang muli siyang umupo. “Hi,” bati nito.
“Hi,” sagot din niya.
May katahimikan na bumalot sa kanila nang matagal, at natauhan si Baekhyun na kahit si Chanyeol ay namumroblema sa sitwasyon na to. “Chanyeol …”
“Baekhyun,” sabay ding sinabi ng dating kasintahan. “Look … alam ko may past tayo, but I don’t want that to get in the way of work.”
Tumango siya. “Me, too.”
“So …” Nag-dalawang-isip pa si Chanyeol. “Can we … start over? Friends? Kung di mo pa kaya, kahit colleagues muna.”
Hindi alam ni Baekhyun kung ano ang dapat niyang maramdaman. Pero mukhang sincere naman si Chanyeol sa kanyang sinasabi, so hindi niya mapigilang ngumiti. “Okay,” he says. “Friends is good.”
Mukhang may nawalang mabigat sa balikat ni Chanyeol, at mas natural na ang ngiti niya.
“Baekhyun oh my god!!!” Napalingon siya at nakita niyang tumatakbo si Lu Han sa direksyon niya, mukhang hindi makahinga sa maraming nararamdaman. Napansin ni Baekhyun ang hawak-hawak na notebook ni Lu Han na may pirma ng ultimate idol niya. “BAEKHYUN KILALA AKO NI KIM JAEJOONG OH MY GOD!”
Nakita niya si Yixing na umiiling sa kahihiyan. “Paano ba hindi? Ikaw presidente ng fan club niya.”
“Pero still Yixing oh my god ang gwapo ni Jaejoong and he noticed me how can I not-”
Sumabad si Zitao sa papalapit na flailing moment ni Lu Han nang tumili siya ng “Chanyeol, long time no see!” sabay yakap sa kaibigan.
Tumawa si Chanyeol at niyakap din ang kaibigan. “Okay lang! Na-miss ko kayo ah!”
“Ikaw, big time na big time, sa Japan na lang nagtatrabaho,” ani Yixing sabay siko kay Chanyeol. “Ang dami mong utang na kuwento.”
“Oo na, oo na, pero may trabaho ako eh.” Tiningnan ni Chanyeol ang kanyang relo, at biglang nag-panic. “At male-late na pala ako! I gotta go!”
“Hoy, Chanyeol!” sigaw ni Lu Han bago pa makalabas si Chanyeol sa café. “Pupunta ka naman sa batch reunion, di ba?”
“Oo, magpe-perform ako doon! Sige na, kailangan ko nang umalis, bye!”
“Bye, Chanyeol!” Kumaway si Baekhyun, at pinanood si Chanyeol lumabas ng café. Nang matapos siyang kumaway saka niya napansin na pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaibigan. “What?”
“Magiging okay ka lang ba?” tanong ni Zitao, mukhang concerned.
“Of course! It’s been two years, guys. Over na ako kay Chanyeol, at mukhang over na rin siya sa kin. Friends na lang kami!”
Hindi niya alam kung bakit mukhang hindi naniniwala ang kanyang mga kaibigan. It’s not like he’s the type to fall for his ex-boyfriend again, right?
Right?
“So let me get this straight-okay na kayo ni Chanyeol?”
Nagbuntunghininga si Baekhyun, piniling titigan ang hindi gumagalaw na view sa labas. Palibhasang trapiko naman eto, oo. Pang-ilang tanong na ito ni Jongdae sa buong biyahe, at parang wala siyang planong tumigil. “Oo, Jongdae,” sagot niya. “For the gazillionth time, okay na kami ni Chanyeol.”
“I’m sorry,” sagot ni Jongdae, na hindi naman mukhang sorry habang pinapatay ang huling baboy sa Angry Birds. “I mean, it’s just too good to be true. Parang sinigawan ka pa ni Chanyeol noong huli kayong nagkita-”
“Jongdae,” sa wakas, sumabad na si Junmyeon sa usapan, naka-focus sa kalsada, designated driver and all. “Gayahin mo si Baekhyun. Mag-move on ka na rin sa nakaraan.”
Napatawa si Baekhyun, at tumahimik na rin si Jongdae, sa wakas.
Although, syempre, hindi niya sasabihin kay Jongdae na, kahit papaano, nabahala siya sa muling pagkikita nila ni Chanyeol. Yun lang yung pumasok sa isip niya pagkabalik niya sa opisina. Pagkatapos ng client call nila, hindi siya sumigaw, hindi siya nagalit. Hindi tulad ng pagsigaw niya noong huli silang nagkita sa restaurant nina Lu Han at Yixing.
Pinagtawanan lang siya ni Yifan nung kinuwento niya ito nang makabalik siya sa opisina. “At ano naman nakakatawa?” tanong niya, medyo naiirita.
Sa halip na sumagot, tinanong siya ni Yifan, “Bakit ka naman nababahala?”
Sumandal siya sa kanyang upuan at tiningnan ang initial sketch para sa dream house nina Jaejoong at Yunho. Siguro kailangan niyang tanungin si Lu Han para sa additional input. “Ewan ko,” sagot niya. “Weird lang siguro ...? Dahil ineexpect ko na sisigawan niya ako or magiging bitter pa rin siya sa akin ...?”
“Alam mo, Baek ...” Dumiretso si Yifan sa kanyang mesa para bumalik sa trabaho. Naghinagpis siya sandali nang makita ang napakaraming unread messages sa e-mail niya. “Isa lang ang ibig sabihin niyan.”
“Ano?”
“Naka-move on na siya.” Hindi na siya tinitingnan ni Yifan, ngunit nakikita niya ang pagkamarunong na ngiti sa labi ng kaibigan.
Dapat hindi na nababahala si Baekhyun, pero kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala ang pakiramdam na ito.
Nagsisimula na ang party nang pumasok sina Baekhyun, Junmyeon, at Jongdae sa covered courts ng dati nilang unibersidad. Ilang taon na rin siyang hindi muli nakabisita, at lahat ng ala-ala noon ay nagsibalikan sa kanila. Nakakita na siya nang ilang naging kaklase, at hindi sila nagaksaya ng oras para makipagkuwentuhan sa mga nangyari sa buhay nila pagkatapos ng graduation. Soon, dumating na rin sina Lu Han at Yixing, si Zitao, si Sehun, at nagsilabasan na ang mga inumin.
“Parang ganito tayo tuwing Biyernes, lumipat lang ng lokasyon,” biro ni Lu Han, pinapasa ang bote ng beer kay Baekhyun.
“Kulang pa tayo ng isa,” ani Yixing, maingat na tumitingin kay Baekhyun.
Napansin din niya ang maingat na pagtingin sa kanya ng barkada, at kung pwede lang ay mapupuno na siya. “Alam niyo,” sabi ni Baekhyun, “ilang beses ko na to sinasabi. It’s been two years. Naka-move on na ako. Pwede niyo nang banggitin ang pangalan ni Chanyeol na para bang hindi yan bawal.”
“Naninigurado lang,” sabi ni Sehun. Napatingala siya sa mukhang nasa likuran ni Baekhyun at napakaway. “Speaking of which ... hoy, Chanyeol!”
Lumingon si Baekhyun, at nakita niya ang dating kasintahan, may bitbit na gitara. Napakalaki ng ngiti niya habang siya’y kumaway at dumiretso sa kanilang mesa. “Ayo whaddup!” bati nito nang nakalapit na, sabay fist-bump kay Sehun. “Long time no see!”
“Ikaw ah, bumalik ka na palang Japan, di ka nagsasabi!” ani Jongdae habang niyayakap ang kaibigan. “Asan pasalubong ko?”
“Tamo, kaya ayaw kong magsabi eh!”
Kumurap si Baekhyun, at tiningnan niya si Zitao, na iniiwasan ang kanyang pagtingin. “Alam niyong pumunta siyang Japan, no?” tanong niya.
Sa wakas, tiningnan siya ni Zitao na parang nagsala siya. “Well, since, you know, nag-break kayo and all, we didn’t really want to talk about him in front of you ...?” ang kanyang paliwanag. “So yeah, alam naming nagtrabaho siya sa Japan for two years tapos ... well, we figured you’ll ask when you’re ready.”
Napasandal siya sa kanyang upuan, tinatangkang iproseso ang bagong impormasyon. Kung sa bagay, i-unfriend niya si Chanyeol sa lahat ng sites at blogs niya, kaya hindi niya alam kung ano ang nagaganap sa buhay ng dating kasintahan. Baliw naman ang mga kaibigan niya kung paguusapan si Chanyeol sa harap niya, so ...
Teka, bakit ba siya bothered dito?
Na-realize niya na tinitingnan siya ni Chanyeol. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at nararamdaman ni Baekhyun ang pag-init ng kanyang mukha. “Hi,” bati niya, mahina ang boses.
Nginitian siya ni Chanyeol. “Hi, Baek. Long time no see ulit.”
Napakurap siya. Inaasahan niya ulit na galit pa rin si Chanyeol sa kanya, tulad noong nangyari sa restawran nung kasama niya si Yifan ... Iba na ngayon. Hindi talaga siya sanay. “H-Hi,” sagot niya, pinuwersang ngumiti. “Long time no see ulit.”
“Lu Han, tara, kuha pa tayong beer,” madaling yaya ni Yixing sabay hila sa kasintahan papaalis ng mesa.
“Sama ako!” sambit ni Sehun, tumayo na rin sa kanyang kinauupuan.
“Teka, nakita ko si Joohyun! Jongdae, samahan mo ako!” sabi ni Junmyeon sabay hila kay Jongdae.
Some friends you are ... Tiningnan ni Baekhyun ang kanyang best friend, pinararating na huwag siyang iwan sa mesa kasama si Chanyeol ...
Pero biglang tumayo si Zitao, cell phone sa kanyang tenga. “Hi, babe! Asan ka na? Ano? Teka, lalabas ako, maingay dito!”
“Hindi naman nag-ring ang phone mo ...” Hindi na tinuloy ni Baekhyun ang kanyang sasabihin dahil nakalabas na si Zitao. Huminga na lang siyang malalim, napatingin kay Chanyeol nang marinig niya ang tawa nito. “Anong nakakatawa?”
Umiling si Chanyeol. “Wala, wala. Mga loko lang mga kaibigan natin.”
“Tell me about it.” Inayos ni Baekhyun ang upo niya. “So ... Japan. Lifelong dream no yun, di ba?”
Tumango si Chanyeol, lumiwanag ang mata. “Oo! It’s all I’ve ever wanted-”
At dumaloy na ang usapan mula doon. May awkward pauses every now and then, pero nagtanong si Baekhyun ng mga medyo safe na tanong, at the next thing he knows, tumagal na ang usapan. In turn, nagkwento si Baekhyun sa bago niyang trabaho, mga celebrities na naging kliente nila, at naging kumportable na muli sila sa isa’t isa. Nang bumalik ang kanilang mga kaibigan ay puro kuwentuhan lang sa lahat ng na-miss ni Chanyeol nung nawala siya.
Siguro nga gagana tong pagiging back to friends.
“I must say,” sabi sa kanya ni Zitao nang lumalim na ang gabi, at nasa kalagitnaan na ng programa ang party. Nakailang inom na rin sila, at si Chanyeol ay pansamantalang umalis para maghanda sa kanyang performance. “I’m very impressed with you, Baek.”
“At bakit naman?” tawa ni Baekhyun, medyo nahihilo na sa rami ng kanyang ininom.
“You’re right.” Nginitian siya ng matalik na kaibigan. “Okay na kayo ni Chanyeol.”
“See, I told you!” Kahit siya unti-unting naniniwala sa salitang “okay,” lalo na ngayong araw. Siguro ay pwede na ulit sila magtabi ni Chanyeol sa susunod na reunion sa restawran nina Lu Han at Yixing at tumawa sa mga dating jokes, at siguro pwede na rin nila pagusapan ang nakaraan, bit by bit.
Nagbuntunghininga si Sehun, mukhang may nawalang mabigat sa kanyang kalooban. “Hay, sa wakas, pwede na tayong hindi magkunwari na wala tayong kaibigan na Chanyeol!”
“Ano ba, Sehun-”
“Guys!” tawag sa kanila ni Jongdae. “Dali, lipat tayo sa harap! Si Chanyeol na ang magpe-perform!”
Marami nang tao ang nasa harap, pero nakasingit pa rin sina Baekhyun malapit sa stage kung saan nagse-setup si Chanyeol ng gitara. Napansin sila ni Chanyeol at ngumiti at kumaway.
Biglang natandaan ni Baekhyun na ganito rin ang ikalawang beses na nagkita sila ni Chanyeol. Malaki ang ngiti ni Chanyeol, siguro hindi inaasahan na magkikita ulit sila nang inimbita niya si Baekhyun na manood sa gig nila nina Lu Han at Yixing at Jongdae sa isang org party ...
Teka, hindi dapat niya iniisip to.
“Uy, si Kyungsoo ba yan?”
Napatingin si Baekhyun sa tinuturo ni Jongdae at nakita ang isa pang lalaki na pumuwesto sa may mic. Vaguely niya natatandaan si Kyungsoo ... orgmate nga ba ni Jongdae? Alam niyang naging magkaklase sila sa isang prerec, pero hindi sila nagusap masyado.
“Come to think of it,” sabi ni Jongdae, “galing ding Japan pala si Kyungsoo ...”
May tatanungin sana si Baekhyun, pero hindi ito natuloy nang biglang nagsimula ang performance nina Chanyeol at Kyungsoo, isang nakakakilig na acoustic song na nagpatili sa ibang babae sa mga manunuod. Nagkaroon ng moment na nagtitigan at nag-ngitian ang dalawang nagpe-perform, pero kilala ni Baekhyun si Chanyeol-mapa-fanservice kung nagpe-perform-kaya hindi na niya pinagisipan to masyado.
Speaking of which, ngayon lang ulit niya nakita si Chanyeol maggitara. Parang hindi na niya nakita ang gitara noong nagsimula silang mag-ipon para sa dream house nila ...
Natapos ang performance at nagsipalakpakan ang mga tao, kasama siya. Tumayo si Baekhyun at inakbayan si Kyungsoo sabay halik sa noo. Lalong lumakas ang tili ng manunuod ...
Habang nararamdaman naman ni Baekhyun ang biglang paglamig ng kanyang katawan.
Hinila siya nina Jongdae sa hagdanan sa may stage, habang bumaba si Chanyeol, inaalalayan si Kyungsoo sa isang kamay habang hawak ang gitara sa kabila. Hindi napigilan ni Baekhyun na titigan ang paghawak nilang dalawa, halatang hindi basta pagalalay ang paghawak na yan ...
“Chanyeol!” sigaw ni Sehun. “Aba, may skills ka pa rin ah!”
Nag-thumbs up si Chanyeol. “Syempre naman! Nakapag-practice ulit nung nag-Japan!”
“At ikaw,” hirit ni Jongdae, nakangisi, “may hindi ka pa kinukuwento ah ...”
Maingat na tiningnan ni Chanyeol si Baekhyun, at nararamdaman din ni Baekhyun ang maingat na pagtingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Kahit si Kyungsoo ay mukhang ninenerbyos. “What?” tanong niya, sabay taas ang kilay. Tiningnan niya si Chanyeol. “Ano, Chanyeol? Ano yang kailangan mong ikuwento?”
Mukhang nagdalawang-isip pa si Chanyeol bago niya inakbay si Kyungsoo at hinila papalapit sa kanya. “Guys, you’ve met Kyungsoo,” sagot niya. “He’s my boyfriend. We fell in love in Japan.”
Mahiyain pa ang ngiti ni Kyungsoo sabay semi-wave. “Hi, guys.”
Inaasahan na dapat ito ni Baekhyun. Dalawang taon na ang lumipas. Naka-move on na siya noon pa, at hindi na rin dapat nakakagulat na naka-move on na rin si Chanyeol, na nakahanap ng iba.
Pero bakit para bang masakit?
“Baekhyun, okay ka lang?”
Napatingala si Baekhyun sa sketches niya para makita si Yifan, tig-iisang tasa ng kape sa bawat kamay. “Okay naman ako,” sagot niya habang kinukuha ang isang tasa sa kamay ng kaibigan. “Bakit mo naman natanong yan?”
“Wala lang,” sabi ni Yifan, umupo sa side niya ng cubicle nila. “Para bang since last week, napaka, I don’t know, spaced out ka? May nangyari ba sa reunion na hindi ko alam?”
“Wala naman.” Diniretso ni Baekhyun ang kanyang upo at nilagay ang final sketch niya sa isang folder. Matutuwa na siguro sina Jaejoong at Yunho sa design na to. “May boyfriend na si Chanyeol.”
Sumipol si Yifan. “Isn’t that a good thing?” sabi niya. “Ibig sabihin naka-move on na siya.”
“Alam ko, pero ...” Nagbuntunghininga siya, napasalumbaba. “Ewan ko, hindi lang ako siguro sanay?”
“Masasanay ka rin eventually.” Napatingin si Yifan sa orasan. “Di ba may client call ka nang ala una?”
“Ay shet!” Napatayo siya, madaliang nilagay ang kanyang folder sa kanyang bag at muntikan nang madapa palabas ng opisina.
“See you sa restaurant!” sigaw ni Yifan bago pa niya masara ang pinto.
Naging productive ang meeting niya nina Chanyeol, Jaejoong, at Yunho. Medyo nagtalo sila nina Chanyeol sa ibang materyales para sa bahay, pero in the end, nakapag-desisyon silang lahat. Naka-schedule silang pumunta sa area mismo sa susunod na dalawang linggo, at lumabas sila nina Chanyeol na may sense of accomplishment.
Gabi na nang lumabas sila sa bahay nina Jaejoong. Napaisip si Baekhyun kung saan makakakuha ng taxi nang tinapik siya ni Chanyeol. “Pupunta kang dinner, di ba?” tanong nito. “Sabay ka na sa akin.”
“Uh ...” Nagdalawag-isip si Baekhyun kasi medyo awkward lang ang nararamdaman niya na makisabay sa dating kasintahan, pero dahil mas convenient na makisabay ay pumayag siya.
Sa halip sa front seat ay binuksan ni Chanyeol ang sa likuran. “Sorry,” sabi ni Chanyeol, medyo mukhang guilty. “Susuduin ko kasi si Kyungsoo eh. Sasama siya sa dinner.”
Eto na naman ang panlalamig. Pero hindi, hindi dapat niya to maramdaman. Hindi na niya kasintahan si Chanyeol. Tumango na lang siya. “Okay lang,” sabi niya sabay pasok sa kotse.
Tahimik lang sila sa biyahe, at hindi naman nagrereklamo si Baekhyun. Pagod na rin siya sa lahat ng napagusapan nila sa araw na ito. Gusto na lang niya muna magpahinga, dahil for sure, magulo silang lahat sa restawran mamaya. Mukhang ganun din si Chanyeol, mata naka-focus sa kalsada.
Hindi nagtagal at tumigil sila sa harap ng isang club, mas maraming tao ang pumapasok kaysa lumalabas. “Hintay ka lang dito ah,” sabi ni Chanyeol, at bago makasagot si Baekhyun ay lumabas ito ng kotse. Pinanood niya ang pangyayari, at nakita niya si Kyungsoo na lumabas ng club, mabilis ang pagtakbo sa direksyon nila. Nakatalikod si Chanyeol, pero nakita niyang kumaway saka niyakap ang kasintahan bago ito bigyan ng mabilis na halik sa labi.
Hindi alam ni Baekhyun kung bakit may kirot na naman siyang nararamdaman, biglang hindi makahinga. Pero nawala ito bigla, at least pinilit niya, nang makapasok ang magkasintahan sa kotse. “Hi,” bati ni Kyungsoo, sabay ngiti.
Sana naman ay hindi siya mukhang nag-grimace nung ngumiti siya. “Hi,” bati rin niya.
Dumaldal na si Chanyeol nang nandiyan na si Kyungsoo. Nagkuwento si Kyungsoo sa kanyang trabaho sa club bilang singer, at si Chanyeol nagkumento tungkol sa isang customer na kilala nila pareho. Si Chanyeol din ay nagkuwento tungkol sa napag-usapan nila sa meeting kanina, at nakisali rin naman si Baekhyun, pero tahimik lang siya pagkatapos.
Nagulat sina Lu Han at Yixing nang makita nilang pumasok si Chanyeol at Kyungsoo, si Baekhyun sa likuran nila. “Sumabay ako kay Chanyeol papunta rito,” ang paliwanag ni Baekhyun, umupo sa tabi ni Lu Han. “Galing kasi kami pareho sa meeting eh.”
Tumango na lang si Lu Han, pero napapansin niya na binibigyan siya ng kaibigan ng looks of concern.
“Nasan si Zitao?” tanong ni Chanyeol nang umupo sila ni Kyungsoo. Sa upuan kung saan sila dati parating tumatabi.
“Ay ayun!” Ngumisi si Sehun. “Sabay sila rito ng boyfriend niya.”
“Aba!” bulyaw ni Chanyeol, muntikan nang mabulunan. “Yan yung boyfriend niyang mukhang model, di ba?”
“Kilala mo siya, Chanyeol!” ani Jongdae.
“Ha? Sino?”
As if on cue, biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Zitao, akbay-akbay kay Yifan. “Hi, guys!” bati ni Zitao, hinila ang kasintahan sa direksyon ng mesa nila. Napatigil siya kay Chanyeol. “Wow Chanyeol, for the first time in a long time, andito ka na!”
Nakanganga lang si Chanyeol, mukhang di makapaniwala sa kanyang nakikita. Pero kumalma rin siya at ngumiti. “Oo nga eh! Grabe, nawala lang ako tapos may boyfriend ka na!”
Yung tawa ni Zitao parang pang-mahinhing dalaga. “Anyway, nagkita na kayong dalawa. Yifan, meet Chanyeol and Kyungsoo. Chanyeol and Kyungsoo, meet Yifan, my boyfriend.”
Kahit si Yifan medyo naa-awkward sa nagaganap. “Uh, nice to meet you ulit,” bati niya.
“Kain na tayo, nagugutom na ako!” sabi ni Zitao. “Babe, doon tayo sa tabi nina Junmyeon-”
Napakasaya ng Friday dinner, lalo na’t kumpleto sila. Iba pa rin talaga kung wala si Chanyeol. Kahit magulo sina Jongdae at Baekhyun sa kuwentuhan, iba pa rin kung si Chanyeol ang nagsisimula ng mga kakaibang mga kuwento. Mas masaya na rin siguro, dahil nandiyan si Yifan, at ngayon si Kyungsoo, na kahit nahihiya pa sa grupo ay nagpapatawa rin sa kanila kahit papaano.
Weird nga lang minsan, ito ang nararamdaman niya. Nakikita niya kung paano maglambingan si Chanyeol at Kyungsoo, at natatandaan niya na ganyan din ang ginagawa nila noon. Kakaiba lang talaga, siguro, na hindi na siya ang object of affections ni Chanyeol.
Pero mas weird na para ba siyang nasasaktan tuwing nakikita niya to.
Mabilis na naman ang oras, and the next thing he knows, nagsisiuwian na ang mga tao. Pumunta muna si Baekhyun sa banyo para mag-ayos, at napatalon siya nang nakita niyang pumasok din si Chanyeol kasabay niya. “So, Yifan,” ang una pa nitong banggit habang naghuhugas sila ng kamay.
“What about him?” tanong ni Baekhyun.
“Akala ko kayo ang nagde-date?” sabi ng dating kasintahan, halatang naguguluhan.
At biglang natandaan ni Baekhyun yung gabing hinila ni Lu Han si Yifan na sumabay sa kanila, at ang pagdadabog ni Chanyeol na sumunod. Napatawa na lang siya. “Ah, ayun? Hindi naman talaga naging kami eh. Best friend ko si Yifan sa trabaho. Yun lang.”
Mahaba ang katahimikan na sumunod, at tiningnan niya si Chanyeol nang mabuti. Nakasimangot ang dating kasintahan, para bang pino-proseso ang impormasyon na ngayon lang niya nahagilap. Para pang gusto ni Baekhyun i-poke ang pisngi nito.
Sa wakas, nagsalita na si Chanyeol. “Oo nga naman. Hindi ko alam kung anong iniisip ko nun.”
“Wag mo na yang alalahanin.” Kumuha si Baekhyun ng tissue at nagpunas ng kamay. “The past is past.”
“Oo nga naman.” Awkward ang tawa ni Chanyeol.
Hindi niya alam kung bakit lumabas sa bibig niya ang sumunod na tanong, at hindi na niya napigilan ang sarili niya. “So, kayo ni Kyungsoo ... kelan pa?”
Sa tanong ay biglang lumiwanag ang mukha ni Chanyeol. “Magdadalawang taon na kami,” sagot niya, biglang sumigla ang pagsalita. “Nagkakilala kami nung hinila ako ni Jongdae sa club kung saan siya nagtatrabaho, tapos nagkataon na sabay din kaming pupuntang Japan. Tapos ... sa Japan na kami nagkahulugan ng loob.” Ang ngiti niya ay parang naka-jackpot siya sa lotto.
Hindi talaga niya alam kung ano ang ire-react niya, so tumango na lang siya. Marami pa siyang tanong tungkol kay Kyungsoo, pero hindi na niya ito itatanong. Wala na siyang karapatan para makialam sa love life nilang dalawa.
Sa sumunod na Lunes ay sumabay siya kay Chanyeol at sa team niya papunta sa bakanteng lote kung saan itatayo ang bahay nina Jaejoong at Yunho. Pagbaba ni Baekhyun sa kotse ay medyo nagulat siya. Alam naman niya na malaki ang ipapatayo na bahay, pero hindi niya akalain na ganito kalaki ang lote na gagamitin. Mabuti na lang at sakto lang ang na-disenyo niya.
Habang sina Chanyeol at ang team niya ay nag-uusap sa logistics ng paggawa ng bahay, naglibot-libot si Baekhyun sa bakanteng lote. Nilalarawan niya ang gagawing bahay sa utak niya, something comfortable, a sort of escape sa busy na buhay ng magkasintahan.
Nilabas niya ang kanyang camera at kumuha ng litrato ng bakanteng lote, naglalagay ng mental notes kung saan babagay ang bawat lugar sa kanyang disenyo. Napatigil ang kanyang lens kay Chanyeol, na biglang tumawa sa sinabi ng isang teammate, at parang gumaan ang kanyang pakiramdam. Tulad ng dati, palaging nagpapagaan ng loob ang tawa ni Chanyeol ...
“Ganda ng view, no?”
Napalingon siya sa direksyon ng boses, at nakita niya na katabi na pala niya si Minseok, ngiti niya ay parang may alam siyang sikreto. Hindi na lang siya pinansin ni Baekhyun, sa halip ay naghanap ng ibang makukunan ng litrato, basta hindi ang ngiting hindi na niya matanggal sa isipan niya.
Nagkataon na nakita niya si Chanyeol at Kyungsoo na lumabas sa isang mamahaling restaurant nang siya ay lumabas sa mall pagkatapos mag-shopping. Hindi naman niya plano ito, pero hindi rin niya mapigilan ang sundin ang magkasintahan. Na-curious lang talaga siya kung paano ang date ng dalawa. Pagkatapos hukayin ang shades sa shopping bag niya ay sinundan niya ang dalawa, naniniguradong hindi siya mahuhuli.
Tumigil sila sa park, umupo sa isang bench, at si Baekhyun ay nakahanap ng puno malapit sa dalawa kung saan siya pwede magtago. Pinakinggan niya ang kwentuhan ng dalawa, tungkol sa trabaho, sa mga kaibigan, iba’t ibang bagay.
Tumahimik nang sandali, tapos nakita niyang may hinalungkat si Kyungsoo sa paper bag na hawak-hawak niya. “Eto ang regalo ko sa yo,” sabi niya, at nakita niyang may inabot si Kyungsoo na isang picture frame. “Drawing ko nating dalawa.”
“Ang cute!” sigaw ni Chanyeol, tuwang-tuwa sa regalo. “Ang gwapo ko naman dito!”
“Ikaw talaga, ang kapal ng mukha mo!” tawa ni Kyungsoo, sabay magaan na sapak sa braso ng kasintahan.
“Aminin, alam mong totoo iyon!” pabirong sagot ni Chanyeol.
“Oo na, oo na.” Dinilaan siya ni Kyungsoo. “So, ano nang regalo mo sa kin?”
“Magugustuhan mo to.” Naghalungkat din si Chanyeol sa hawak-hawak niyang paper bag at naglabas ng kahon.
Binuksan ni Kyungsoo ang kahon, at mukha siyang nagulat nang may nilabas siyang vase na may mga basag na nilapatan ng parang gintong glue. “Di ba eto ...?”
Si Chanyeol ay mabilis sa pagpapaliwanag. “Natatandaan mo nung sinamahan mo ako kahit sobrang depressed ako? Tapos naglalakad tayo at tinuro mo to sa kin?”
Tumango si Kyungsoo, ngumiti sa alaala.
Hinawakan ni Chanyeol ang isang kamay ng kasintahan. “Nung nakita ko ulit to, na-realize ko ... basag na basag na ako nun. And even when I was broken ... you saw that I can still be fixed, that I can still be someone important. At nagpapasalamat ako na nakilala kita, Do Kyungsoo.”
“Ako rin, nagpapasalamat na nakilala kita.” Lumapit si Kyungsoo para magtagpo ang kanilang mga labi. “I love you, Chanyeol. Happy second anniversary.”
Hinalikan ulit siya ni Chanyeol. “I love you, too.”
Biglang nanlabo ang paningin ni Baekhyun, pero bago pa niya isipin na dahil sa shades niya yun ay may biglang may basa, mainit, na pumatak sa kanyang mga mata. Tinakpan niya ang kanyang bibig bago pa siya makahikbi, at baka mahuli ng dalawang nagdidiwang ng dalawang taong pag-iibigan. Pinilit niyang tumayo, kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod, at tumakbo papaalis.
Natagpuan siya nina Zitao at Lu Han sa kwarto ng condo niya, hilong-hilo pero nagpupumilit na inumin ang pang-ilang bote na niya ng beer. “Ano ba, Baekhyun, anong ginagawa mo!” bulyaw ni Zitao sabay kuha sa bote. “Grabe, lasing ka na, ano ba meron?”
“Zitao ...” ani Lu Han, tinuro ang kahon sa may kama niya. Ang kahon kung saan nandun lahat ng alaala niya kay Chanyeol simula nang mag-date sila. Ang kahon na wala talaga siyang planong ilabas muli, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya.
Nanlaki ang mata ni Zitao, at muli siyang tiningnan. “Baekhyun ...” sabi nito. “May nangyari ba sa inyo ni Chanyeol?”
Humikbi si Baekhyun, at ang hikbi niya ay lumakas hanggang napayakap siya kay Zitao, hindi na napigilan ang iyak. “Zitao ...” ungol niya. “Tina-try ko talaga ... ginagawa ko na ang lahat ... pero bakit ... bakit ang sakit? Bakit hindi ako makaget-over sa kanya?”
Hindi sumagot si Zitao at si Lu Han. Niyakap na lang siya ng parehong kaibigan habang patuloy ang kanyang pag-iyak sa sakit na nararamdaman.
notes:
- hi, kung nagtataka kayo, naglipat kasi ako ng lj, kaya iba ang username ng nag-post ng pag-usad at nag-post ng karugtong.
- sobrang overdue na ng karugtong na ito ... mga one year? lol. pasensya na sa mga naghintay nang matagal.
- wag mag-alala, may susunod pang kabanata haha
- maraming salamat kay
mara_ciro sa pagiging beta. labyu.