pag-usad
baekhyun/chanyeol, slight chanyeol/d.o. | pg-13 | 6,739 words
paano ba mag-move on? hindi alam ni chanyeol, pero alam niya, sooner or later, kailangan niyang pakawalan si baekhyun at ang ala-ala niya sa limang taon nilang pag-iibigan.
isinulat para sa
narito_kami buwan ng wika challenge. slightly edited version. andito ang original
post.
Nakalaan ang Biyernes ng gabi para sa dinner-slash-reunion ng kanilang barkada sa restawran nina Lu Han at Yixing. Sa pagkarami-rami ng kanilang ginagawa sa trabaho, ito lang ang tanging paraan para makapag-relax at para hindi nila malimutan na kahit nagbabago ang mundo ay hindi nagbabago ang kanilang pagkakaibigan. Corny, oo, pero alam ni Chanyeol na may katotohanan dito.
Maliban na lang kung may mahalagang kailangang ayusin sa trabaho o sa pamilya, palaging kumpleto ang barkada. Andiyan sina Lu Han at Yixing dahil, malamang, sila ang may-ari ng restawran; andiyan si Zitao kahit na nakikitawad siya sa mga supplier ng Gucci sa kalagitnaan ng dinner; andiyan si Sehun kahit na halos mamatay-matay na siya sa law school; andiyan si Junmyeon kahit halos malapit na siyang matulog kasi aling overtime; andiyan si Jongdae pagkatapos ng mahaba-habang gig sa malapit na bar.
Siyempre, hindi sila mawawala ni Baekhyun, mas kilala sa barkada nila bilang mag-syota nang limang taon na sa sobrang close ay magkasama pa sila sa iisang kumpanya-si Baekhyun bilang assistant architect habang si Chanyeol ay head engineer. Runner-up sina Lu Han at Yixing by isang taon na samahan at tatlong taon na ligawan.
“O, asan si Baekhyun?” tanong ni Yixing nang pumasok si Chanyeol sa restawran nang mag-isa.
“Andun pa sa opisina,” sagot ni Chanyeol sabay upo sa usual seat niya. Nilapag niya ang bag niya sa katabing upuan para mag-reserve ng upuan kay Baekhyun, kahit alam naman ng lahat na sila naman ang magtatabi, as usual. “May kailangan pa raw siyang ayusin sa trabaho.”
“Sure ka?” ngisi ni Jongdae habang kumukuha na ng siomai sa dim sum plate, di pinapansin ang lecture ni Lu Han na bawal muna kumain hanggang kumpleto sila. “Baka naman may ibang lalaki yan.”
“Gago ka talaga, Jongdae!” Binatukan ni Junmyeon ang kanyang katabi. “Nagkaroon lang ng di-pagkakaunawaan sina Baekhyun at Chanyeol last week. Wala namang nangyari eh.”
“Oo nga.” Kung makakapatay lang ang tingin, siguro ay nalulunod na si Jongdae sa sarili niyang dugo. Pero kumain lang si Jongdae na parang walanag masama sa sinabi niya.
Muntikan na silang maghiwalay ni Baekhyun noong nakaraang linggo dahil sa isang di-pagkakaunawaan. Nakipagkita kasi siya kay Jongin, ang kanyang kaibigan simula pagkabata, bago siya lumipad papuntang Japan the next day. Wala namang malisya-alam ni Jongin na kasintahan niya si Baekhyun, at pumayag naman si Baekhyun dahil alam niyang importante si Jongin sa buhay niya. Papunta pa lang sila sa restawran ng hotel nang makita niya si Baekhyun pababa sa lobby na may kasamang ibang lalaki. Mukhang close na close sila. Nandilim bigla ang paningin niya, at nang natauhan siya ay nakahiga na sa sahig ang lalaki, dumudugo ang ilong.
Mangiyak-ngiyak na nagpaliwanag si Baekhyun sa kanya na ang kasama niya ay kanyang college block mate. Tumawag, nagkataon na nasa parehong hotel ni Jongin, nagkayayaan mag-hapunan at mag-mini-reunion, may naramdamang masama si Baekhyun at kailangang gumamit ng banyo, at si block mate ay nagpagamit ng banyo sa kanyang hotel room.
“Baekhyun, kung magsisinungaling ka, gawin mo namang kapanipaniwala ang kwento mo!” sigaw niya sa harap ng maraming usiserong pumapalibot sa kanila.
“Chanyeol, hindi ako nagsisinungaling!”
True to his words, biglang may kumalabit sa kanya at bigla siyang sinapak. It turns out na straight si block mate, at ang sumapak sa kanya ay ang girlfriend ng said block mate. Halos mabingi-bingi si Chanyeol sa matinis na pagsisigaw sa kanya, sabaw sa tawa ng mga nakapaligid sa kanya. Masakit sa tenga, pero mas masakit ang naramdaman niyang pagkasala nang napagtanto niyang napagbintahan niya ang kanyang kasintahan. Nang matapos na ang lahat at hinahanap niya si Baekhyun, si Jongin ang nakita niya, umiiling. “Umalis na siya. Ewan ko kung saan nagpunta.”
Natagpuan niya si Baekhyun na humahagulhol sa kwarto ng kanyang bahay. Mabuti na lang na pinapasok siya ng kanyang nanay kahit mukhang nababanas siya sa pagbisita nang madaling araw at dahil pinaiyak niya ang kanyang anak. “Babe ...” maamo niyang banggit. “Babe, sorry na ...”
Hindi gumalaw si Baekhyun sa kanyang pwesto, ulo nakabaon sa unan. Malakas ang kanyang paghikbi. “Umalis ka na nga rito! Sorry ka nang sorry, sinasaktan mo pa rin ako eh!”
“Baek ...” Umupo siya sa gilid ng kama, hinahaplos ang ulo ni Baekhyun. “Oo na, aaminin ko na mali ang ginawa ko. Hindi ko na yun uulitin, promise. Patawarin mo na ako, please? Kiss mo na ako, sige na?”
Dali-dali siyang umupo at lumapit sa kanya upang magtagpo ang kanilang mga labi. Napangiti si Chanyeol sa halik, at tinulak niya si Baekhyun pababa para ipakita niya kung gaano niya kamahal ang kanyang kasintahan.
Siguro ito ang nagagawa ng limang taong samahan. Magaway man sila, kahit gaano kalala, madali magpatawad si Baekhyun.
“Nasaan na si Baekhyun?”
Nalaman na lang ni Chanyeol na halos kumpleto na ang barkada-kararating lang ni Sehun galing law school-pero wala pa rin si Baekhyun. Napasimangot siya nang tiningnan niya ang relo niya-ang sabi ni Baekhyun makakaalis siya ng office mga 8:00, at 15 minuto ang drive papuntang restawran galing office. 8:30 na, at wala pa rin siya. Baka may pinapaayos pa si boss? O baka na-traffic? Sa bagay may kalumaan na rin ang kotse ni Baekhyun, so baka hindi na rin mabilis ang takbo nito. “Teka, matawagan nga,” ani niya sabay labas ng cell phone.
Hindi pa niya napipindot ang number in Baekhyun sa speed dial nang marinig niyang mag-ring ang phone ni Zitao. Nanlaki bigla ang mga mata ng kanyang kaibigan nang makita ang caller ID. “Uy, si Baekhyun!” Sinagot niya ang tawag. “Hello, Baek! Asan ka na? Andito na kami laha-Ano?!” Tumalon si Zitao papatayo sa kanyang upuan. “Nasan ka? Ah wait, malapit lang. Puntahan ka namin diyan! Wag kang aalis!”
“Ano nangyari?” Nagpapanic na si Chanyeol, mabilis na tumayo sa kanyang upuan.
“Nasiraan si Baekhyun. Nagpapasundo siya sa akin.”
“Ako na lang magsusundo! Dito lang kayo!” Bago pa makaangal ang iba ay tumakbo na siya papalabas sa restawran. Ngunit bago siya makalabas ay narinig niya ang tanong ni Jongdae na biglang bumagabag din sa kanya: “Bakit si Zitao ang tinawagan? Bakit hindi si Chanyeol?”
Hindi siya nahirapang hanapin ang kotse ni Baekhyun na nakatigil sa gitna ng kalsada. Hindi nga lang niya mawari kung bakit mukhang gulat ang kanyang kasintahan nang makita siyang lumalabas sa kotse. “Okay ka lang?” tanong niya nang makalabas siya sa kotse, may hawak na lubid para ito-tow na lang niya ang kotse ni Baekhyun papunta sa pinakamalapit na repair shop.
“Ba’t ikaw ang pumunta rito?” tanong ni Baekhyun.
Nagulat si Chanyeol sa tanong na iyon. Bakit hindi siya ang pupunta rito? “Natural. Ako ang boyfriend mo.” Tiningnan niya ang kotse, at napailing siya. “Kasi naman, Baek, kakasabi ko lang na kanina na mape-perwisyo ka pag dinala mo yung kotse na yan eh. Eh di ka na naman nakinig sa kin.”
Itatali na ni Chanyeol ang lubid sa likuran ng kotse niya nang pinigilan siya ni Baekhyun. “Yeol, ako na-”
Tinulak ni Chanyeol ang kamay niya. Ano ba problema ni Baekhyun ngayon? Siya na nga ang tinutulungan eh. “Bakit nga ba si Zitao yung tinawagan mo?”
“Yeol, ako na sabi eh-”
“Akala ko ba ako yung una sa speed dia-”
“Chanyeol, makinig ka muna, pwede?”
Gumana ang pagsigaw at napatigil si Chanyeol, naguguluhan kung bakit mukhang galit at mangiyak-ngiyak na naman si Baekhyun. At never pang nagtaas ng boses si Baekhyun sa kanya, kaya nalilito siya kung-“Ano problema mo?!” tanong niya, medyo galit na rin.
“Chanyeol, please, pakinggan mo ako ...” Mahinahon na ang boses ni Baekhyun. “Please ... ayoko na.” Humihinga siya nang malalim, mukha nang malapit na mahulog ang luha sa kanyang mga mata. “Kailangan ko na tong tapusin ...”
Napabuntunghininga si Chanyeol. “Baek,” pasimula niyang banggit, “kung may plano ka na namang mag-resign sa trabaho, wag mo na ituloy. Sayang lang ang napagaralan mo eh.”
“Alam mo, nasasabi mo lang yun kasi wala ka sa posisyon ko eh!” pakli ni Baekhyun. “Ikaw nageenjoy sa trabaho mo, eh paano ako? Hindi ko maipagmalaki ang ginagawa ko dahil ginagawa lang akong utusan!”
Eto na naman tayo.
Matagal nang alam ni Chanyeol na ayaw na ayaw ni Baekhyun ang kanyang trabaho sa kumpanya. Palagi na lang siyang nagrereklamo sa kanya kung gaano nakakainis ang boss, na wala siyang creative input sa trabaho, na utusan lang siya ng boss, na gusto na niyang umalis.
Siguro nasasabi lang to ni Baekhyun dahil sa nangyari kanina. Nasigawan kasi si Baekhyun ng boss kanina dahil hindi niya inayos ang design na kailangang ipakita sa kliente kaninang hapon. May nagawa nang design si Baekhyun pero binago niya dahil nagrereklamo siya sa aesthetics, pero nasigawan siya ng boss dahil mas gusto niya ang original design.
Hindi nakinig si Baekhyun. Nagalala si Chanyeol. Natatandaan niya ang panakot ng boss na pag nagalit ang kliente ay baka matanggal si Baekhyun sa trabaho. So tinawagan niya si Minseok na palitan ang designs bago magsimula ang client call, at nang dumaan siya sa conference room ay mukhang natutuwa ang kliente at mukhang nanalo sa lotto si boss. Si Baekhyun lang ang nagagalit, at nagi-guilty si Chanyeol, pero alam niyang kailangan niya yung gawin ayaw niyang matanggal si Baekhyun sa trabaho.
“Baekhyun ...” maamo niyang sinabi habang nilalagay ang parehong kamay sa balikat ng kasintahan. “Alam kong mahirap ... pero ito lang ang paraan para maabot natin ang pangarap natin, di ba?”
Natatandaan pa niya ang pangako nila ni Baekhyun noong nineteen years old sila. Magkahawak-kamay silang naglalakad sa isang magandang subdivision nang makita nila ang dream home nila. “Baek,” ani niya habang tinitingnan ang napakagandang bahay, “pag-ipunan natin to, ah? Dito tayo titira at magsasama.”
“Oo,” sagot ni Baekhyun. Nararamdaman niya ang lalong paghigpit ng kapit ng kasintahan sa kanyang kamay. “Pag-ipunan natin, ha, Chanyeol?”
“Syempre naman. Para lang magsama tayo habangbuhay!”
“Corny mo naman!” tawa ni Baekhyun, namumula. Cute talaga si Baekhyun pag nahihiya siya.
Tumawa rin si Chanyeol bago halikan ang kanyang minamahal. “Corny nga, pero mahal mo pa rin naman ako eh~”
Sa third-year anniversary nila ay niregaluhan siya ni Baekhyun ng drawing ng kanilang dream home. Nakasabit ito sa itaas ng kanyang kama, isang paalala na kailangan niyang magsikap, kailangan niyang magsakripisyo, para makamit ang pangarap nila ni Baekhyun.
Bumalik siya sa realidad, two years later, nang tinulak siya ni Baekhyun papalayo. “Chanyeol ... paano kung hindi ko na to gusto?” ani niya. “Paano kung ayoko na maging arkitekto? Paano kung nagtitiis lang ako rito dahil ... dahil nain-love ako sa yo? Paano kung ... paano kung hindi tayo bagay sa isa’t isa?”
Hindi makapaniwala si Chanyeol na naririnig niya at napahawak siya sa kanyang kotse at nararamdaman niya na baka mahimatay siya. “Naniniwala ka ba diyan?” tanong niya, nagdadasal na phase lang to ni Baekhyun at mawawala rin to. Baka phase nga lang. After all, limang taon na silang magkasama tapos ngayon lang siya magdududa?
Nagbuntunghininga si Baekhyun sabay sandal sa likuran ng kotse, iniiwasan ang pagtingin ni Chanyeol. “Hindi ko alam,” ang sagot niya. “Pero kung nagdududa ako ng ganito, ibig sabihin may mali ...”
Walang mali, Baekhyun. Eto ako, at ayan ikaw. Perpekto tayo. May pangarap tayo. Ano ang mali doon?
Humikbi siya, tuloy-tuloy na ang daloy ng luha sa pisngi. “Yeol, gusto ko magkaroon ng buhay, gusto ko magkaroon ng trabaho na alam ko ang halaga ko ... Gusto kong magdesisyon ng kung ano sa tingin ko ang makabubuti para sa akin, at hindi dahil gusto mo at dahil matagal na tong plano ...” Pinunasan niya ang mga mata niya gamit ang kamay at nagpatuloy. “Kahit yung problema na ayaw kong solusyonan mo ... sinosolusyonan mo pa rin eh. Yeol ... nakakasakal na eh ... nakakasawa na.”
“Baek ...” Alam ni Chanyeol na nagtutunog desperado na siya, pero alam na niya kung saan ang kahahantungan ng usapang ito at ayaw niya itong mangyari. Baka-sakaling mabago pa niya ang isip ni Baekhyun. Palagi naman silang nagbabati, so kaya pa to. “I’m so sorry. Kung yung tungkol to sa trabaho, hindi na ako makikialam, okay? Sorry na. Please, don’t do this ...”
Tiningnan siya ni Baekhyun, at ang sakit-sakit talaga na makita siya na ganito. Pero mas masakit ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
“Chanyeol, I’m so sorry ... Let’s break up.”
Hindi alam ni Chanyeol kung paano siya nakarating sa condo niya. Ang alam lang niya na ang huli niyang natandaan ay nakatitig siya sa umiiyak na Baekhyun, na may binigkas na tatlong salita na hindi niya akalaing maririnig niya sa tanang buhay niya. “Let’s break up.”
Hindi niya alam kung bakit wala siyang nararamdaman. Hindi naman siya manhid. Ang alam niya na masakit dapat to. Masakit na limang taon silang nagmamahalan, tapos mawawala lang sa tatlong salita? Saan ang katarungan doon?
Baka hindi naman totoo, bigla siyang napaisip. Siguro isang malaking joke lang yun. Magaling naman mag-joke si Baekhyun, di ba? Paminsan.
Baka sakali lang ... Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bulsa at tinawagan si Baekhyun. “Hello, Baek?”
Hindi nga lang boses ni Baekhyun ang narinig niya-si Zitao pala. “Chanyeol,” ani niya bago magbuntunghininga na para bang naiinis siya. “Wag ka na mag-alala. Kasama namin ni Lu Han dito sa repair shop. Kami na maguuwi sa kanya, okay?” At binaba niya ang telepono bago pa mana makasagot si Chanyeol.
Napahiga na lang si Chanyeol at napapikit ng mata. Itutulog muna niya ito. Baka bukas magiging okay na ang lahat. Baka bad mood lang talaga si Baekhyun at hindi talaga niya sinasada ang lahat ng sinabi niya. Hindi naman niya siguro sinasadya lahat ng sinabi niya.
... di ba?
Andyan na si Baekhyun nung pumasok siya sa office, pero andun siya sa conference room, kausap ang boss. Dahil glass walls ang conference room ay nakikita niya na good mood si Baekhyun at ang boss. Napangiti siya. Mukhang okay naman ang nangyayari at hindi talaga aalis sa trabaho si Baekhyun. Mukhang pwede na niyang kausapin si Baekhyun at kalimutan ang lahat ng nangyari kagabi ...
Nakipagkamay si Baekhyun sa boss at saka lumabas ng conference room. Biglang napawi ang ngiti nito sa mukha nang makita si Chanyeol.
“Baekhyun-”
Hindi siya pinansin ni Baekhyun. Sa halip, may nilabas siyang kahon sa ilalim ng kanyang desk at saka pinasok lahat ng gamit niya-ang koleksyon niya ng makukulay na ball pen, stapler niyang kulay purple, mga notebook, mga Post-it ... Tumigil siya doon sa picture frame na may larawan nila ni Chanyeol, larawang nakuha noong Christmas party nila sa opisina. Matagal niya itong tiningnan ni Baekhyun bago niya isara ang kahon at binuhat ito papaalis.
“Baek!” Napatayo si Chanyeol at hinabol ang kasintahan. Kailangan niyang makipagusap kay Baekhyun. Hindi siya nakapagsalita kagabi, baka makumbinse ba niya si Baekhyun na huwag, huwag mo akong iwan-“Baekhyun, please lang, mag-usap tayo-”
Parang walang narinig si Baekhyun. Patuloy siyang naglakad paalis ng opisina, diretso sa hallway.
“Baek, ayusin natin to, please?” halos nagmamakaawa na ang tono ng kanyang boses habang hinahabol si Baekhyun. “Kaya pa naman eh. Palagi naman tayong nagkakaayusan eh. Please, Baekhyun? Give me a second chance?”
Sa wakas, tumigil si Baekhyun, ngunit hindi siya umikot para harapin siya. “Chanyeol ...” ani niya. “I already made a choice, and I hope you can respect that.”
Pero pinili mo akong iwan ... sobra-sobra ang hinihingi mo, Baekhyun. Hindi ko yan kaya ibigay-
“Goodbye, Chanyeol.”
At bago pa sabihin ni Chanyeol ang nasa isip niya ay nawala na si Baekhyun, ang pagkirot ng kanyang puso lumalala sa bawat segundo ng katahimikan matapos mag-ding ang elevator.
“Pare, ano ba, lumabas ka naman ng bahay mo!”
“Oo nga, halika! May free entrance tayo roon sa bagong bar na tinatambayan ni Jongdae!”
Wala talagang plano si Chanyeol lumabas ng bahay. In fact, wala talaga siyang plano na bumangon sa kama. Simula ang break-up, wala talaga siyang ganang gawin ang kahit anong madalas niyang ginagawa. Nalaman niya na lahat ng ginagawa niyang lakwatsa, palaging nandun si Baekhyun, at kung may plano man siyang gawin yun, alam niyang maiisip lang niya ang dating kasintahan, ngunit hindi na niya makikita ang kanyang ngiti, mararamdaman ang haplos ng kanyang kamay. Kaya, ano ang punto?
Ngunit bumangon siya at nagbihis at sumama kina Sehun at Yixing para lang hindi na siya kulitin ng dalawa niyang kaibigan. Nalaman niya ang isang buwan na pala ang lumipas since ... That Day. Hindi na rin niya matantsa ang oras. Madalas ay parang zombie siya sa trabaho, nasisigawan ng boss na mag-focus, pero hindi talaga niya magawa. May upuan sa harapan niya na iba na ang naka-okupa, ang mangingitian niya tuwing bumabati pero hindi sa parehong tamis na maibibigay niya noon.
Maingay sa bar, masikip sa dami ng tao, feeling niya nagiging claustrophobic siya. Binigyan siya ni Sehun ng beer, at hindi siya nagdalawang-isip na ubusin to kaagad at manghingi ng isa pa. Baka ito nga ang kailangan niya. Kailangan niyang makalimutan ang kirot na to ... kahit panandalian lang.
“Hoy.” Bigla siyang tinulak ni Sehun nang naka-ikatlong bote na siya. “Bawal muna malasing. Malapit na mag-perform si Jongdae!”
“Speaking of which, huy, andito siya oh!”
Biglang dumating si Jongdae sa kanilang kinauupan, may kasama. Hindi alam ni Chanyeol na pumapayag pala ang bar na magpapasok ng minors ... o mukhang bata lang ang kasama ni Jongdae, mga mata nanlalaki na para bang nagugulat siya sa kahit anong nakikita niya. “Oh, sa wakas, lumabas na si Chanyeol sa kanyang hibernation!”
“Hindi. Pinilit lang ako ng dalawang to ...” bulong niya na may pagka-bitter.
“Good for you!” Tinapik ni Jongdae si Chanyeol sa balikat bago tingnan ang katabi niya. “By the way, I’d like to introduce my friend, Kyungsoo. Orgmates kami nung college, sa glee club. Kyungsoo, eto si Yixing, si Sehun, at si Chanyeol.”
Nginitian sila ni Kyungsoo. “Nice to meet you. Malapit na kaming magperform, so enjoy, ha?”
“For our next performance,” biglang boom ng boses ng host sa may stage, “give it up for Jongdae ang Kyungsoo!”
Malakas ang palakpakan ng mga tao habang umakyat si Jongdae at Kyungsoo sa stage. Si Jongdae ay nagawa pang mag-flying kiss sa isang grupo ng mga babae, at napatawa si Chanyeol. May potential namang maging artista si Jongdae; mas gusto lang niyang kumanta-kanta sa iba’t ibang lugar kaysa magkaroon ng recording contract kasi raw mas marami siyang makikilala kung ganun.
Nagsimulang kumanta ang dalawa, at sa totoo lang, ang ganda ng boses ni Kyungsoo, yung tipong nakakatunaw ... yung tipong tumatagos sa damdamin tuwing naririnig ...
The first time I fell in love was long ago
I didn’t know how to give my love at all
The next time I settled for what felt so close
But without romance, you’re never gonna fall
Tama ... tumatagos. Nagbuntunghininga si Chanyeol at kinuha ang beer mula kay Sehun.
Pambihirang laron naman to ng buhay, oh.
This is the last time I’ll fall in love ...
Umuulan nang nakarating siya sa restawran isang linggo ang lumipas. Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya, pero tumayo lang siya sa gitna ng kalsada, tinitingnan ang ulan pababa mulang langit.
“Chanyeol ...” narinig niya ang boses ni Lu Han. “Pumasok ka na rito. Magkakasakit ka.”
“Pag nagkasakit ako ... siguro bibisitahin niya ako, no?” ani niya, biglang may idea na bumubuo sa kanyang isipan.
“... Ha?”
“Kakausapin niya ako, no? Maga-alala yun sa akin dahil magkakasakit ako eh ...”
Nakikita niya yun sa mga drama. Yung maghihiwalay ang magkasintahan, tapos magkakasakit yung isa, tapos tatakbo ang isa sa tabi niya upang alagaan siya, at paunti-unting manunumbalik ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Baka sakali lang ... Baka mangyari rin yun sa kanila. Madali pa namang mag-alala si Baekhyun, so malay niya ...
“Chanyeol, tama na. Halika na rito! Walang mag-aalaga sa iyo kung nilagnat ka.”
Nagkasakit nga siya sa sumunod na araw, at ang nakuha niya ay mga text ng “Get well soon” sa opisina at barkada at fruit basket kina Lu Han at Yixing. Wala man lang text o bisita sa tong gusto niyang mag-alala.
Oo nga pala, hindi telenovela ang buhay niya. Mas masakit ang realidad. Mas masakit na may script na gusto siyang sundin pero ayaw namang pumapel na ni Baekhyun dito.
Medyo madali-dali nang mag-move on dahil hindi na dumadaan si Baekhyun sa kanilang reunion. “May bago na siyang trabaho sa isang maliit na kumpanya,” ang kuwento ni Zitao isang beses. “Baka hindi na siya makadaan masyado dahil naga-adjust pa siya sa trabaho.”
“As much as gusto ko kasama natin si Baekhyun, siguro this is for the best,” ani Lu Han. “Kailangan nila pareho ni Chanyeol ng space at mag-move on, at hindi yan magagawa ni Chanyeol habang nandito si Baekhyun.”
Bago ang break-up nila nina Baekhyun, si Lu Han at Yixing ang in-the-running for second longest couple sa barkada. Mas best friend and interaksyon nila sa isa’t isa kaysa mag-syota, at hindi pa sila nagkakaroon ng malaking away. Paano kayang sabihin ni Lu Han nang ganun kadali mag-move on kung nandiyan pa rin ang kanyang kahati? Paano ba magiging buo ang katauhan niya kung ayaw nang bumalik ng kalahati nito?
Isang araw, nagkataon (o hindi) na napadaan siya sa bahay ni Baekhyun. Matagal na niyang iniiwasan ang daan dito pauwi dahil baka lang mag-emotional breakdown siya. Pero dalawang buwan na ang lumipas. Kailangan niyang malaman kung over na ba siya o hindi. Kailangan niya ng closure.
Pumunta siya sa may bintana ng bahay kung saan nakikita niya si Baekhyun na nakaupo sa kainan ng bahay. Marami siyang kasama na hindi niya kilala-baka ang bago niyang officemates. Nagpakulay siya ng buhoy (blonde ba yan?), may eyeliner na sa kanyang mga mata, at lumiliwanag ang kanyang mukha habang tumatawa sa joke na ginawa ng isa niyang kaibigan. Pero ganun pa rin tumawa si Baekhyun, ganun pa rin ang paglaro sa kanyang mga daliri pag naiinip ... lahat ng bagay kay Baekhyun na mahal ni Chanyeol ay nandun pa rin.
“Sampung segundo lang ...” bulong niya sa kanyang sarili sabay lapit sa bintana ng bahay, nagtago sa may puno para hindi siya mahalata ni Baekhyun at ng bago niyang mga kaibigan. “Titingnan ko siya nang sampung segundo, at aalis na ako ...”
“Isa ... dalawa ... tatlo ...”
May lumapit kay Baekhyun na matangkad na lalaki at may binulong sa tenga nito. Biglang malakas ang tawa ni Baekhyun, yung tipong tawa niya sa mga baduy na joke ni Chanyeol. Gwapo si lalaki, pwedeng model. O baka model nga?
“Apat ... lima ... anim ...”
Hindi siya makahinga ... Masyadong close silang dalawa ... paano naka-move on kaagad si Baekhyun? Hindi ba pwedeng umiiyak-iyak din muna siya ... nagdudusa ... nagsisisi?
“Pito ... walo ... siyam ...”
Biglang tumingin si Baekhyun sa direksyon niya, at napawi ang kanyang ngiti. Nakalimutan ni Chanyeol kung paano huminga, na bumilang ng sampu ... Nagkatitigan sila, at parang tumigil ang oras ... Natandaan bigla ni Chanyeol ang araw na una silang nagkita ... nagkatitigan din sila na para bang love at first sight ... nginitian siya ni Baekhyun, nagpakilala, at natawa si Chaneyol nung nagpakilala rin siya dahil nagulat si Baekhyun sa lalim ng kanyang boses ...
“Okay ka lang?” Umupo si Bagong BF sa tabi ni Baekhyun, mukhang nag-aalala.
Mukhang natauhan si Baekhyun at tumango, matamis ang ngiti kay Bagong BF. “Okay lang, Yifan ... May naisip lang.”
“Sampu.”
Tumalikod si Chanyeol at naglakad papalayo. Tangina, hindi pa pala siya over.
Laking gulat na lang niya nang biglang bumasok si Baekhyun sa restaurant nina Lu Han at Yixing ilang linggo pagkatapos dumaan ni Chanyeol sa bahay niya. Ang lakas ng tili ni Zitao, biglang tayo sa kanyang upuan at takbo para yakapin si Baekhyun. “BAEKHYUN! Long time no see! Kamusta ka na?”
“Okay lang!” tawa ni Baekhyun, bago yakapin sina Junmyeon, Jongdae, Yixing, at Sehun. “Pasensiya na ngayon lang ako nakapunta ulit. Busy sa work. Naga-adjust pa.”
“At least ngayon nakapunta ka!” ani Lu Han nang makapasok na siya sa restaurant, iniwang bukas ang pintuan. “Ay, may kasama ka pala!” bulalas niya, gulat sa nakita niya sa may pintuan.
“Uy, Baekhyun, may date ka?!”
Napalingon si Chanyeol sa direksyon ng pintuan, at saka pumasok ang “date” ni Baekhyun. Nakita na niya si Bagong BF, matangkad, mukhang palaging naiinis sa buhay, pero gwapo. Kahit si Yixing narinig niyang bumulong ng “putangina ang gwapo.” Naramdaman niyang may kumukulo sa kanyang loob-looban. Bakit nandito siya?
“Guys,” sabi ni Baekhyun, hindi lumilingon sa kanyang direksyon, “eto si Yifan. Officemate ko.”
“Hello,” bati ni Yifan sabay kaway. “Hinatid ko lang si Baekhyun dito. Paalis na ako-”
“Ay, hindi, sama ka na rin sa amin!” yaya ni Lu Han. Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun, at mukhang takot na tinitingnan siya nina Junmyeon at Sehun, umiiling kay Lu Han dahil recipe for disaster ito.
“Uh ... sige.”
Nginitian siya ni Baekhyun bago tumabi sila ni Yifan kay Lu Han at Yixing. Sabi ni Chanyeol sa sarili niya na ngumiti, ipakita na okay na siya, pero hindi niya magawa. Ang tumatakbo lang sa utak niya ay kung pwede ba niyang bugbugin si Yifan nang hindi malalaman ni Baekhyun o ng kung sino man.
Tahimik ang restaurant habang kumakain sila, maingat na tinitingnan nina Junmyeon at Jongdae sina Baekhyun at Chanyeol. Hindi mapigilan ni Chanyeol na tingnan si Baekhyun at ang bago nitong kasintahan, halos magkadikit na ang mga balikat kahit hindi naman masikip ang posisyon nila sa mesa. Nararamdaman na niya ang pag-init ng kanyang ulo.
“So ... Baek,” si Yixing ang unang nagsalita para mapawi ang awkwardness nilang lahat. “Kamusta ang bagong trabaho?”
Napangiti si Baekhyun at sumagot pagkatapos nguyain ang dim sum sa kanyang plato. “Masaya. Konti lang kami sa office kaya palagi akong OT, pero ang maganda ay hinahayaan akong mag-design para sa kliente.”
“Okay naman ang mga kliente sa mga design mo?” tanong ni Junmyeon.
“Magaling si Baek,” ani Yifan na nakangiti rin. “Alam mo bang pinintasan niya yung disenyo ng bahay ko kaya siya natanggap sa trabaho?”
“Eh malay ko bang bahay mo yun!” tawa ni Baekhyun sabay tapik sa balikat ni Yifan. “At least, buti na lang pala napadaan ako sa bahay mong hindi maganda ang pag-disenyo!”
“Excuse me, binili ko lang yun. Wala naman akong kagalingan sa pagguhit!”
“Hoy, hinay-hinay lang sa PDA. May mga hindi kumportable rito.”
Tumahimik na naman ang grupo, lahat tumingin sa kanya. Hindi mapigilan ni Chanyeol na bumulalas bigla. Ang landi lang kasi ng dalawa eh. Wala bang delicadeza si Baekhyun? Kailangan talagang ipakita na over na talaga siya kay Chanyeol nang ganyan?
“Hindi naman kasi PDA ito eh, Chanyeol,” sagot ni Baekhyun, seryoso na ang itsura.
“Alam mo namang break na tayo, di ba? Na hindi pa ako maka-move on, tapos isasama mo yang boyfriend mo rito?”
“Hindi ko siya boyfriend-”
“Ano pinararating mo sa akin, Baek?! Na over ka na sa akin at nakahanap ka na nang iba? Na kawawa naman ako, tatlong buwan na ang lumipas at ikaw pa rin ang natatandaan ko sa bawat kilos, bawat araw?!”
“Chanyeol, tama na ...”
Natauhan si Chanyeol, at hindi niya namalayang nakatayo na siya nang hinila siya ni Jongdae at Sehun papalayo. Nakatayo na rin si Yifan at si Baekhyun, ang kanyang ex namumula na ang mukha ang kinakagat ang labi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Nakatingin na rin sa kanya ang iba pang kumakain sa restaurant, at si Lu Han ay nilalapitan ang bawat isa para mag-sorry sa kaguluhang nagaganap.
Wala siyang magawa kundi padabog na umalis.
Hindi alam ni Chanyeol kung bakit pumapalakpak ang mga tao, pero nakipalakpak din siya. Nandiyan siya ulit sa bar kung saan kumakanta sina Jongdae at Kyungsoo, kahit lumipat na si Jongdae sa ibang bar, at hindi na niya alam kung gaano karami na ang nainom niya. Kailangan na talagang tigilan ang sobrang pag-inom-sinisigawan na siya ng boss niya dahil parati na lang siyang pumapasok nang lasing-pero hindi talaga niya mapilitan ang sarili niya. Ito lang ang paraan ng pansamantalang pantakas sa sakit na lalong lumalala habang lumilipas ang oras.
“Huy.”
Pamilyar ang boses. Tumingin si Chanyeol sa pinanggalingan ng boses, at nakilala niya ang nakaupo sa harap niya na si Kyungsoo, mukhang concerned. “Ah, hello ... Kyungsoo, di ba?”
“Chanyeol, di ba? Kaibigan ni Jongdae? Andito ka na naman.” Kinuha ni Kyungsoo ang bote ng beer na nilapag ng waiter bago pa ito kunin ni Chanyeol.
“Magaling kasi ang performers.”
Tinawanan siya ni Kyungsoo. “Pero hindi ka naman nakikinig, eh! Inom ka lang nang inom!”
“Hindi kaya! Maganda ang boses mo! At yung mga pinipili mong kanta, lalo akong ginagawang malungkot!” Hindi tama na sabihan siya ni Kyungsoo ng ganyan. Paano ba siya di malulungkot kung lahat ng mga kanta niya tungkol sa mga pag-ibig na nawala? Para bang sinasadya niyang matamaan si Chanyeol.
Sumimangot ang kanyang kausap. “Pasensya na kung ayun ang naramdaman mo ...” malumanay niyang sabi. “Hindi ko alam ... Actually, alam ko ang tungkol sa break-up, pero hindi kasi tayo close so ...”
Hindi na siya pumupunta sa Friday reunions nila. Pagkatapos nang nangyari noong nandun si Yifan ay nahihiya na siyang magpakita sa kanyang mga kaibigan. Sila na nga ang naging pinaka-supportive sa kanya sa break-up tapos ayun ang gagawin niya. Mas mabuti na muna na iwasan niya sila hanggang feeling niya ay okay na ang lahat.
Pero mahirap na wala sila. Mahirap na wala siyang matawagan, at para bang bumalik siya sa kung saan siya nagsimula pagkatapos ng breakup. Kumikilos siya sa araw as usual, pero nababalutan siya ng pagmamanhid at, pagkatapos, tatamaan siya ng matinding kalungkutan. Kung pwede lang talaga ay itatapon niya ang sarili niya sa bangin, para matapos na to lahat. Milagro lang na hindi pa niya to nagagawa.
“Apat na buwan na, Kyungsoo ...” Nagbuntunghininga siya, pinipigilang umiyak. Ilang beses na niya yan ginagawa; mas nakakahiya kung gagawin niya to sa harap nang maraming tao, sa harap ng taong hindi pa niya gaanong kilala. “Naka move-on na siya. Bakit ako hindi pa? Bakit hindi ganun kadali para sa akin?
“Limang taon ... ganoon lang niya kadaling binaliwala? Paano naman ako? Hindi ko alam kung paano uusad dito, kahit gusto ko ...”
“Wala namang deadline ang pag-move on, Chanyeol,” sagot ni Kyungsoo. “Pero hindi ka rin dapat nalulunod sa kalungkutan.”
Nagbuntunghininga siya. “Easier said than done ...”
Hindi kaagad sumagot si Kyungsoo, nakasimangot na para bang naghahanap ng tamang sasabihin.
“Oo nga pala, pasensiya na, ha? Naglalabas ako ng sama ng loob sa taong minsan ko lang makasama ...”
Umiling si Kyungsoo. “Okay lang. Minsan mas nakakatulong pa nga na magsabi ng problema sa hindi mo kilala eh. No judging. Iba ang point of view pag magbigay ng payo.”
“Talaga?” Napangiti si Chanyeol, medyo masakit kasi matagal na siyang hindi ngumingiti nang taos-puso. “So, ano ang maipapayo mo?”
“Na umalis tayo rito.”
Wala namang mawawala sa kanya pag hindi siya sumunod, napaisip ni Chanyeol. Tumayo siya at sinundan si Chanyeol papaalis ng bar.
Tahimik silang naglakad sa madilim na kalsada. Tumigil si Kyungsoo sa malapit na vending machine at binilhan siya ng bote ng tubig. “Sasakit ulo mo pag puro alcohol yang iniinom mo,” payo niya.
“Ngayon lang to ...” Binuksan niya ang cap ng bote at uminom, ang tubig malamig sa kanyang lalamunan.
Tumigil siya nang napatigil si Kyungsoo sa isang tindahan, may tinitingnan na vase na nakadisplay sa bintana. Napansin niya na nakatitig si Kyungsoo sa isang vase na mukhang basag pero parang ginamitan ng gintong glue para mabuo to ulit.
“Ang ganda niyan, no?” bulong ni Kyungsoo, para bang nabibighani sa kanyang nakikita.
“Pero basag na siya eh ...”
Tumango si Kyungsoo. “Oo, pero alam mo ba na may ginagawa ang mga Hapon para mabuo at pagandahin muli ang nabasag na vase?”
“Gintong glue?” hula ni Chanyeol, obviously dahil ito ang kanyang nakikita sa harapan niya.
Pinagtawanan siya ni Kyungsoo. “Close enough. Nilalagyan nila ng ginto yung mga biyak ng vase. Alam mo kung bakit?”
“Bakit?”
“Naniniwala sila ... na mas gumaganda ang bagay na nasira. Dahil sa kasaysayan at dahil sa pinagdaanan nito.”
Tiningnan ni Chanyeol muli ang vase, at nakikita niya na tama nga si Kyungsoo. Weird na isipin na gusto niya maging ganyan din. Nabasag na rin siya, tinatangka niyang pulutin ang mga basag na piraso ng kanyang buhay at muling buuin ito. Baka iyan ang kailangan niya-ginto. Kung ano ang gintong yun sa totoong buhay, gusto niya hanapin.
“Kyungsoo ... salamat.”
Naramdaman niya ang mahinhing paghawak ni Kyungsoo sa kanyang braso. “You’ll be okay. I promise.”
Sana nga, pero biglang lumakas ang paniniwala ni Chanyeol na maybe, just maybe, liliwanag na ang buhay niya.
At lumiwanag nga. Paunti-unti, pero at least, hindi na siya nahihirapang bumangon sa kanyang kama bawat umaga. Bumalik ang kanyang gana kumain. Hindi na siya nasisigawan ng boss niya.
Pumupunta pa rin siya sa bar, pero tumitigil na siya pagkatapos ng isang baso. Panonoorin lang niya ang performance ni Kyungsoo, at pagkatapos noon ay aalis na sila para maglakad-lakad. Ikukuwento ni Kyungsoo ang kanyang dream restaurant, ang kanyang singing career, lahat na ng pwedeng maikuwento. In return, magkukuwento si Chanyeol tungkol sa kanila ni Baekhyun hanggang hindi na masakit ang bawat banggit ng pangalan ng ex at hanggang magkuwento siya tungkol sa kanyang trabaho, kanyang mga pangarap.
“Naka-sentro ang mga pangarap ko sa amin ni Baekhyun, kaya noong nawala siya ... nakalimutan ko na kung ano talaga ang gusto ko,” inamin ni Chanyeol isang beses.
“Ano ba talaga ang gusto mo?” tanong ni Kyungsoo. Binigyan niya si Chanyeol ng plastic na baunan na may kimchi spaghetti, specialty niya.
Masarap ang kimchi spaghetti ni Kyungsoo. Namimiss tuloy niya ang lutong-bahay ng ate niya. “Gusto kong mag-around the world,” sagot niya. “Ang daming gusto kong puntahan na lugar, marami akong gustong pag-aralan na kultura.”
“Saan mo unang gusto pumunta?”
Ngumiti si Chanyeol. “Sa Japan, the land of anime and manga,” sagot niya. “Gusto kong kumain ng sushi, panuorin yung paborito kong banda, bisitahin yung best friend ko na nagtatrabaho roon. At gusto ko rin mag-hike sa Mt. Fuji.”
“Eh di go. Bilhin mo na yung plane ticket at lumipad ka na doon!”
Tumawa siya. “Ganun lang ba kadali?” tanong niya. “Hindi muna pag-iisipan ang iiwan mong trabaho?”
Nagkibit ng balikat ang kanyang kausap. “Malay mo. Kung gugustuhin mo, may paraan, di ba?”
Bumili si Chanyeol ng travel guide sa pinakamalapit na bookstore. Nang makauwi siya ay inayos niya ang kanyang itinerary, nae-excite na sa kanyang paglalakbay, kung kailan man yun.
Anim na buwan pagkatapos ng break-up ay nagawa na niyang tanggalin lahat ng gamit nila ni Baekhyun. Naggugol siya ng buong Sabado para tanggalin ang lahat-ang toothbrush at tuwalya ni Baekhyun sa banyo; ang box na nandun lahat ng resibo sa lahat ng kinainan nila, tickets sa movies at amusement parts na napuntahan nila; ang album na nandun lahat ng litrato nila for the past five years-hanggang wala nang bakas at alaala ni Baekhyun sa tinitirahan niya.
Lumulubog na ang araw, at iisa na lang ang natitirang alaala ni Baekhyun sa condo niya-ang drawing niya ng kanilang dream home na nakasabit pa rin sa itaas ng kanyang kama. Para siyang baliw matapos niyang tanggalin ito kasi sino ba ang tumatawa at umiiyak nang sabay?
Pero hindi siya umiyak nang matagal. Eto na ang huling beses na iiyak siya para sa taong minahal niya nang pagkatagal-tagal.
Nilagay niya ang lahat ng ala-ala ni Baekhyun sa isang malaking kahon at nilagay doon sa storage room na minsan lang niyang dalawin.
It’s time to move on.
Nag-ring ang kanyang telepono, at sumagot siya sa hindi inaasahang boses. “Jongin? Di ba nasa Japan ka?”
“Oo, andito pa rin. Bakit?”
“Wala lang. Napatawag ka kasi eh.”
“Bakit, di ba pwede?”
“Wala akong sinabi ah!” Tumawa si Chanyeol sabay higa sa kama. Feeling niya mahaba-habang usapan to-palagi naman tuwing napapatawag si Jongin. “Kamusta ka na? Long time no call eh!”
Mahaba-haba nga ang usapan. Nalaman na lang niya na natanggap si Jongin na choreographer sa isang talent agency at siya ang in charge sa choreography sa concert ng isang idol group, kaya medyo busy siya hanggang sa susunod na buwan. Nagkuwento siya sa lahat ng pinuntahan niya sa Tokyo, lahat ng mga kaibigang nakilala niya, mga estudyante niya ...
“Ikaw, kamusta?” tanong ni Jongin nang tapos na siyang magkwento. “Nabalitaan ko na kayo ni Baekhyun ...”
Tumahimik nang sandali si Chanyeol. Naka-anim na buwan na simula ang break-up. Hindi na niya to pinaguusapan; hindi na rin siya nagpapakalasing o iniiyakan to. Masyadong masakit noong binaba niya ang picture frame na may drawing ni Baekhyun ng dream house nila, at nakalagay ito sa kahon, kasama ang iba pang gamit na binalik ni Baekhyun sa kanya isang linggo pagkatapos ng breakup.
Natatakot siya na, kapag pinagusapan niya to ulit, babalik ang sakit.
Pero ngayong kausap niya si Jongin, wala na ang kirot sa puso. “Oo, six months ago pa.”
“Pare ... sorry for not being there. Hindi ko akalain ...” ani ng kaibigan.
“No, it’s okay ... Medyo okay na rin ako ... Medyo lang ...” Napagisip siya kung talagang medyo okay na siya, pero feeling niya hindi na siya nagsisinungaling sa sarili niya.
“At least, kahit papaano, may part sa iyo na okay na.”
“Sa bagay ...” Napangiti si Chanyeol. “Ay, Jongin. May tanong pala ako.”
“Hmm?”
“Di ba inalok mo ako ng engineering position diyan sa Tokyo? Available pa ba yun?”
The next day, nilapag niya ang resignation letter sa lamesa ng boss at umalis nang wala mang paliwanag. Narinig naman niya sa officemates na inaasahan na nilang mangyayari to (“Pagkatapos ng break-up, hindi na siya magaling eh!”), pero hindi na lang niya pinansin ang mga bulong. Nginitian niya ang kanyang naging mga kaibigan at nagpaalam, hindi man lumingon muli nang umalis siya sa opisina.
Hindi niya alam kung bakit napakagaan ng kanyang pakiramdam, pero malugod niya tong tinatanggap. Panahon na para magbagong-buhay. Simula pa lang ito.
Si Jongin ang nagayos ng lahat ng kailangan niya para sa Japan, mula flight details hanggang accommodations (may space naman para sa kanilang dalawa sa maliit niyang apartment sa Tokyo). Habang siya ang nagaayos nun, si Chanyeol naman ay nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para hindi siya lost in translation sakaling naligaw siya sa Tokyo at kailangan niyang magtanong kung paano makauwi.
“Is this seat taken?”
Tumingala si Chanyeol, nagpapasalamat na na-distract siya sa pag-aaral niya ng Kanji. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Kyungsoo, may hawak na suitcase. “Uy, Kyungsoo! Andito ka? Ay-Sige, go. Wala akong katabi.”
Tumawa si Kyungsoo sabay tabi sa kanya. “May flight ako ngayon. Ikaw? Kamusta?”
Napasandal si Chanyeol sa upuan at sinara ang libro-sumasakit na ang ulo niya sa alpabetong kailangang niyang kabisaduhin. “Hindi pa okay, pero ... I’m getting there. Inaayos ko na buhay ko, umaalis na ako sa comfort zone. Lilipad ako sa Japan dahil inofferan ako roon maging engineer, at hindi ko alam kung magiging fluent ako sa Japanese, pero excited ako.” Napangiti siya. “Marami akong opportunities noon. Hindi ko na to sasayangin.”
Nakangiti si Kyungsoo sa kanya. “Mabuti naman. Hindi ka naman siguro tumatakas sa kanya ... di ba?”
Nagkibit siya ang balikat. “Ewan ko, Kyungsoo ... pero siguro tama siya. Kailangan ko na ring hanapin ang sarili ko-si Park Chanyeol na walang Byun Baekhyun. Kung nahanap ko na yun, saka ko na lang siguro malalaman kung worth it pa rin na habulin siya.”
“Hmm ...” Umayos si Kyungsoo sa kinauupuan niya para lumiit ang distansya nilang dalawa. “Kung ano mang mangyari, I wish you the best of luck.”
“Ikaw rin! Good luck sa ... saan ka nga ba pupunta?”
Naging misteryoso bigla ang ngiti ni Kyungsoo, na para bang may sikreto siyang sasabihin sa kanya. “May upperclassman ako noong college na nagyaya sa akin mag-perform sa ibang bansa. At dahil malakas ang loob ko, nag-oo ako.”
“Wow naman! Malay mo sumikat ka doon! Saan ka pupunta?”
Biglang nagiba ang paningin ni Kyungsoo, doon sa malayong espasyo mula kinauupuan nila hanggang departure area. “Sa Tokyo.”
“... Ha?” tanong ni Chanyeol at baka iba ang narinig niya, o nagbibiro lang si Kyungsoo. Ngunit mukhang hindi nagsisinungaling si Kyungsoo, at hindi rin niya mapigilan ang pagkagulat at kagalakan. “Talaga? Mukhang magkikita-kita pala tayo ah!”
“Basta bibisita ka sa bar ah!”
“Promise!”
Nakakatakot isipin na sasabak siya sa di pamilyar na lugar, pero sa tingin niya ay kailangan niya to. Limang taon nasa isang lugar, isang direksyon lang, sa kung saan ang ligtas. Kailangan niyang sumabak... mabuhay ... kahit na mag-isa lang siya.
Well, technically, mukhang hindi siya nag-iisa. Not anymore.
notes:
* fyi kinatatakutan ko ang reveals dahil may mga nagsabi na sasakalin ako o hahagisan ng monitor, so ... /tago
* may sequel in the works.
* maraming salamat kay
mara_ciro at
matsumaixx, ang dalawang kinuwentuhan ko noong brainstorming stage. baka nahirapan ako sa fic na to kung wala ang tulong niyo ♥
* maraming salamat din sa google translate, ang bff for life now and always para sa tagalog ko.
* maraming salamat din sa iyo, aking inspirasyon. it’s time to move on.