Pamagat: Blush
May-akda: ako syempre hahha
Labtim: ci Ryosuke at Shida na sinaw-sawan ng UmiChii at Ohgojima
Genre: fluff??
Rating: pambata
Buod: ambisyosa si Ryosuke; Na-badtrip si Shida
Isang tahimik at normal na araw sa historical na buhay ni Shida (parang na sa History book ung buhay nia, Ah...)Biglang namang itong nagulo nang may baboy na sumigaw na mula sa likod at pilit na nilalakasan ang boses para marinig niya dahil may earphones na nakasaksak sa tenga niya.
"SHIDAAAAAAA!!!!!" malakas na sigaw ni taba,ngunit di parin marinig ng binging prisensa.
Tila ba na iniiwasan ni Shida si Ryosuke at hindi pa rin limilingon kahit alam niya na pwede ng alarm clock ang boses ni tabs na kayang
gumising sa buong sambayanan.
"ano ba?! Ang aga-aga nambibwisit ng may buhay ng may buhay?!" pagalit na sigaw ni shida sa nanlilit na bata sa gilid na kanina pa nasigaw.
"wala lang namiss kita eh!" pangiting sagot nito at lumapit sa kanyang
mukha
Blush naman ang lola. Ayun, inisnab na lang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok sa bonggang-bonggang room nila na parang
department store sa SM ang decorations na para sa Christmas, binati siya ng kanyang best friends-to-death na ata dahil di na halos
mapaghiwalay na si Umika at Suzuka at kinukulit na NAMAN siya tungkol kay Ryosuke.
"ano ba hindi ko boyfriend ung baboy na un!!!" sabi ni Shida
"anong pinag-uusapan niyo?? Ako ba un ??"ngiti ni Ryosuke na parang bata at dumikit na naman kay Shida
"gusto mo ng glue, Ryosuke?" tanong ni Chinen sabay abot naman ng glue- literal na glue
"eto pa stapler para di na kayo maghiwalay para masagot ka na niya" asar ni Yuto, nag-abot nga talaga ng STAPLER
Ngiti naman tong Ryosuke na 'to. Kinlig masyado, kilig to the bones. Di napansin ni Shida na talagang masyadong malapit ang mukha niya kaya paglingon nito,namula ng sobrang ang mukha niya.
"k-kelan ka pa nandyan?!" sigaw ni Shida sabay layo kay Ryosuke
"kanina pa!" ngiti na lang ulit si taba
"uy~~ si shida namumula!!!" asar ni Umika habang yakap-yakap ang cute na squirell niya
"oo nga!!!" dagdag pa ni Suzuka
"weehh~~n-nag-blush-on ako n-ngayon ah!" kabadong sagot nito kahit alam niyang hindi effective na palusot un (isang dakilang sinungaling si Shida XD)
"ayos! kelan ka pa natutong mag-blush-on aber?" banat ni Umika na patuloy na kinikiliti ni Chinen, parang rape na nga ata iyon
"oo nga, sabi mo nun mabigat sa mukha kaya di ka naglalagay" dagdag din ni Suzuka na ginagawa ng teddy bear ni Yuto kakayakap
Na-feel na niya na hindi TALAGA effective ang kanyang palusot kaya bumanat pa siya ng ISA
"may taping kasi kaya... un may blush-on... ako?" wala na buko na siya at nag-isip na ng back-up plan
"cge na, suko na ko buko na ko eh.."
"Guilty siya!!!"sigaw nila sabay tawa
Walkout na lamang si Shida at napangisi naman si tabs. Naglabas ng hinanakit sa mundo si Shida sa rooftop. Syempre at kasama na ang pesteng sumisira sa araw niya. Sumigaw at umupo. Habang si Ryosuke naman ay nakikipag-chikahan kina Suzuka at Umika.
"ayokong maging member si Shida ng SMP!!" reklamo ni Umika
"S..SMP?" tanong ni Chinen
"alam mong muntik na tayong maging member nun kung di kita sinagot
diba?" satsat ni lola sabay kurot sa pisngi nito
"ah~ gets ko na! Samahan ng Malalamig ang Pasko" bilis ata ng pagreply ni Chinen. Ba-lumelevel up ah~
"hmmm... muntik na rin kaya akong member nian~" sabat naman ni Suzuka
"asus...napuyat kaya ako kaka-chat sayo para sagutin mo lang ako.
"Mahirap kasing maging member nian eh" sawsaw ni Yutona busy sa pagbabasa ng libro at sabay halik sa noo ni Suzuka
"ayus...pa-sweet pa tong kawayan na 'to ah" sabat ni Shida
"inggit ka lang kasi magiging member ka ng SMP! Bleh~" asar ni tangkad
Nabwisit na naman ito at nilantakan na lang ang baon nitong onigiri. Lumamon ito na parang wala ng bukas. Lumapit naman si Yamada at nag- sorry dahil siya ang dahilan kung bakit badtrip ngayon siya.
"sorry na~" umatake ang napakacute na puppy eyes nito at killer smile
nito
Tingin naman ng masama si Shida, tumayo at ngumiti sq kanya.
"sige na, apology accepted na... baka masira pa araw ko" ngiti ulit nito
Napatigil naman si Ryosuke at tila ba nanliwanag ang araw nito. Isang ngiti niya lang, wala na, KO na si tabs. Tumba na at hindi na makatayo sa saya. Sinundan niya at wala namang magawa ang prinsesa kundi maki- ride kay tabs. Ngiti naman ng ngiti na parang wala ng bukas ito.
---------------
"SHIDA!!!" sigaw ni Ryosuke,ba hindi na ata malakas ang sigaw niya. Lumelevel-up ata siya ngayon o dahil ba silang dalawa lang ngayon.
Kahapon kasi...
"tara chinen, punta tayo dito bukas!!" aya ni Tangkad. Napalingo naman
ito at lumapit
"WOW~" sabi nito na may kasamang pang galaw ng ulo at may expression
pa ang pagsasalita.
"cge punta tau diyan!!" biglang sumingit si taba
"oo nga bakasyon naman na eh" ngiti ni Suzuka "ikaw Shida? Sama ka?"
dagdag pa nito
Walang sumagot, lumingon siya at nakita ang tulog na syota ni soon-to- be-syoya ni taba. Binatukan niya ito, wa-epek. Sinipa ang mesa, wa- epek pa rin. Hinila ang upuan, ayun effective, nagising din ang tulog na bata.
"ba hindi nagalit?'bulong ni Suzuka sa sarili
"syempre sama ako!" sabi nito
"alam mo ba kung saan?" banat ni Ryosuke
"san?" tanung nito sabay kamot ng mata
"sa hotel..." bulong nito sa tenga sa tonong smexii
Todo blush na naman ang lola mo. Natawa lang si Ryosuke at lumapit sa mukha niya at sinabing "at syempre joke un! Hahaha!" wala ng nagawa si Shida kundi ma-pout at tumawa
-------------
"bat wala pa sila?" galit na sigaw nito at tumayo. Namuti na nga ata ang mga mata ni Ryosuke dahil di siya sumasagot. Pinuntahan niya ito at tinignan niya
"Puchang ama naman to! Tulugan ba ako?!" sabi nito sabay batok na malakas sa ulo ni tabs na mahimbing na natutulog.
"oh ~~ magandang umaga...?" tingin sa mga mata ni Shida na nanlilisik
"tae ka!! Tulugan ba ako? Galing mo ah!" pag-uuyam niya sabay hataw sa braso nito
Dahan-dahan namang hinaplos niya ang bagong hataw lang na braso.
"sabihin mo nga, nasan na ung iba?" mahinahong tanong nito
"malay ko" proud na reply ni taba
"isa pa! Di ka na sisikatan ng araw!" banta nito
"joke lang...to naman di mabiro" kabadong sagot ni Ryosuke
"inindian na ata tayo nun"
"parang" arte ni taba. Alam niya namang talagang di makakadating ung apat. Planado kasi un. XD
"anong gagawin natin?" isang tangang tanong no shida
"mag-date tayo!" malanding sagot naman nito, tila ba excited
Todo blush na NAMAN ang prinsesa, napunta na nga ata lahat ng dugo niya sa ulo niya sa sobrang pula. Ngisi naman ng ngisi ang demonyong nang-aya na mag-date sabay hatak sa malabot na kamay na shida na hindi paring nawawala ang pagkapula. Baka gusto na ngang kagatin ni Ryo ung mukha niya dahil para na atang istraberi.
Nag-saya magdamag ung dalawa na akala mo wala ng bukas. Hindi nila alam, ay di lang pala alam NI Shida na may mga daga na sumusunod sa kanila. Planado nga kasi ang date nila.
Syempre di pahuhuli ung apat, nagdate din sila. Kain dito, punta dito, kain na naman, sakay dito, kain ulit, hindi na nga kain un. LAMON NA
ATA UN.Ayun balik sa dalawa na nakasakay sa Ferris wheel, hate na hate na ride ni taba pero walang magawa para lang mahawakan kamay ni KRAS, pinagsapalaran ang takot.
"alam mo, di ako nainis ngauon, hindi ako nabadtrip" sabi ni Shida habang pinagmamasdan ang paligid
Todo blush namang tong si taba. Sagad hanggang buto. Basta sobrang kilig siya. Asdffsjsgfhd. Di na ma-explain. (di na kaya ng writer i-
explain kaya yun na lang ang nilagay XD) Sasabog na nga ata siya.
"so sasagutin mo na ko?" biglaang tanong nito
Natameme sandali si Shida at pinilit intindihin ang sinabi niya. Nagbugtong hininga ito at tumingin ng diretso sa mga mata ni Ryosuke.
"wait ka na lang diyan..." bulong nito na narinig naman niya dahil malakas ang pandinig niya.
"anu ba yan!! Hindi ko makita!!!" reklamo ni Yuto habang sumusulyap- sulyap dun sa dalang niyang binoculars
"san mo nakuha yan?" tanong ng kanyang prinsesa
"sa bata!"masayang sagot nito sabay turo dun sa bata na nahagulgol "ayun oh!" dagdag pa nito
"ui balik mo yan!!" palo na malakas sa braso nito
"ehhhh!!!?" reklamo nito
"basta balik mo sa bata yan! Teka pasilip kung ano ng nangyayari" hampas ulit sabay hablot nung binoculars
"tignan mo to, hihiram na lang mamamalo pa" pout tuloy si tangkad
Walang pake ang UmiChii kila Shida maski kila Suzuka, basta alam niya nandyan ai Chinen at date nila iyon. Nakalimutan na nga ata ni lola kung bakit sila nandon. Wala siyang naririnig kung hini ang mga makekesong lines ni pandak. Tingin lang ng masama ung dalawang nag-ob-observe.
"alam mo may crush si Shida kay taba kaya imposibleng di niya sagutin un" sabi ni Suzuka sa tonong as a matter of fact
"ou nga no! Nakalimutan ko un ah! Te-he" tawa ni Umika na lalong nakapagpa-badtrip kay bruha
"busy ka kasi dyan sa pandak mong boyfriend"bulong niya pero sinadya niyang lakasan ung 'pandak mong boyfriend'
"HUH?! May sinabi ka?!" sigaw ni sabay tayo sa harap ni Suzuka
"bakit totoo naman ah!!!" mas malakas na sigaw sabay tayo at tingin kay umika
"girls."awat ni Chinen ngunit...
"manahimik ka dyan! Huwag kang mangeelam dito ha!!"bulyaw ng dalawa
"huwag na lang natin silang galawin baka lumalala pa..."bulong ni yuto at nagpatuloy sa pagmasid kila Shida at Ryosuke
"ala!!!!!" sigaw ni chinen
Napalingon ang dalawang manok na nagsasabong sa sigaw ng squirell
"anong nangyari?"pag-uusisa ni Suzuka
"sinagot na ata ni Shida..."
"magki-kiss na sila~" kilig to the max si Tangkad
"siguro pwede na nating iwan yan no. Tayo na naman ang mag-date!" ngiti ni pandak
~~~~~~~~~~~
Makalipas ang isang linggong kesoysn at pagpapasweet sa kanilang mga girlfriends. Eto may date ulit sila Shida, pero parang may nakalimot.
"asan na ba yon?!" sabi ni Shida sabay kamot sa ulo nito
Dial na siya ng dial ng number nito at tinatadtad na nito ng mail ang number ni taba, pero di man lang sinasagot ni Ryosuke. Pagkatapos ng 20 dials, ayun sinagot na rin.
"bat ang tagal mong sagutin? Nasan ka na ba?!" bulyaw ni Shida sa cp niya
"Nasan? Sa train, papuntang Jimusho"mabilis na sagot nito
Biglang binaba ni Shida ang telepono. Tinawagan naman ni taba para humingi na tawad. Sinagot naman ni Shida
"Sorry ah... I totally and completely forgotten about it, wala pala kaming pratice ngayon. Hehe" tawa nito
"tawa ka pa dyan, completely forgotten... Ano ka endorser ng Modess?" naiiyak naman ng kabilang linya
"Biro lang yon, actually nandito na ko kanina pa"
"San?" nacurious tuloy ito
"sa likod!" lingon si Shida sa likod at may tumambad sa kanyang bouquet ng white roses
Napayakap na lang ito kay tabs at bumulong sa tenga niya.
"I hate you..."sob ni Shida
"sige na, di na po mauulit" dispensa nito
"na-miss kita...sobra" di man nakikita ni Ryosuke ung mukha niya pero alam niya na nag-blush ito ng sobra-sobra
" i love you" mahina pa sa bulong na sabi ni Shida
"ha?"
"sabi ko I love you" nakatungong sabi ni Shida pagkatapos makawala sa
yakap ni Ryosuke
Tinaas naman niya ang ulo ni Shida at nilapat ang kanyang labi ni nito.
"i love you too" ngiti nito
Ngiti naman hanggang tenga ang loka, mabilis na hinatak niya ang kamay ni tabs at pumunta ng hotel,este, Amusement park para sa kanilang DATE. Ayun, save na ang pasko nila, di na sila magiging member ng SMP, member naman sila ng bagong SMP. Samahan ng MAIINIT ang Pasko.
-Wakas-
Salamat sa mga nagbasa!! Ma-appreciate ko ang mga nagbasa!! TY :))))
Comments are loved :)
A/N:
-Un-betaed
-rush
-siulat sa Ipod :)
-bored
-corny