Title: Strawberry Shortcake
Pairing: Yamada/Shida
Author: macymacymacy
Rating: G
Genre: Romance, Crack, Fluff; in short, General
Summary: ranting ni Mirai...
Warning: FILIPINO. spontaneous... ala magawa eh (mag-aral ka kaya! /shot)... hindi pinag-isipan. hindi maayos pagkakagawa. lower case lahat. magulo.. based sa mga kaibigan kong ang sarap pagpupupukpukin... xD
POV ni Mirai
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
lagi nalang tayong nasa gitna... kaya parang wala rin tayong napupuntahan.
para ka naman kasing sira. hindi kita maintindihan. ang gulo-gulo mo. sabagay kahit sa sarili ko naguguluhan ako. pero kung di ka sana magulo di sana di ganon kagulo buhay ko. pati barkada ko naguguluhan na. hay!!!!! gulo-gulo!!!!
------
"mirai, tabi tayo sa field trip."
nagulat ako bigla ka nagyaya. ako naman pumayag na lang. okay lang naman.
saka ko na lang naalala na nag-usap na pala kami nila suzuka.
nagalit pa sa'kin si saaya dahil bigla kong iniwan si suzuka pero in the end pumayag naman si suzuka na si yuto na lang katabi niya. (iniwan din kasi bigla ni ryosuke si yuto)
nagpaparinig nanaman sila umika dahil nga kami ni ryosuke ang magkatabi sa field trip.
kahit ilang beses kong sabihin na wala namang ibig sabihin yun, hindi sila naniniwala. ano nga bang nakikita nila at mas sigurado pa sila kesa sakin na meron ngang something sa'min ni ryosuke?? ano ba?!
-------
pumunta si ryosuke sa room namin para humingi ng tubig. ayan nanaman si umika at nakatingin sakin na parang may pinaparating. napakamalisyosa talaga nito.
"eh kasi naman, ke layo ng room nila, dumayo pa siya dito para lang makiinom ng tubig? wala bang kahit anong inumin dun? ilan silang nagseshare ng room, lahat sila walang inumin?"
hindi ko nalang pinapansin si umika tuwing nagrireason siya. mag-assume pa ko mahirap na. pero hindi ko naman siya masisi nung tinignan nanaman niya ako ng GANON pagbisita namin sa room nila ryosuke. meron kasi siyang isang bote ng tubig, hindi pa nababawasan.
-------
nagulat ako may mga bago kaming picture ni ryosuke sa lj. si saaya ang kumuha. yung lalakeng yun naman kasi ang harot-harot. lagi niyang pinag-iinitan yung kamay ko. kinukuruton, pinipisil, pinapalo, minamasahe, nakikipag-punong braso. lahat na.
kaya lalong nang-aasar sila suzuka. sa akin lang naman daw kasi ganon si ryosuke. eh ganon siya eh, ano bang magagawa ko...
-------
napansin ni rima na suot ko yung jacket ni ryosuke kaya ayan nanaman sila at nang-aasar. eto namang si ryosuke tinatawanan lang sila. hindi ko talaga siya maintindihan. buong klase inaasar na kami, siya tatawa lang? hindi niya dinedeny o kinoconfirm. hinahayaan lang niya. lahat tuloy sila nag-aassume. hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya.
-------
ilang beses na kami tinatanong kung ano bang meron sa'min. parehas naman kami lagi ng sagot,
"wala nga, magkaibigan lang kami. bestfriends ang turingan namin."
well, siya yung nagsabi na bestfriend kami. kahit ako nagulat nung sinabi niya yun. ang alam ko kasi ang bestfriend niya ay si yuto at ako naman si suzuka.
pero since yun yung sinasabi niya, ride na rin lang ako. yun naman lagi kong ginagawa eh. kaya nga siguro wala kaming napupuntahan. pero hindi lang naman ako ang may kasalanan!
kung umasta siya sa'kin, minsan parang yung simpleng kaibigan mo lang (tapos sasabihin ni saaya, "meron talagang magkaibigang babae at lalake pero super close niyo, hindi na normal.")
minsan parang tatay (at sasabihin naman ni umika, "tatay ka dyan? umaastang boyfriend eh!")
minsan naman parang senyorito (sasabihin naman ni suzuka, "nagpapapansin lang yun.")
hindi ko na alam kung anong iisipin. hindi naman kasi ako manhid, alam ko naman na yung ibang ginagawa niya parang lumalampas na sa pagiging magkaibigan lang. pero hindi pa rin ako sigurado dahil hindi ko naman alam kung normal na ryosuke lang yun. pano kung ganon lang talaga siya sa mga kaibigan niyang babae? (umika: "baket, hindi ba niya kami kaibigan?")
hindi ko na rin alam kung ano bang nararamdaman ko. hindi ko alam kung nadadala lang ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko kaya feeling ko may gusto ako sa kanya. hindi ko rin alam kung nadadala lang ako sa mga nagsasabing may gusto siya sa'kin kaya feeling ko may ibig sabihin na yung mga ginagawa niya.
hindi ko alam kung magkaibigan nga lang ba kami o higit na.
hindi ko alam kung ano ba talagang tingin niya sa'kin; friend? bestfriend? girlfriend? o baka naman alalay???
hindi ko alam kung san na ang lugar ko sa kanya at kung san na siya sakin. (saaya: "matagal na kayong lumampas sa pagiging mag"bestfriend.")
hindi ko alam kung nagseselos ka ba nung nagtext si kanata kaya sinusumbong mo ko kay mam ong na nagtetext ako o kung nagseselos ba ko nung suot ni mariya yung jacket mo o bv lang ako dahil nag-away nanaman kami ni umika.
eh mukang wala ka naman balak magbigay-liwanag sa lahat. ano, iwanan na lang nating ganito?!
ang daya mo naman eh. ano na bang nangyayari sa'tin??
ano ba 'to? pustahan nanaman?! maunang ma-fall talo, manlilibre ng strawberry cake or iced coffee!?!?! kung ganon, tera na dun sa cafeteria, mura lang strawberry shortcake dun! lagi na lang ako namumulubi dahil sayo!
salamat sa mga nagbasa! :D
More fics? Go here--->
FANFICTION INDEX