Titulo: Horikoshi Kindergarten
Genre: Fluff
May-Akda: Macy
Pares: madame eh.
Rating: G
Buod: Chibified horikoshi 3D! X3
/too lazy to search for other chibi pics.
01 Pagsusulit
Kanina pa sinusubukan ng apat na taong gulang na si Saaya na takpan ang test paper niya.
Pero eto namang si Jingi, tingin pa rin ng tingin.
Kaya si Saaya, nung pumunta sa likuran yung sensei nila, binato ng eraser si Jingi.
"Aray!" Sabi naman ni Jingi.
"Bawal mangopya sabi ni sensei!" Sabi ni Saaya ng nakasimangot.
Tumingin muna si Jingi kay sensei bago niya sinagot si Saaya ng pabulong.
"Hindi naman ako nangongopya eh." sabi niya.
Tumingin din si Saaya kay sensei, nasa likod pa rin siya.
"Eh bakit nakatingin ka sa paper ko?!" Sabi niya ng nakasimangot pa rin.
"Tinitignan ko lang yung pangalan mo kung bagay sa surname ko!" Sabi naman ni Jingi.
Natigilan si Saaya at namula. Tapos nun, binato naman niya si Jingi ng pantasa.
"ARAY!"
"Syempre babagay, e parehas tayo ng surname! Palusot ka pa eh!"
02 Assignment
Nakita ni Mirai si Ryosuke na nakikipaglaro nanaman kayla Miki.
Nanlisik ang mga mata ng limang taong gulang ng batang babae.
Sabi kasi ni sensei kay Mirai na kaylangan niyang bantayan si Ryosuke kasi may pagkatamad siya.
Pinuntahan niya si Ryosuke. Nagpapatintero sila ngayon.
Kinalabit niya. "Hoy, Nagawa mo na ba assignments mo?"
Si Ryosuke, sumigaw naman ng "Taympers!" at humarap kay Mirai.
"Tapos na." Sabi niya, sabay ngiti ng nakakasilaw.
"Mamatay ka man?" Sabi naman ni Mirai. Kilala niya si Ryosuke. Duda siyang nagawa na niya.
"Oo nga." Sabi naman ni Ryosuke.
"Mamatay man ako?" Sinabi naman ni Mirai.
"Di pa. Gagawin ko na mamaya, promise."
03 Owiee..
Nagulat si Yuto nung nakita niya si Suzuka sa playground na umiiyak.
Nilapitan niya ito.
"Anong nangyari?" Tanong naman niya.
Umilang si Suzuka pero umiiyak pa rin siya.
Nagulat si Suzuka nung niyakap siya ni Yuto. "Sorry..." sabi niya
"Bakit ka nagsosorry?" Tanong naman ni Suzuka. Yakap-yakap pa rin siya ni Yuto.
"Kasi hindi kita naprotektahan sa kung ano man yung nagpaiyak sayo..."
<3
04 Cute
"Bagay ba?" Tanong ni Nozomi kay Shougo habang recess nila.
May suot-suot si Nozomi na bagong headband.
"Ang cute no! Bigay to sakin ni Mirai-chan. Sabi niya ang cute daw saken." sabi pa niya.
Si Shougo naman nakatingin lang sa kanya.
"Oh?! kokontra ka na naman?" Sabi naman ni Nozomi nang nakasimangot ng pabiro.
"May sinabi ba 'ko?" Sabi naman ni Shougo. "Saka, kelan kita kinontra?"
"Lagi mo kaya ako kinokontra! Kala ko kontrahin mo na naman ako eh..." Sabi naman ni Nozomi na nakangiti ng ngayon.
"Kumokontra lang naman ako pag sinasabi mong hindi mo ko kras eh." Asar naman ni Shougo.
Namula si Nozomi.
"Eh hindi nga kita crush ehh!!!"
"Eh bakit namumula ka?? Kras mo nga ako e!!!"
"Hindi nga!!!"
"Bakit kasi ayaw mo aminin?? E kras din naman kita e!"
>w<
05 Tampo
"Umika!" Tawag ni Chii.
Pero si Umika, tuloy pa rin sa pagkukulay ng coloring book niya.
"Umi-chan! Ano ba ginawa ko? Bakit hindi mo ko pinapansin? Di mo ba ko bati?" Sabi naman ni Chii.
Sa wakas, tumingin na si Umika sa kanya.
"Ikaw nga yung di namamansin eh. Lagi ka na lang nakikipaglaro kayla Ryosuke... Nakalimutan mo pa na nagpramis ka na manonood tayo ng Tangled sa bahay namin..." sabi niya.
"Hindi ko nakalimutan! Kaso may practice kami kahapon eh. Sorry na... bati na tayo..." Sabi naman ni Chii.
Nakasimangot pa rin si Umika.
"Gusto mo ngayon na lang tayo manood?" Sabi naman ni Chii.
"Eh di ba maglalaro kayo nila Ryosuke ngayon ng Pokemon card?" Sabi naman ni Umika.
"Okay lang yun. Manood na lang tayo!" Sabi ni Chii.
Ngumiti na si Umika. "Sige."
"Bati na tayo?" tanong naman ni Chii.
"Oo naman!"
---
ba't ang kyooot nila?? XDD
English translation
here... thanks for reading~!