Minsan mong hinawakan ang kamay ko,
mahigpit, namamaalam;
para bang sa aking susunod na pagbalik
ay alam mong hindi rin ako magbabalik.
May kinang sa 'yong mga mata
na unti-unting napupundi,
sa bawat pag-andar ng bus,
sa bawat paglayo ng traysikel
habang ako'y nakasakay.
Sa bawat pagkakataon,
hindi ako lumilingon.
Wala namang tatanawin.
Wala namang bukas na
(
Read more... )