094 [YamaShi] Abnormal (Filipino)

Nov 23, 2010 22:19

Pamagat: Abnormal
May Akda: Macy
Pares: Yamada Ryosuke x Shida Mirai, one-sided YamaRiya
Genre: crack...
Rating: Menor de edad
Buod: assuming si Mariya, clueless si Ryosuke, bayolente si Mirai at abnormal silang lahat.
AN:
-lumang issue... pero gusto ko lang gamitin...
-random. corny. hindi pinagisipan. super-ikli...

'


"Aray!" Sigaw ni Yamada nang bigla siyang sinampal ni Mirai.

"Ba't mo ginawa yun?!" Reklamo niya.

"Sira ulo ka!" Sabi ni Mirai na mukhang nanggigigil sa galit.

"Ako pa ang sira ulo?! Sino kaya 'tong bigla na lang nananampal?! Ano nanaman bang ginawa ko?!"

"Si Mariya! Ano bang gusto mo kay Mariya?! Hindi na kita maitindihan!! Pinapaasa mo lang ba yung tao?! Ano ba Ryosuke!!!" Sabi ni Mirai sabay hampas kay Ryosuke.

"Teka, teka!" Sabi naman ni Ryosuke habang umiiwas sa mabigat na kamay ni Mirai. "Anong Mariya?! Ha??? Anong ginawa ko sa kanya?!"

"Hindi mo alam?! HINDI MO ALAM?!!! YAMADA RYOSUKE! ANG TANGA MO TALAGA! HINDI MO ALAM NA NAFO-FALL NA SAYO YUNG TAO?! ANO, LALANDIIN MO LANG SIYA TAPOS YUN NA YUN?!?!?!?!?!?"

"HA?! Anong nilalandi?!?!" Sabi naman ni Ryosuke na halatang gulong-gulo sa mundo. Tumingin siya kay Mirai. "Ano uli?!"

Pinikit ni Mirai ang mga mata niya na parang nagpipigil. "Ryosuke, makinig ka ha... Kilala mo si Mariya?"

"Malamang!"

"Katabi mo siya nung field trip?" Tanong uli ni Mirai.

Tumango si Ryosuke.

"Niregaluhan mo siya ng pabango nung birthday niya?" Tanong pa ni Mirai.

Tumango muli si Ryosuke.

"Bumili ka ng pares na cellphone strap para sa inyong dalawa? Nakikipag-asaran ka sa kanya? Hinatid mo na siya sa bahay niya? Kilala ka ng mommy niya? Nanood na siya ng concert mo?" Mga tanong ni Mirai na sinagot naman ni Ryosuke ng tango.

"So?" Tanong naman ngayon ni Ryosuke.

"So??! SO?!?! Hindi ba paglalandi yun?! Syempre iisipin nung tao may gusto ka sa kanya or something! Ano ba?! May gusto ka ba sa kanya, kasi kahit kaibigan kita hindi ako papayag na paglaruan mo lang si Mariya!!!!!" Sinabi naman ni Mirai ng pasigaw pa rin.

"May gusto?!?! Wala akong gusto sa kanya!!!!" Sabi naman kagad ni Ryosuke. "Pano ako nagkagusto sa kanya--Ha???? Anong--- Ha????"

"So nilalandi mo lang talaga siya!!!!" Sabi ni Mirai sabay palo nanaman kay Ryosuke.

"Anong nilalandi?! Wala akong ginagawa!!! Kaibigan ko si Mariya, hindi ba pwedeng gawin ng kaibigan yung mga yun?! Saka Mirai! Kasama ka kaya sa concert na yun!!" Retort naman ni Ryosuke.

"Masyado kaya kayong close para sa magkaibigang babae at lalake! Haller, Valentines day yayayain mo siya kumain, ano namang iisipin niya di ba?! Abnormal ka ba?!" Sabay palo uli.

"Valentines?! Anong-- alin, yung last Valentines??? Hindi ko siya niyaya! Pinapasyal ko si Kuu at Cookie noon tapos nandun pala siya sa Mini Stop. Nag-usap lang kami tapos bumili ako ng gatas para kayla Kuu. Ni-hindi nga ako kumain nun eh!! Ang tagal-tagal na nun!! At grabe naman Mirai, may pasa na yata ako, 'wag mo na ko paluin...."

Tumigil si Mirai at tinitigan si Ryosuke.

"Hindi rin eh! Iba mo siya tratuhin eh!" Sabi ni Mirai. "Sa kanya ka lang sweet eh!"

"Kasi nga kaibigan ko siya! Best friend na kung matuturing!" Paliwanag naman ni Ryosuke.

"Kala ko ba si Yuto best friend mo?"

"Oo nga, best friend ko rin siya. Pansin mo, best friend ko matatangkad? Ang tangkad kaya sakin ni Mariya, tingin mo ano naman itsura ko kung niligawan ko siya?!"

"Matatangkad? Pano si Chii?"

"Ah, si Chii mahal ko. Ang mga maliliit mahal ko..."

"Sabi ko nga, mahal mo rin si Dai-chan eh."

"Parang ininsulto mo naman ako, kasing tangkad ko lang si Dai-chan."

"Sira ulo ka ba, kung ininsulto kita di ininsulto ko na rin sarili ko eh mas matangkad ka kaya sakin."

"Yun nga yung point ko eh! Maliit ka!"

Pinalo uli ni Mirai si Ryosuke.

"Ano ba Mirai?!"

"Mayabang ka!! Maliit ka rin!"

"Sabi ko mahal ko yung maliliit! Mahal kita! Hindi mo gets?! Tapos ako tatawagin mong abnormal?!"

WAKAS.




genre: fluff, a: macy, genre: crack, language: filipino, : : horikoshi, t: oneshot, c: nishiuchi mariya, p: yamashi, year 2010, [story for the fandom]

Previous post Next post
Up