046 [OhgoJima] Health Assignment (Filipino)

Aug 10, 2010 02:03


Pamagat: Health Assignment
May Akda: nmacymacymacy
Genre: fluff? kalokohan?
Pares: nakajima / ohgo
Rating: pambata
Buod: May assignment ang august babies para sa health class nila.
A/N:
-dahil birthday ni Yuto.
- POV ni Suzuka
-legends: 'nagbabasa'
                  "Yuto nagsasalita"
                  "Suzuka nagsasalita"
                   flashbacks
-yung ibang flashbacks lalabas sa susunod na fic ko...
-rushed. my major exam pa ko tom. lol






Hay… Buhay na buhay ang klase ngayong Tuesday sa Health… bakit? Puberty ang topic. Ibang klase talaga kapag napapaligiran ka ng berde. Nasa likod ko pa si Shougo. Nasasali pa ang love life sa topic kaya hala, ang daming nagrereact.

Ito namang seatmate ko na si Yuri walang pake sa mundo at binabasa-basa lang yung magazine na dala-dala ni Umika.

Binigyan kami ng assignment by pair. Bahala na raw kami kung sino ang partner namin. Magreresearh lang naman ng anything interesting tungkol sa teenagers nowadays; tulad daw ng pagiging rebels, or yung pagkakaroon ng status quo. Okay lang sana kaso ang pasahan kinabukasan agad dahil sa Thursday na yung field trip namin. Sabagay copy-paste lang siguro ang gagawin namin.

Narinig ko namang sinabi ni Ryosuke na sila na lang ni Mirai ang partner, malamang, magugulat ako kung hindi sila ang magpartner.

"Su-chan, partner tayo..." bigla namang sinabi ni Yuto sa gilid ko.

Yun nga, partner ko si Yuto.

“San tayo?” tinanong ko sa kaya.

“Dun na lang tayo sa Apple.” computer shop yun malapit dito sa Horikoshi.

“Gagastos pa tayo may computer naman tayo parehas.” sabi ko naman sa kanya.

“Ako na ang magbabayad. Okay na yun.”

“Alam ko mayaman ka pero napaka-unpractical mo talaga! Kung ipadala mo na lang yung laptop mo mamaya?”

“Yeah, that will work. May broadband access naman yung laptop ko. Padala ko na lang kay Yabu-chan. Dun tayo sa park.”

Yung park na yun, tambayan ng barkada namin. Lumang park na kasi kaya halos wala nang pumupunta dun, so pwede kami maghang-out dun ng nakarelax.

"Grabe, gawin daw bang driver?"

"Gusto naman niya magdrive eh."

Kaya yun nga, after ng class, hinintay lang namin si Yabu tapos nagpahatid na rin kami dun sa park.

Umupo na kami dun sa usual na bench na inuupuan namin.

Binigay niya sa ‘kin yung laptop niya at binuksan nanaman niya yung magazine ni Umika. Teka, kay Yuri ba to o kay Umika? Sus, ba't ko ba pinoproblema.

“Ano?! Ako lang ang gagawa??”

“Kaya mo na yan. Icopy-paste mo na lang.” Sus, kung ganito di sana umuwi na lang ako sa bahay at dun gumawa. Anong bang binabasa niya diyan sa mag at parang napakahalaga?!

Umupo ako ng cross-legged para may patungan ako nung laptop. Binuksan ko na rin yung laptop niya. Napangiti naman ako nung nakita kong picture ng barkada yung background niya. Hindi Hey! Say! JUMP, kundi kami. Picture namin nung school festival last year at naka-costume pa kaming lahat (ako, Mirai, Umika, Yuri, Ryosuke, Shougo, Jingi, Ryun, Saaya, Yuto).

Pasaway naman itong si Yuto dahil ginaya yung posisyon ko at ngayon nakasandal siya sa likod ko.
Sinimulan ko na rin magsearch…

“Yuu, anong ilalagay kong keywords?”

“Hm… Kanina may nabasa ako dito sa mag tungkol sa ‘teenagers nowadays increasing interest in independence’. Try mo yun.”

Sinunod ko na lang siya at tinype yung words na ‘teenagers,’ ‘interest,’ at ‘independence.’ Ganyan talaga ako mag-search, keyword lang talaga. Tamad na kung tamad.

“Ito na talaga kukunin natin?”

“Kung may nakita kang iba pang maganda di yun na lang.”

“Okay.”

Mukhang maganda yung ‘Teenagers and their Interests,’ kaya yun yung inopen ko. Kaso mukhang maling desisyon yun dahil ang lumabas na page, ang nakalagay…

‘How to know if a guy has interest in you’

Interesting naman kaya binasa ko rin. Baka sakaling may magawa na ko kay Mirai at Ryosuke na ke tagal ko na gusto sapakin dahil hindi nila napapansin na may gusto sila sa isa't-isa. Hay. Sobra sila mag-shine di na nila makita ang pagtingin ng isa't-isa.

‘How to know if a guy has interest in you’

‘Examine his body language. Does he often leans towards you, and also looks at you a lot?’ Okayyyy… Gusto ko sana si Ryosuke at Mirai ang maisip ko kaso magkadikit lang naman kasi ang likod namin ni Yuto ngayon. At nakasandal siya sa ‘kin…

‘He may either look away quickly if he is shy, or he'll try to catch your eye and hold it.’ Napatingin ako kay Yuto nun at nagulat ako dahil tumingin din siya. Nilayo ko kagad yung mata ko sa kanya at tinuon ko nalang sa screen.

‘Pay attention to how many times he uses your name. If you talk to him often, watch how many times he uses your first name.’ Eh so? Ano ngayon kung lagi niyang ginagamit??

‘Pay attention to his friends. If they know he's interested in you, they might tease him subtly when you're around, hint to you that he likes you, or even try to find out if you like him.’
Lahat ng tao inaasar ni Shougo.

‘If he makes you feel special, like always accompanying you or walking you home’

Hindi naman di ba?

‘If he tries to sit next to you at work, in class, at lunch, or play on a team with you during Gym/Recess’

----

First Day of class...

“San ka nakaupo?” Tinanong naman niya sa’kin.

“Dun.” Tinuro ko naman. “Katabi ko si Ryun.”

“Okay. Ryun, dun na lang ako ah…”

-----

Ayaw niya kasi makatabi yung barkada nila Rima simula nung nalaman niyang may crush silang lahat sa kanya.

‘Be aware of touching. Is he always touching you if given a chance? Or always makes an excuse to have that chance?’

------

Kasi naman, nakatawid na kami ng kalye at nasa loob na ng Horikoshi hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko. Eh hindi niya nga ko kaylangang hawakan in the first place dahil hindi na ako bata! Jeez! Kapag sinusubukan kong alisin yung kamay ko, lalo pa niyang hinihigpitan yung paghawak niya. At ang pinakanakakainis ay yung ginawa niya nung may kohai na lalakeng dumaan.

“Kuya Yuto, kayo na?”

“Hin-“

“Obvious ba?”

------

Ngak. Nang-aasar lang yan.

‘If, when you're talking to someone and he jumps into the conversation and tries making fun of you or tries to make you laugh or smile.’

------

"Ba't ang saya ni Yuto ngayon, may nangyari ba?” tanong ni Ryun sa'kin.

Bigla siyang umepal, “Para kasi siyang camera, she makes me smile.”

“Ngek, ang corny ha.” Bigla namang may nagflush. Kinuhaan ako ng picture!

“Ang ganda mo dito oh, nakanganga.”

Malamang, nagsasalita ako nun eh!

------

Nang-aasar lang din…

‘Watch his actions around other girls and see if he treats you differently.’

------

Sa movies...

"Dun, marami pang bakante doon!" tinuro naman ni Yuto dun sa left side ng sinehan.

Sinundan namin siya hanggang dun sa vacant seats. Paupo na sana ako kaso,

"Suzuka, tabi raw kayo ni Yuto." narinig ko namang sinabi ni Saaya

Kaya kaylangan pa tuloy nila lumabas muna sa row dahil nasa dulo si Yuto.

"Ang arte naman niyan ni Yuto, ayaw akong katabi, gusto pa ikaw." binulong naman saken ni Mirai nung dumaan ako.

-------

Eh kasi ang naging katabi na ni Mirai nun, si Ryosuke. Para kay Ryosuke lang talaga yun.

“Suzuka” Nagulat naman ako nung tinawag ako ni Yuto.

Tapos nakipagtitigan lang siya. Awkward, kaya sa screen uli ako tumingin.

“A-ano ba Yuto?! May ginagawa pa ako!”

Hindi na rin siya sumagot nun…

Okay, nasan na ‘ko??

‘Notice if he compliments you on a lot of things.’

------

“Ibaba mo na lang yung buhok mo, mas maganda ka kapag nakalugay.”

-------

‘If you’re friendly with another guy when he can see and he looks jealous or automatically reacts.’

-----

“Ilang take yung commercial niyo ni Jingi??" bigla niyang tinanong.

"Ha?"

"Ilang take???"

-------

‘If a guy tries to show you things he got that are somewhat ‘cool’ or he tries to impress you’

------
“’Wag mong hahawakan ah! Crystal Jelly yang mga yan. Jelly fish na fluorescent. Siguro sa buong Japan sa dagat na ‘to lang may ganyan.”

“Jelly fish?? Maliliit?”

-------

‘If the guy lets you tease him. Meaning all you do is for example call him a by a cute nickname, and he allows it.’

------

“Yuu-kun!!!”

“Bakit Su-chan?”

-------

‘Watch his actions! If someone else is picking on you does he rushes to defend you or get revenge on that person? Either he thinks of you as a great friend or he really likes you!’

------

Nagulat ako nun, hindi ko napansin na lumapit yung babae. Nagulat na lang ako sinuntok siya ni Yuto tapos may tumalsik na kutsilyo.

"Gusto kong kausapin ang magulang mo!" sinigaw niya dun sa babae.

-------

Okay!! So ano ngayon kung tumpak lahat?!?! Hindi naman totoo yan eh!! And, kung totoo man, dapat galing kay Yuto.

------

“You’re living in denial!” Nagulat ako biglang nag-English si Mirai.

-------

Wahh!!! Ano ba yan!! Puro na ‘ko flashbacks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

‘Tips:

‘Don't try to convince yourself that he doesn't like you. He could have some really deep feelings for you, and if you try to convince yourself that he doesn't like you, you could just end up hurting both yourself and him, and then you'll regret not knowing what could have been.

If it's your best guy friend that you're talking about here, you might want to think about it or think what it might do to your friendship if you guys started dating but don't stop yourself from having a relationship with him just because you're worried of losing his friendship. First, if the friendship means as much to him as it does to you, dating won't change that. Wouldn't it hurt more to never know what could have been?’

Okayyyyyyyyyy.. Tama na yan search na! Wala pa akong nasesearch!!!!!!!

‘How to know if you like someone’

Waah!!!!!!!!!!!!!

Oo na! Last na! Babasahin ko lang!

‘1. You desire of physical intimacy, like a kiss.’

Hindi ah!!!!!

‘2. Try to get the person off your mind, can you?’

Hindi ko naman siya lagi iniisip eh!!!!!!

‘3. Do you fear losing their respect?’

Kahit kanino naman no!

‘4. Do you desire relational intimacy? Do you want to know all about him/her?’



“Su-chan, may nakuha ka na?”

“HA!??!?!?!”

“Anong nangyari sa ‘yo? Tinatanong ko lang kung may nakuha ka na…”

“Y-yah. Kokopyahin ko na lang. Wait.”

Wala pa! Sige na, bahala na!!!!

Sinearch ko na lang yung ‘teenager issues’ tapos kinopya yung unang lumabas at sinave ko sa usb ko.

“Okay na.”

“Ako na magpiprint, tutal ikaw na gumawa.”

“Hindi. Ako na. Aayusin ko pa rin kasi may mga advertisement and links pa dun, halatang copy-paste lang.” Babaguhin ko kung mali yung nakuha ko!!

“If you say so. Ano, uwi na tayo?”

“Sure.” Lalakarin ko lang naman hanggang bahay dahil malapit lang kami dito pero si Yuto sasakay pa ng train or cab.

Sabay naman kaming naglakad palabas; papunta siya sa may sakayan, ako pauwi. Pagkatawid kasi, kaunting lakad na lang, subdivision na namin.

“Suzuka!?”

“Ha? Bakit?”

“Lumilipad utak mo. Kanina pa kita tinatawag.”

“Bakit ba?”

“Kasi nga lumilipad utak mo. Tulala ka eh. Ano bang iniisip mo?”

“Wala.”

Tumawa naman siya bigla nun.

“Alam mo ba may nabasa akong interesting kanina dun sa mag…”

Tinignan ko lang siya nun.

“’How to know if a girl likes you’”

!!!!!!!!!!!!!!!!

“-Bakit? May nagugustuhan ka bang babae?”

“Hmm… Tingin mo?”

Bakit ako tinatanong mo?!

“Sus, hindi naman totoo yung mga ganun.” Di ba?!!?!

“Yeah, alam ko.”

“Sige na ingat ka.” Sinabi ko naman dahil meron ng parating na cab.

“Pinapaalis mo naman ako kagad.” Hinawakan niya nun yung kamay ko at tumawid kami.

“I’ll walk you home.” Tapos ngumiti siya sa ‘kin.

‘If he makes you feel special, like always accompanying you or walking you home’

OO NA!!!! TAMA KA NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

---

WAKAS



genre: fluff, /au, a: macy, genre: crack, p: ohgojima, language: filipino, : : horikoshi, t: oneshot, year 2010, genre: romance

Previous post Next post
Up