[ ON-AIR 01.08.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 08, 2009 23:46

Magandang gabi sa inyong lahat mga kapamilya, kabarkada, ka-ibigan at kakuwentuhan! Kamusta ang mga puso niyo, buhay pa ba? :D Sana naman ay maganda nga ang gabing ito para sa inyong lahat... medyo my kalamigan nga lang sa labas, ano? Yung may mga kayakap diyan, share niyo naman sa iba! Hahaha, joke lang po mga kaibigan... andito na naman po ako, ( Read more... )

loveline, on-air

Leave a comment

Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 15:54:19 UTC
dear love guru,

itago niyo na lang ako sa pangalang "french boy." may kabarkada ako nung high school na nakita ko ulet pagkatapos nu'ng ilang buwan. nu'ng high school ako 'yung mukhang babae, at siya mukhang lalake, pero ngayon baliktad na. tapos may bago siyang kaibigan na parati niyang kasama. nu'ng una ay hindi ko alam bakit parati akong naiirita do'n sa bago niyang kasama, hanggang sa napagtanto ko na may gusto pala ako sa kabarkada ko at nagseselos pala ako.

gusto ko na sanang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko, ngunit medyo parang clueless kasi siya. 'di ko alam kung maiintindihan niya ba ako kapag nagtapat na ako, at kung ibabalik ba niya ang nararamdaman ko. at pareho pala kaming lalake. ano ang dapat kong gawin, love guru? :(

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 15:56:22 UTC
Magandang gabi, French Boy. Medyo ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kuwento ah...

Gaano katagal na kayong magkaibigan nitong friend mong naging mukhang babae kamo?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:09:02 UTC
maglilimang taon na rin kaming magkaibigan.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:09:55 UTC
And through those five years ngayon mo lang naramdaman itong feelings na ito para sa kanya?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:11:38 UTC
oo, ngayon nga lang. siguro dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita, at baka may epekto 'yung pagbabago sa physical appearance namin.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:14:54 UTC
I see. Hm sige... granted na ganito na nga ang sitwasyon at clueless kamo siya sa nararamdaman mo, nasubukan mo na bang magpahapyaw, magparamdam sa kanya? I mean, not in the usual friendly way dahil limang taon na kayong magkaibigan... malamang may certain level of closeness kayo.

Have you tried showing affection to him sa ibang paraan na magbibigay sa kanya ng hint na "Ah, may gusto siya sa akin ata..." or something like that?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:29:29 UTC
ah, dahan-dahan akong nagiging mas affectionate sa kanya these days. para naman 'di siya mabigla kung sakaling magtapat na ako. pero parang walagn epekto sa kanya e. >.>

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:31:13 UTC
Yung isang kasa-kasama niyang kaibigan na nabanggit mo, naaagaw ba niya ang atensyon ng kaibigan mo kaya sa tingin mo walang epekto sa kanya ang pagiging affectionate mo?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:36:11 UTC
hindi naman siguro...? pero siguro kaya ako naiirita kasi mas affectionate siya sa akin, eh nu'ng panahong 'yon, ayoko pang tapatan 'yung pagka-affectionate niya kasi di ko pa napagtatanto na gusto ko pala siya.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:38:22 UTC
At ngayon nabawasan ang pagka-affectionate niya sa iyo kung kailan ikaw naman ang nagpapakita ng interes sa kanya, ganun ba?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:47:45 UTC
ah, hinde. 'yung mas affecitonate kesa sa akin ay 'yung bago niyang kaibigan. 'tong kabarkada ko, tawagin na lang natin siyang french girl para 'di nakakalito, wala siyang reaksyon sa kahit anong signs of affection na matanggap niya mula sa akin o sa bago niyang kaibigan.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:51:19 UTC
Hmmmm. Sa tingin mo ba wala talaga siyang reaksyon o nagkikimkim lang siya? Meron kasing mga taong kunwari NR pero ang totoo eh alam niya lahat ng nangyayari sa paligid niya.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:52:55 UTC
naku, love guru, hindi ako sigurado diyan. pero sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya 'yung tipong magkikimkim. sa tingin ko wala lang talaga siyang reaksyon.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:59:05 UTC
Hmm, that's kind of strange. Normally makikita mo sa reaksyon ng isang tao kung gusto niya o hindi ang ginagawa ng iba... o kung receptive siya sa ipinapakitang attitude ng isang tao.

Nasubukan mo na ba siyang tanungin tungkol sa mga tipo niya sa isang relationship? Sorry medyo fan ako ng fishing... lalo na kapag nahihirapan akong makakuha ng information from someone. Baka makatulong sa iyo kung at least alam mo kung open siya sa relationship na tulad ng sa inyo o hindi.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 17:03:39 UTC
onga eh. ang hirap talaga basahin nitong si french girl. >.>

naku, hindi pa. onga no, bakit 'di ko naisip 'yon? D:

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 17:08:15 UTC
Bakit hindi mo muna subukan... from there baka maging mas malinaw sa iyo ang susunod mong puwedeng gawin. Kung open siya sa ganoong klase ng relationship then by all means, tell him! Since you've been friends for a long time, parang natural lang ang transition ng friends to lovers minsan hindi ba?

Reply


Leave a comment

Up