Sa gitna ng mga markang Tres (3.00), Incomplete (INC), at isang "FA"

Mar 27, 2008 17:56

kanina lang, nakita ko ulet ang aking grado sa kiosk sa Main Building, mabuti na lang at maaga akong nakadating sa aking pinakamamahal na USTe...

kung titignan mo talaga, ok naman yung grade ko; the two of them having attained the 1.00 grade mark, yung isa inaasahan kong uno na ako dun kasi madalali talaga siya, at ang twist pa doon, na-meet lang namin ang professor nung January... right after our christmas break... well sasabihin din naman ng iba na nagka-uno ka dahil sa sitwasyon na yun; okay na sana eh, eh ang kaso eh malimit na nga akong nakapasok sa kaniya dahil palagi akong nahihila ng activities ng University, it means, hindi ako nakakapag-recite ng mabuti sa kaniya (nang dahil nga sa ganoon) pero binabawi ko naman siya sa mga research works na pinapagawa niya... (na kung minsan at kung iisipin ng mabuti, mukhang imposibeng gawin ng isang undergraduate na katulad namin) pero pinasa pa din nya ako... hindi lang yun... uno pa ang grade ko sa kaniya... weird no? ang subject na tinutukoy ko...

URBAN AND RURAL ECONOMICS

yung isang uno naman, hindi ko talaga inaasahan na sa magkakauno ako dahil sa una, muntik-muntik na akong bumagsak doon dahil sa mabababang quizzes at seatworks, hindi din makapag-recite dahil "First Come, First Served" ang basis ng kaniyang recitation... meaning, yung mga bakaw na mga p****-***ng mga kaklaseng yan ang palaging matatawag...
Nung tinanong ko ang propesora kung bakit ganun ka-taas ang grado ko... ang sabi niya sa akin...

"Alam mo anak, napakaganda kasi ng ginawa mong Reader's Reaction Paper, ang ikli-ikli kasi ng literary piece, pero na-discuss mo siya ng maayos ("Das Wunderkind"/"The Infant Prodigy" ni Paul Thomas Mann ang literary piece), tapos palagi naman kitang nakikita na active as a student leader ng isa sa mga organisasyon na kinalakihan ko dito sa UST at nakikita ko naman na magaling kang estudyante, hindi nga lang nagpagbibigyan... minalas ka nga lang sa klase na pinag-lagyan..."

I was moved to tears when I heard that...

grabe...

hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin niya sa akin... siguro, nadala na ako sa "in-human" na treatment na binibigay ng mga walang kwenta kong mga kaklase at yung mga propesor na kakuntsaba nila...

nga pala, Continental Literature ang subject na tinutukoy ko dito...

tapos, isang 2.25 at isang 2.5 na ang sumunod... tapos sa may bandang baba ng table na nag-illustrate ng mga grades ko, 3 magkakasunod na 3.00 ang sumunod... dalawa sa mga yun, hinding-hindi ko talaga inaasahan na ganun ang makukuha ko... pero wala na din akong magawa dahil andyan na yan eh... mahirap nang ipapalit... MAGASTOS PA!

and speaking of magastos, I came to think of being a double-degree major as being "Too Costly" that is, nung dumating na ng 2nd Sem noong 2nd Year na kung saan nag-start yung requirements na mag-immersion kami... now this would lead us to the "FA" in the title, it was also in this requirement na I think made her (that freaking professor) to fail me at nagka-lecheleche na ang college life ko... bakit at papaano?

una, required iyon... well it makes sense? well kung malabo, next reason...

oo nga required iyon... makikipamuhay kayo sa isang komunidad at pagaaralan mo sila, pero kailangan mo pa ring gumastos... akalain ninyo na 1,700 ang kailangang gastusin para lang makapag-immersion... grabe ah... eh nung nag-immersion kami for the parish wala pang 700 ang ginastos namin... gusto daw kasi nila na ma-experience kung paano pumunta ng nag-cocommute... well like hello! apat ang UST Bus at isang simpleng letter lang ang kailangan para magamit ang mga iyon... bawas pa sa gastusin... tapos, ang gastos ng mga requirements... mapupunta ka pa sa grupo na ang hirap pakisamahan... haaaaay!!!! parang pinagtutulungan na tayo dito ah...

yung sa Incomplete... ayaw ko sanang mangyari pa yun pero eto... hindi talaga pinalampas... -_-"

kailan pa kaya ito aayos...

hindi ko na kasi siya (sila) makayanan pa...

depression, angst, rage, academics

Previous post Next post
Up