My Chinese Horoscope

Jan 08, 2007 07:19

Okay hindi ko na tatapusin yung 4 day birthday ko na entry kasi super irrelevant na sya.

Gusto ko ikwento yung chinese horoscope ng mga rooster na napakinggan bago mag new year, ang sabi "Malas ka sa lahat ng bagay ngayon taon except sa love life". Yehey! Siguro naman after what happen last year deserving naman siguro ako swertehin sa lovelife this year. I mean naging good sport naman ako di ba? Alam ng lahat ng tao na two timer ang ex ko at alam naman siguro ng lahat ng tao na binasted ako ni 105 and kahit kelan hindi ko yun kinahiya or tinago. Kasi minsan ganun talaga.

Pero this first week ng January medyo lively na lovelife ko mayroon na akong 3 prospect and lahat sila in good terms sa akin. Yung isa taga CEU, pinakilala ng kabarkada ko sa akin, yung pangalawa taga Baguio, nakilala ko nung nagbabakasyon dito karoommate ng gf ng kamagic ko and yung last sales lady sa sm. Mukhang totoo yata talaga horoscope ko ah! Pare pareho sila masarap kausap. Pare pareho din sila nagtatampo sa akin pag di ako tumatawag ng gabi or hindi sumasagot sa text nila. Ang sweet nga eh! atleast may bumabati na sa akin ng good morning pag umaga =P

Hay! feeling ko tuloy ang cute cute ko =P anyway, wala pa akong balak magka-GF anytime soon so hindi ko irurush kun sino man girl na associated sa akin. I mean tignan na lang natin kung sino ang mas makikilala ko sa kanila. Malay mo baka before valentine may GF na ako di ba?

Sana totoo nga yung horoscope!
Previous post Next post
Up