Dec 05, 2006 04:24
Friday (December 1, 2006)
First time in the last 4 years na nagbirthday ako na walang GF. For some reason excited ako kasi i can enjoy this day all by myself. So around 9 am i decided na umalis ng bahay. Dala dala ko yung analog camera ko (My gosh 10 yrs. old na yung camera ko na yun). Dumaan ako sandali sa SM to buy a film kaso sarado pa, so dumaan muna ako sa jollibee para magbreakfast. Bumili ako ng 1 colored film at isang black & white. After nun, pinagisipan ko kung saan ako pupunta and i decided na sa QC Circle na lang ako pupunta. Dumating ako sa circle and took some shots of kids playing & families eating in the picnic area. Ang dami talagang magagandang scene sa circle. Mayroon mga religous groups (Yung naniniwala sa alien), Mayroong nagvovolleyball, biking, aerobics?(Not sure kung yun nga tawag dun). After ko naubos yung colored film ko, idecided to look for some sad scenes para sa black and white film ko for some reason wala akong makitang magandang kuhaan so naglunch na muna ako mga 12:30 na din yun. Nung kumakain ako may nakita ako isang lolo at isang lola aroun 70 na siguro edad nila and habang nagkwekwentuhan sila nagtatawanan sila. Yung lolo binigyan pa nga ng bulaklak yung lola, basta ang saya saya nila tignan. Kinuhaan ko sila ng picture, bagay sa black & white film ko. Focusing on the flower na binigay nung lolo sa lola. Buti na lang nakisama yung sinag ng araw maganda yung timpla ng lighting, ang hirap kasi kumuha ng indoor sa analog.
Around 3pm bumalik sa ako sa SM to play Magic. Andun yung mga usual friends ko and we decided na mag FNM sa philcoa so mga 6pm kami umalis ng SM. Maganda record ko 4-1 kaso 3rd place lang ang ako. Nakauwi ako ng around 2am ng madaling araw. Pahinga konti kasi malamang bukas madaling araw na naman ako uuwi!